Chapter One

1.8K 55 12
                                    

Seer's Pov

"Psh, don't be ridiculous my sweet little sister. There's no way that you can win against us." Gel said while my other two older brothers are laughing.

"Oh my, you look troubled my dear brothers. Are you really that scared that I might become the CEO of the company?" I retorted, kapag ako ang naging CEO ng kompanya, sigurado akong mahihirapan silang kontrolin at ituloy ang mga masasamang gawain nila sa kompanya. They also knew that I am not easy to manipulate, so it is a big loss for them.

"Stop playing around, Seer. Sabihin na natin na mas magaling ka sa amin, do you really think na ipapamana ni Dad ang kompanya sa'yo? Ha, you have a slim chance." Gavin babbled without looking at me.

"You and Dad are always on bad terms, why can't you just sit pretty, go hang out with your friends and leave the rest to us, eh?" Gray is trying to convince me with his shits.

I poured a little amount of whisky into my glass and slowly shook it. Akala ba nila na ang bawat babae dito sa mundo ay pera at pagpapaganda lang ang iniisip? Well, I am not surprised dahil halos lahat ng nakaka-relasyon ng mga kapatid ko ay pera lang din ang habol sa kanila.

"Alam ko ang dahilan kung bakit bigla ka nalang nag ka-interest sa kompanya, Seer." Napatigil ako sa pag halo ng whisky at tumingin ng masama kay kuya Gavin na naka-ngisi na ngayon. Alam ko kung saan patungo 'tong usapan namin.

"I wonder if it is because of our late Grandma?" kuya Gavin added.

Linapag ko ang baso ng whisky sa mesa at tumayo sa pag kaka-upo. Ayaw na ayaw kong pinag-uusapan si Lola sa mga ganitong sitwasyon kaya nag lakad na ako patungo sa pintuan para lumabas sa office ni kuya Gavin.

"Ah yes, I have a small chance of winning, but never zero" Binigyan ko sila ng matamis na ngiti sabay sa pag bukas ko ng pintuan at lumabas na.

Nang naka-labas na ako ay napawi ang ngiti ko.

Honestly, I am not confident in winning this stupid competition. Kagaya nga nang sinabi ni kuya Gray, Dad and I have a bad relationship. No matter how good I am or how smart I am, I'm still at the disadvantage. But I'm still hoping that Dad might change his mind lalo't na alam niya ang mga pinaggagawa ng mga kapatid ko sa kompanya. My brothers are stealing millions of money in the company at ilang beses narin silang pinagtakpan ni Dad. I am not complaining- no I don't have the right to complain for his unfair treatment. Nag aalala lang ako sa kalagayan ng kompanya, kaya gagawin ko ang lahat para hindi bumagsak ang pinaghirapan ni Lola.

Habang nag lalakad ako patungo sa IT department, nararamdaman ko ang mga tinginan ng mga empleyado sa akin. Sanay naman na ako, kaya pinatuloy ko lang ang paglalakad.

"Balita ko dinagdagan na naman ang mga gawain sa IT department"

"Ha? kawawa naman ang mga Empleyado roon, bakit pa kasi dito sa kompanya niya pang naisipan mag trabaho, maraming nadadamay sa problema nila."

"Hinaan mo boses mo"

Rinig kong mga bulungan habang papalapit na ako sa pinto ng IT department. Napa-buntong hininga nalang ako, mukhang ang tatlong kapatid ko na naman ang may gawa nito, sila lang naman ang may matataas na posisyon at may kakayahang pahirapan ako rito sa kompanya. Ang akin lang sana ay wag idamay ang mga empleyado.

Pag pasok na pag pasok ko sa office ng IT room naramdaman ko agad ang masasamang titig nila sa akin, I can't blame them. Napa-yuko nalang ako para iwasan ang mga titig nila at pinatuloy ko ang pag lakad hanggang sa maka-upo na ako.

"Miss. Seer, alam mo bang mag o-over time na naman tayo dahil tambak ulit ang mga documents dito sa department" Ani ng isa sa mga ka-trabaho ko rito sa department.

The Villain's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon