Ms. Perfect
Bumungad sa akin ang puting kisame pagkagising ko. Mabigat ang nararamdaman ng katawan ko kaya hindi muna ako nag abalang gumalaw.
"Reila!" Rinig kong pag tawag sa akin ng bestfriend ko. Naramdaman ko ang palad niya na hinawakan ang aking braso.
Kung tutuusin ay hindi naman ata gaano kahaba ang oras na nakaratay ako rito sa clinic. Parang sandali lang rin akong nawalan ng malay kanina. Wala na akong nararamdaman n kahit na anong sakit sa tiyan, marahil ay dahil sa mga gamot na binigay sa akin
May lumapit sa akin na nurse, "Anong nararamdaman niyo ma'am?" Tanong niya sa akin habang may chinicheck sa aking katawan. May inalis siya sa aking tiyan kaya kahit papaano ay nawala ang bigat na aking nararamdaman.
"W-water..." Pakiramdam ko ay sobra ang pag ka uhaw ng aking katawan. Mabilis naman akong inabutan ng tubig at umalalay rin sa akin si Vonny.
"Ayos na ngayon ang lagay ng katawan mo pero mas mabuti kung mag papahinga ka rin muna. Na excuse na kita sa mga subject teacher mo ngayong araw kaya wala kang dapat ipag alala sa klase mo." Paliwanag sa aking ng nurse.
"Ano ang nangyari sa akin? Bakit po sobra yung naging sakit ng stomach ko?" Tanong ko sa kanya. First time ko kasi naramdaman ang bagay na iyon.
"Iyon rin ang hindi malinaw sa akin ngayon, wala namang problema sa mga kinain mo kanina. Mabuti nalang at may nag bigay sayo kanina ng paunang lunas bago ka dalhin rito. Pero best advice ko sayo mag pa check up ka sa doctor dahil hindi talaga normal yung naramdaman mo kanina."
Madami pang naging paliwanag sa akin ang nurse na hindi ko na maintindihan. Binigyan niya rin ako ng gamot pansamantala pero sinuggest niya rin sa akin na mas mabuting sa mismong hospital na ako nag pa check up para malaman kung ano nga ba talaga ang dahilan ng pag sakit ng tiyan ko.
"Pupunta ka pa rin ba sa klase ngayon?" Tanong sa akin ni Vonny. Sinabi sa amin ng nurse na pwede na akong umalis kung gusto ko kasi maayos na raw naman ako kaya inaya ko na sila.
Oo sila... nandito rin kasi ngayon si Dickory pero tahimik lang siya simula kanina. Muntik ko pa nga siyang hindi mapansin kung hindi lang nasabi sa akin ni Vonny na naka upo lang siya sa tabi.
"I need to catch up in class, Von." Sagot ko.
"Kung mga notes lang naman ang kailangan mo, ako na ang bahala. Mas mabuti pang mag pahinga ka nalang muna ngayon." Napangiti ako sa sinabi ng bestfriend ko. The best talaga ito!
"She's right, you should rest muna." Sa wakas, na isipan na rin ni Dickory na mag salita. I thought he already became a dumb. Lol
"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ng nurse kanina? I'm fine."
Iniwas ko sa kanilang dalawa ang paningin ko para ayusin ang suot kong uniform. Marahil nagusot ito dahil sa pag kakahiga ko at dahil na rin sa pag buhat sa akin ni Messiah.
Speaking of Messiah, nasaan na nga pala siya? Sa pagkakaalam ko ay siya ang nag dala sa akin rito?
Biglang pumasok sa isip ko ang huling pag uusap namin bago ako nawalan ng malay. Muli na namang humaplos sa puso ko ang salitang binitawan niya. Hindi kami ganoon ka close pero biglang naging magaan ang pakiramdam ko sa kanya kahit hindi ko naman siya kaharap kanina.
"By the way, where's Messiah?" Out of nowhere biglang lumabas ang tanong na iyon mula sa aking isipan at huli ko na na realize ang sinabi ko.
Napa pikit ang ng mariin nang maramdaman ko ang biglang pag paling ng tingin sa akin ni Vonny at Dickory.
"I just want to thank him for bringing me here." Mabilis kong dugtong. Mahirap na baka malagyan ng malisya, ayokong may isipin silang iba lalo na si Dickory. Hello, siya kaya ang crush ko at feel ko para akong nag taksil kasi may hinanap akong ibang lalaki sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Everything Is Under Control (ONGOING)
Novela JuvenilShe's Realiana Cholest Laddaran, the 'Talented Girl' of Laddaran Romania University. She believes in saying, "You deserve the World, even if it means giving it to yourself." Date Started: January 20, 2022