Opposite
Alas tres na nang umaga ng nakatulog ako. Wala naman akong ginawa kundi ang mag basa basa lang rin ng lesson namin at isa pa hindi rin ako pinatulog noong taong nag text sa akin dahil halos mag damag ko ring iniisip kung sino siya. Hindi na naman ulit siya nag text matapos ng huli ning sinend sa akin, marahil siguro ay naka tulog na rin.
Nasa school ako na ako ngayon, sinadya kong pumasok ng mas maaga para maka hinga hinga naman ako ng maluwag. Sa totoo lang ay ayokong maabutan ang mga magulang ko sa bahay dahil pakiramdam ko e masyadong sofocating ang bahay namin ngayon at ayokong masira rin ang araw ko. Isa pa masarap rin naman pag maaga ka dahil hindi pa masyado crowded.
Dahil nga wala pa naman klase pupunta na muna ako sa office ko. For sure ay maayos na yon ngayon at wala na doon ang mga kalat na nilikha ko dahil sa pagwawala ko kahapon. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay napansin ko na naka kawang ang pintuan. Hindi na ako nag ka roon ng chance na ilock pa ito at alam kog pinapabayaan kong nalang ito basta kahapon dahil sa gulat ko kay Dickory. Well okay lang din naman kahit na hindi ito naka lock dahil wala namang pwedeng mawala dito bukod sa mga stock na pagkain sa ref saka wala rin namang mag babalak na pumasok dito bukod sa janitor----
"Holly cow!" Gulat na bulaslas ko pag ka bukas ko ng pintuan.
Mali pala ako sa iniisip ko. Akala ko lang pala na walang mag tatangkang pumaso rito pero meron!
"Good mornig!" Bati sa akin ng gwapo-- este kalabaw na lalaking prenteng nakaupo sa sofa.
"Anong ginagawa mo dito napaka aga pa ah!?" Tanong ko. Mabilis akong kumilos at nag punta sa table ko para pansamantalang ipatong ang gamit na dala dala ko.
"Ikaw bakit ang aga mo?" Tanong niya sa akin pabalik.
"May trabaho pa akong dapat tapusin." Pag dadahilan ko.
"Same to me. May trabaho pa tayong dapat ayusin." Mas lalong tumaas ang kilay ko. Nakita ko naman na tumayo siya para lumapit rin sa table ko at maupo sa harapan ko.
"Excuse me Mr. Arao?" Hindi ko makuha kung ano ang gusto niyang iparating sa akin at oo si Messiah ang nasa office ko ngayon.
"Did you already forgot? Kailangan na nating imonitor ang mga sasali sa Mr. and Ms. LaRo and the we also need to fix kung sino ang mga tao na iaasign natin sa mga booths para sa anniversary celebration nitong University."
Oh shemay yes I already forgot about that! Oo nga pala isa iyon sa mga kailangan naming plantyahin na dalawa nang magkasama.
"What's your plan?" Ngayong alam ko na ang simadya niya, siguro naman may plano na siyang gawin kasi hindi naman siya pumunta dito para sa wala pero nabigo na naman ako.
Nakita ko siyang nag kibit balikat at sumamdal ng komportable sa upuan. Naningkit rin ang mata niya na parang malalim ang iniisip.
"Honestly wala akong alam tungkol sa mga pageant." Simula nito kaya nakinig ako. "I've never watch one before and I don't even participate in those kind of event."
"Really?" Saang planeta naman kaya nag mula ang taong ito at hindi pa siya nakakapanood o nakaka sali man lang sa mga ganitong klaseng event? Kung tutuusin gwapo siya, matipuno, matangkad at matalino. Siguro kung sasali siya bilang isang contestant, tiyak na siya na ang automatic na panalo.
Tiningnan niya ako sabay tumango. "Yes."
"Pero taon taon naman ang contest na ito. Impossible naman atang hindi ka pa nakaka panood o hindi ka man lang nakaka kita ng mga ganito sa television or internet."
"Maniwala ka man o hindi, seryoso ako sa sinasabi ko."
This time mata ko naman ang naningkit. Wala sa itsura ni Messiah ang mag sinungaling, siguro nga kung nababasa ko ang vocabulary nito ay hindi niya rin alam ang salitang 'sinungaling'.
BINABASA MO ANG
Everything Is Under Control (ONGOING)
Teen FictionShe's Realiana Cholest Laddaran, the 'Talented Girl' of Laddaran Romania University. She believes in saying, "You deserve the World, even if it means giving it to yourself." Date Started: January 20, 2022