Chapter Five

464 46 8
                                    

Anagennisi's pov

"Found you, my wife"

This man must be Krithie Dynami, the husband of Eucharis, the father of Anagennisi, and the Emperor.

He is one of the villains in the story.

"K-Krithie" Mahinang sambit ni Eucharis habang pinipilit niyang umupo sa hinihigaan niya.

"Casters! Use your mana to help the Empress." The Emperor commanded.

"Yes, Your Majesty"

Agad na lumapit ang limang naka-cape at pinalibutan si Eucharis, the casters began to chant while their books are floating in the air. Habang ginagawa nila 'yon, napansin kong unti-unting bumabalik ang kulay ni Eucharis kompara kanina na napaka-putla ng balat niya.

Minasdan ko ang Emperador na nakatayo sa harap namin, nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa kalagayan ni Eucharis. I was right, the Emperor's feeling is sincere. Hindi ko rin inaasahan na may itsura rin pala ang Emperador, mukha siyang masungit dahil sa walang emosyon niyang mukha pero hindi 'yon nakaka-bawas sa karisma niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang nag tagpo ang mga mata namin ng Emperador.

Buhay nga naman.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at tinutok ko nalang ang atensiyon ko kay Eucharis. She looks better than before, buti nalang talaga ay narinig nila sa labas ang iyak ko. Now I am sure that Eucharis will be safe for now.

"Mahal na Emperador, matagumpay naming nagamot ang mahal na Emperatris ngunit kailangan niya paring mag pahinga para maibalik ang kanyang lakas" Sabi ng isa sa mga casters.

Hindi na sumagot si Krithie at bumalik na ulit ang mga casters sa likod niya. Tiningnan ko si Eucharis na ngayon ay matalim na nakatingin kay Krithie. Ano ba talaga ang nangyari sa kanila?

"Dismiss" Pagkatapos ni Krithie sabihin 'yon ay biglang nawala ang mga casters at ang mga naka-armor sa likod niya, sigurado akong mahika ang rason. Ang naiwan nalang dito sa kwarto ay si Eucharis, ako, Theor, Arieth, Termos, at ang Emperador.

"My lady, you must rest first" Biglang sabi ni Theor.

"Volzaky."

"Y-yes, your majesty?"

"It looks like you have been lying to me, all this time"

Lahat kami maliban lang kay Eucharis ay natatakot kay Krithie. Si Theor ay nakayuko lang habang ang dalawa ay nasa likod niya.

"I apologize your majesty, but I did not regret it. His majesty did not listen to my advice that is why I have no choice but to take the Empress' side."

Naglakad patungo si Krithie kay Theor, nagulat kaming lahat nang hinugot niya bigla ang kanyang espada at idinikit ito sa liig ni Theor.

"I-I am also one hundred percent sure that his majesty is glad that I am with the Empress"

Theor, wag ka nang sumagot please lang. Alam naming lahat na pinagkakatiwalaan ka ng Emperador pero isinarili mo nalang sana 'yan, halatang naiinis na ang Emperador.

"Krithie Dynami! Tumigil ka" Matinding utos ni Eucharis.

Lahat kami ay napalunok, para akong nanonood ng palabas sa Netflix. Agad namang ibinalik ni Krithie ang kanyang espada at tumingin kay Eucharis. Kinuha ako ni Eucharis sa pagkakahiga, bali naka-upo parin siya sa higaan habang hawak-hawak ako.

"Buti nalang ay hindi ako nakinig sa iyo, Krithie" Pagsisimula ni Eucharis.

Nagbago naman ang ekspresyon ni Krithie at nag iwas tingin.

The Villain's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon