CHAPTER 13: HAPPINESS LAST

60 2 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



ELIZABETH POVS

I sit beside Nathan while tumutugtog sya ng piano.

"When you press me to your heart
I'm in a world apart
A world where roses bloom"

Napangiti nalang ako ng bigla sya kumanta habang nagpapatugtog sya.

"And when you speak, angels sing from above
Everyday words seem to turn
Into love songs." Dinugtungan ko ang pagkanta nya kaya napatingin na sya sa akin.

Hinalikan nya ang ulo ko at sinabayan ko sya tumugtog ng piano.

Matapos nya magpatugtog nagpinta ako ng bulaklak na kulay pink. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko sya ipininta siguro ay dahil sa kinanta rin ni Nathan kanina. La Vie en Rose translated as life is pink means seeing life through rose - coloured glasses. Its like trying to see beauty in the everyday. Sa pagkakatanda ko yaan ang meaning nun. Nabasa ko lang rin kasi iyon.

Natapos ko ng mabilis ang mga bulaklak at maganda naman ang kinalabasan.

Mga ilang araw na nagdaan at madalas kami nagkikita ni Nathan at sa mga araw na yun napapansin ko parang lagi sya nahihilo, lalo na ang sumasakit na ulo tapos minsan makakalimutin. Kaya ang sabi ko sa kanya pumunta na sya ng doctor ngayon at magpasama kay Tita dahil si tita lang pwede sumama sa kanya ngayon.

Nasa bahay nila ako ngayon para kunin ang bag ko nakalimutan ko kasi sya kahapon ng pumunta ako sa bahay nila.

Nakita ko si Nathan na medyo malata pa rin. Hawak nya ang ulo nya.

"Masakit ulo mo, honey?" Tanong ko sa kanya at nilapitan ko pa sya upang yakapin sya.

"Ahh oo.. pero kaya ko naman.. pupunta na rin naman kami ni Mom sa doctor." Sagot nito sa akin. Kahit nag-aalala ako sa kanya pinilit ko pa rin tumango ay ngumiti sa kanya.

"Oo nga ehh.. kailangan na namin talaga pumunta nakakapag alala na sitwasyon ni Nathan. Ikaw sweetie.. aalis ka na ba?"

Ngayon kasi punta ko sa bagong bukas na art gallery. Nag aalinlangan pa nga ako pumunta dahil sa sitwasyon ni Nathan.

"Don't worry, sweetie.. magiging maayos si Nathan."

Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sa akin.

Ang sweet talaga ni Tita. Niyakap ko sya at hinalikan ang noo ni Nathan.

"Uuwi rin ako agad.. I love you." Sambit ko sa kanya.

"Elizabeth.. magsaya ka kasama ang mga kaibigan mo.. magiging maayos ako. I love you."

Nginitian ko sya matapos nya ako halikan sa noo ko. Nagpaalam na ako sa kanya bago ako umalis. Sinundo rin ako ng kotse ng kaibigan ko.


AUTHOR POVS


"Anak, mag ayos ka na at pupunta pa tayong doctor." Saad ng mom ni Nathan.

"Ow.. yes, mom!" Sagot ni Nathan.



MEANWHILE..


Pagkarating ni Elizabeth sa lugar ng event binati agad sya ng mga tao. Halos ang mga bisita ay hindi nya kilala subalit nagiging kaibigan nya rin ito agad.

Dumating ang speech ni Elizabeth at ang lahat ng bisita ay nakikinig lamang sa kanya.

"Ms. Elizabeth!? Is it true na kayo ni Mr. Nathan?" Tanong ng isa sa mga guest.

Tapos na ang speech ni Elizabeth kaya may tanungan na hindi nya inaasahan.

" Ahh.. yes! Kami na nga!"

Nagkaroon ng ingay ang paligid.

" I love Nathan more than everything.. I love him not just isa syang famous pianist.. kundi ang Nathan na.. makulit, masiyahin at mahilig sa cheesy lines ahahha! Yun lang ang masasagot ko thank you!"

Bumaba na sa stage si Elizabeth at sinalubong sya ng may pagmamay ari ng Art Gallery.

Matapos ang paglibot sa museum nagkaroon ng party sa lugar.

Masaya si Elizabeth makausap ang mga kaibigan nya. Ngunit nag aalala pa rin sya kay Nathan. Tinawagan nya ito ngunit hindi ito sumasagot. Malapit na mag gabi at wala pa rin sya natatanggap na tawag.


HOWEVER..


CLARK'S HOME


"Nathan, tapos ka na ba mag ayos.." tanong ng mom nya.

"Mom.."

Yaan na lamang ang huling nasabi ni Nathan bago sya tuluyan bumagsak.


AT THE MUSEUM'S PARTY


ELIZABETH POVS

Hawak ko ngayon ang isang baso na red wine. Masaya ako nakikipag usap sa kaibigan ko. Tinignan ko ang oras at malapit na mag 6. Dapat nakauwi na sila Nathan sa bahay nila. Siguro.. kailangan ko na umuwi.

Ow..

Bigla may bumangga sa akin na waiter. Nagulintang ako ng mabasag ang baso ko ng wine.

Nakakapagtaka kung bakit nabitawan ko sya sa bangga lang sa akin?

IF I STAY (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now