President
Nakarating na ako sa harapan ng room ko kaya agad akong pumikit at kinalma ang sarili. Godh I can't believe na nag sayang ako ng oras sa mga hinayupak na volleyball player na yon e ang sasamang lalaki naman.
Mula rito sa labas ng pintuan ay rinig na rinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko, parang palengke ang room. Ngayon lang ba sila nag kita-kita? Kala mo naman hindi sila nag sasawa sa mukha ng isa't-isa.
"Oh miss Laddaran bakit nandito ka pa sa labas ng classroom?" Napalingon ako sa aming teacher ng bigla siyang nag salita.
Agad akong tumabi sa gilid ng pinto at nginitian siya, "Kakarating ko lang po kasi." Palusot ko which is true naman pero sa totoo lang, ayoko lang makisalamuha agad sa mga kaklase ko para lang makipag plastikan.
"Mabuti at hindi ka na late. Oh siya sige pumasok ka na at magsisimula na tayo ng klase."
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Pag ka pasok ko sa room ay malaking ngiti sa labi ang sumalubong sa akin.
Feeling ko talaga pag ganito ang bumungad sa akin ay isa akong santo na palaging sinasamba ng mga ito. Hays dumb people.
Dumeretsyo ako sa designated seat para sa akin, may seating arrangement kami rito para hindi maging magulo. Nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom at nakitang nag si ayusan na ng tayo ang mga kaklase ko. Hindi ko maiwasang mapa iling ng dumapo ang mata ko sa katabing silya ko. Ang nag iisang taong gustong gusto kong kausap sa University na ito ay wala pa.
Where did that dumb girl go kaya? Late na wala parin siya. Alam kong papasok yon, palagi lang siyang late pero ni minsan ay hindi yon ama-absent.
Nagsimula na ang discussion sa harapan. Wala akong ganang makinig kaya di ko maiwasan na mapa hikab. Sa kalagitnaan ng discussion ng teacher namin, bigla nalang bumukas ang pintuan.
Napatingin ang lahat doon kaya napa ngiti ako, sinasabi ko na nga ba e. Papasok pa rin talaga siya kahit late na.
"Miss Vonny!" Gulat na wika ng aming teacher. "Bakit ngayon ka lang? You're 30 minutes late!"
Bumungad sa amin ang isang babae naka suot rin naman ng uniform pero kapansin pansin ang kapal ng itim na make up nito. Her eyebrows, eyeshadow, and eyeliner. Kulang nalang ay pati labi mag lipstick siya ng black.
Hindi naman bawal sa University na to ang mag make up. Actually in terms of physical body, wala kaming ipinagbabawal. Gusto kasi nila mommy na kumportableng nag aaral ang mga estudyante dahil naniniwala sila na pag confident ang mga ito sa itsura nila, mas lalo silang ganahan mag aral.
"I know I'm late. May I sit now?" Sagot nito na animoy isang inosente.
Napapa iling nalang ang teacher ko na tumango sa kanya. Ano pa nga bang magagawa ng matanda e nandito na siya e.
"Hey!" Pag bungad sa akin ni Vonny na itinaas pa ang kamay para makipag apir sa akin kaya inabot ko naman iyon at tumawa.
"Masyado ka atang napaaga ngayon?" Tiningnan ko siyang umupo sa tabi ko habang inaayos ang gamit niya.
Si Vonny ang nag iisang bestfriend ko mula elementary. Marami kaming bagay na palaging napapag kasunduan kaya naman naging malapit kami sa isa't-isa. Sa lahat ata ng tao dito sa University namin ay sa kanya lang ako komportable.
"Pinilit ako ng punyetang kapatid ko na pumasok ng maaga." Iritang wika nito na siyang lalong mas nag pa tawa sa akin.
Palagi kasi siyang late at kalimitan ang pagka late na iyon ay tumatagal ng lampas isang oras. Minsan nga ay tapos na ang first subject namin wala parin ito.
BINABASA MO ANG
Everything Is Under Control (ONGOING)
Teen FictionShe's Realiana Cholest Laddaran, the 'Talented Girl' of Laddaran Romania University. She believes in saying, "You deserve the World, even if it means giving it to yourself." Date Started: January 20, 2022