Chapter Four

509 48 11
                                    

Anagennisi's pov

"Wag niyo na munang buksan" Utos ni Eucharis sa dalawa.

Nag lakad si Eucharis patungo sa pintuan habang sina Arieth at Termos ay nasa likod niya. Wala silang imik, minasdan lang nila ang pintuan. Kinakabahan ako, alam kong mahahanap din kami ng Emperador pero bakit ang bilis naman.

Naka-limang beses na ang pag katok, ilang sandali pa ay tumigil na ito.

"My lady? This is Knight commander Theor" Pag papakilala ng nasa labas.

Wait. His voice is familiar, nakaka-siguro akong narinig ko na ang boses niya. He called Eucharis 'My lady' I am sure that I heard him saying that before.

Binuksan agad ni Eucharis ang pintuan dahil malapit lang naman ito sa kanya.

"K-knight commander?" Na u-utal na tawag ni Arieth.

"Nag babalik na ako"

"Anak ng- ikaw lang pala iyan! Abot langit ang kaba namin dito, akala ko nahanap na kami ng Emperador."

"Ehem, ang daldal mo Arieth. Mataas ang posisyon niya, wag mong kalimutan mag bigay galang"

Sumaludo si Theor kay Eucharis upang ipakita ang kanyang paggalang at napunta ang tingin niya sa akin na may halong pag ka-gulat. Napansin ko na naka-suot siya ng kulay pulang armor, may sandata rin sa kaliwang bahagi ng bewang niya. He's a Knight commander, mataas nga ang posisyon niya.

"Ilang araw lang ako nawala, pero parang lumaki na ang Prinsesa" Sabi ni Theor habang hindi iniiwas ang tingin sa akin.

"Pumasok ka muna Theor, sa loob natin ituloy ang ating pinag uusapan" Sabi ni Eucharis

Nagsi-upo na silang lahat dito sa sala. Pilit kong inaalala kung sino si Theor sa nobela, matagal na rin kasi nung binasa ko 'yong novel na binigay ni Lola sa akin. Hindi lahat ng karakter sa storya ay naalala ko, especially if the character has a short exposure.

"This is my report, eighty percent of the royal knights are scattered in the country." Pag u-umpisa ni Theor.

"And there is a ninety nine percent chance that the Emperor will find you and your daughter soon, my lady."

"Sana ginawa mo nalang isang daan, may puwaki pa eh" Sabat naman ni Arieth.

"Alam niya ba na matagumapay kong ipinanganak si Anagennisi?" Seryosong tanong ni Eucharis.

Lahat sila ay napatahimik sa tanong ni Eucharis, habang ako ay nag aabang sa sagot ni Theor.

"Not yet, my lady"

"Mabuti. Hindi pa ba sila nag su-suspetsya sa iyo?"

"I am the right hand of the Emperor, I doubt that his Imperial majesty will suspect me" Theor answered with assurance.

"Ehem, pag nalaman ng Emperador na may alam ka kung nasaan ang Emperatris, sigurado akong hindi matutuwa ang Emperador"

"Naisip ko rin iyon, magiging okay ka lang ba?" Tanong ni Arieth

"Magiging maayos lang ako, hindi ako nagsisisi na tulungan ang Emperatris" Agad na sagot ni Theor.

Hm, the right hand of the Emperor.

Time to brainstorm. Theor said that he's the right hand of the Emperor, ibig sabihin siya ang pinagkakatiwalaan ng Emperador. Hayst, hindi ko talaga si Theor maalala. Ang tanging naalala ko lang ay si Volzaky, if my memory is right, si Volzaky ang kanang kamay ng Emperador. Hayst, sino ka ba.

The Villain's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon