Reila Laddaran
"And I can't help loving myself
And I don't need nobody else, no, uh"Pag kanta ko sa lyrics habang naka harap ako ngayon sa harapan ng salamin at nag mamake up. Kailangan kong mag paganda ngayon dahil simula na naman ng pasukan. Grabe di ko nga ineexpect na matatapos ang semester break namin ng ganon ganon lang. Ni hindi ko man lang naramdaman na nag bakasyon, parang hangin lang na mabilis dumaan.
"If I was you, I'd wanna be me too..."
Patapos na ko mag ayos at kailangan ko na bilisan, malalagot na naman ako pag na late ako sa hapag kainan. Tuwing umaga ko pa lang naman makaka sabay ang mga iyon dahil palagi naman silang wala sa bahay.
Nang makuntento na ko sa itsura ko ay tumayo na ko at muli ko namang tininganan ang reflection ko sa body mirror para icheck kung maayos na ba ang uniform ko. Grabe napaka ganda ko talaga!
Naka rinig na ko ng mga yabag mula sa labas ng kwarto ko na papalapit sa pintuan kaya agad kong hinawakan ang bag ko at kasabay nga noon ang pag bukas ng pintuan.
Agad akong ngumiti ng malawak kahit na alam ko namang wala akong matatanggap na ni isang reaksyon galing sa kanya.
"Good morning mommy!" Bakit ko sa kanya.
Tumango lang siya at tiningnan ang itsura ko mula ulo hanggang paa. Medyo napa taas pa ang kilay niya pero hindi ko na iyon pinansin. Sanay na ko sa kanya.
"Bumaba ka na kakain na." She said.
Tumango nalang ako at nag simula nang mag lakad palabas ng kwarto ko. Nakita ko naman na umalis rin siya pero di para samahan ako papuntang kusina kundi para puntahan sa kwarto si ate.
Katulad ng ginawa niya sa pintuan ko, kumatok rin siya doon at matapos lang ang ilang segundo ay agad din namang bumukas ang pintuan.
Napatitig ako sa mga naging ngiti ni mommy ng makita niya si Ate. Agad niyang bineso ang kapatid ko at niyakap. Pansin kong nag usap pa sila sandali bago sila humarap sa direksyon ko.
"Good morning Rei." Bati sa akin ni ate na naka ngiti. Palagi niya namang ginagawa iyan.
"Good morning ate." Ngiti ko pabalik.
Nakataas na naman ang kilay ni mommy ng makita niya ako kaya wala akong nagawa kundi ang mag buntong hininga nalang. Hinintay ko muna silang malampasan ako bago ako sumunod sa likuran nila para bumaba sa first floor.
Habang pababa kami sa hagdan ay patuloy parin silang nag uusap. Pinaka titigan ko ang likuran nila, perfect na perfect silang dalawa. Halatang halata na napaka saya ni mommy pag kausap niya si ate.
Yon ang sana all.
Nakarating na kami sa kusina at nakita ko naman doon si daddy, lumapit agad sa kanya si ate para halikan ito sa pisngi at batiin. Ganon rin sana ang gagawin ko kaso papalapit pa lang ako ay tumango na lang agad siya kaya dumeretsyo na ko sa upuan na para sa akin.
Hays bakit hindi pa ba ako nasanay? For 17 years ganito naman palagi ang eksena dito sa bahay. Bunso lang naman ako, ako lang naman si Realiana.
Realiana the invisible daughter.
Napangiti ako ng mapait habang nakaharap sa pagkain. Wala paring pagkain ang plato ko. Ayokong i angat ang tingin ko dahil for sure maiinggit na naman ako sa makikita ko.
Nang lumapag ang platong may naka lagay na sinangag ay agad ko iyong kinuha at nag lagay lang ng konti pati na rin ng hotdog at itlog. Ano ba yan, umagang umaga nawalan ako ng gana. Napaka ganda pa naman ng gising ko. Hindi bali na, mahaba pa ang araw at for sure marami pa namang pwedeng mangyari.
BINABASA MO ANG
Everything Is Under Control (ONGOING)
Ficção AdolescenteShe's Realiana Cholest Laddaran, the 'Talented Girl' of Laddaran Romania University. She believes in saying, "You deserve the World, even if it means giving it to yourself." Date Started: January 20, 2022