Chapter Five

15 1 0
                                    

Vandalism

Napabuga ako ng hangin ng matapos na ang meeting kuno namin ni Messiah. Finally, sa hinaba haba ng oras na mag kasama kami ay nagkaroon na ng matinong process but to be honest napamangha niya ako sa mga suggestions niya tungkol sa mga gagawin namin.

Malawak ang mga ideya niya, parang bawat gusto ko ay may kaya siyang idagdag doon kaya mas na impress ako sa galing niya. Kaya naman pala siya naging President dito sa campus nila dahil sa talino at galing na taglay niya. Kung sabagay, never naman namili ang mga tao rito ng mga pipitsugin... I mean, just look at me.

I'm Reila Laddaran, my name is enough to know who I am and what I can do.

Naglalakad ako ngayon pabalik sa campus ko, pansin kong pinag titinginan ako ng mga college students rito pero di ako nag patinag. Ngayon lang ba talaga sila naka kita ng maganda kaya kung makatingin sila ay wagas? Dumb people are literally everywhere.

Kanina ay nag prisinta si Messiah na ihatid ako pabalik pero tinanggihan ko... tinanggihan ko dahil gusto ko sana pilitin niya ako pero aba ang letcheng iyon, isang 'Hindi' ko lamang ay pumayag na agad. HMP! Akala ko naman ay gentleman talaga.

Mabilis akong naka rating sa campus namin dahil gate lang naman ang pagitan noon. Nag batian sa akin lahat ng nadadaanan ko pero hindi ako ako nag abalang bumati rin pabalik, wala akong gana para makipag plastikan sa kanila.

Hindi ko alam kung saan ba ako dederetsyo ngayon, alam kong may klase na kami sa oras na ito kaya for sure ay wala na sa canteen si Vonny. kung dederetsyo naman ako sa office ko ay wala rin naman akong gagawin doon dahil bukas ko pa balak mag simula ng trabaho ko.

Hmm... ano nga kaya ang magandang gawin ngayon?

Agad akong napangiti ng may maisip akong idea. Matagal tagal ko na rin namang hindi nagagawa ang bagay na iyon at isa pa boring rin naman. For sure wala din namang makaka alam na kahit sino sa binabalak ko at wala ring mag hihinala sa akin.

Halos patakbo ko nang nilakad ang papunta sa bodega ng school parking ng University namin. Lahat ng sasakyang nandito ay it's either pag aari ng mga teacher o di kaya naman ay sa mga college. Hindi kasi allowed ang mga highschool at senior na mag drive, syempre wala pa naman kaming mga licence at mga minor pa.

Nang makarating na ako sa bodega ay mabilis kong kinapa ang bulsa ng bag ko para kunin ang susi. May duplicate ako ng lahat ng susi dito sa University namin dahil madalas ay ako ang pinapa asikaso nila mommy sa mga maintenance.

Mas lalo akong natuwa ng mabuksan ko na ang madilim na bodega, kinapa ko naman ang pader para hanapin ang switch. Bago ako pumasok ay sinigurado ko muna na walang tao sa paligid, kailangan walang maka kita sa akin no.

Tumambad sa akin ang magabok na paligid. Ano ba yan, halatang halata na hindi na nila chinicheck ang bodega na ito.

Isa isa kong hinawi ang mga trashbag sa paligid na sobrang gabok. Ang sakit sa ilong ng mga duming ito, pakiramdam ko ay mag kaka allergy ako pag labas ko dito.

Binilisan ko na lang ang kilos ko at lahat ng pandidiri sa katawan ko ay nawala ng makita ko na ang hinahanap ko. Agad kong itinaas ang isang malaking itim na bag para ilabas.

Katulad nang ginawa ko kanina, muli kong tiningnan ang paligid bago ako lumabas. Nang masigurado ko ulit na wala nang tao, dali dali akong nag lakad dala ang bag na kailangan ko.

Mas doble ingat ang ginawa ko dahil maraming CCTV dito sa parking lot at iyon ang kailangan kong iwasan. Mas mahirap kalaban ang CCTV kaysa sa tao dahil iyon ay isang tunay na ebidensya.

Napatigil ako sa paglalakad ng tumambad na sa akin ang isang napakalaking puting pader. Grabe, hindi ko maipaliwanag ang excitement na nararamdaman ko ngayon. Hindi naman ito sakop ng CCTV at wala ring masyadong sasakyan ang nag papark dito kaya ayos lang na dito ako mag simula.

Everything Is Under Control (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon