Sophia's P.O.V
Andito nanaman ulit Ako sa dilim, last time ko makapunta Dito ay nagkita kami ni Charlotte.
May nagawa nanaman ba akong masama? Was I offensive?
"Hello?" Sigaw ko pero walang sumagot.
"Hello!" Sigaw ko at biglang may lumitaw na parang bilang liwanag.
"Ingay mo." Ani niya at kumunot noo ko, tinuro ko Yung sarili ko kung Ako ba Yung sinabihan niyang maingay.
"Oo! Di ka makapaghintay?" Naiiritang tanong ng bolang liwanag na ikinagulat ko.
"Kausap Moko?" Tanong ko at tumawa siya.
"Hindi! Hindi mo'ko kausap. Nababaliw ka lang." Sarkastikong Ani ng bolang liwanag.
"Who are you? Where's Charlotte?" Tanong ko.
"Hindi pa natulog si Charlotte, I was the one who made you switched places." Ani niya at kumunot noo ko.
"Ha?" Tanong ko.
"Oo Ako nga, ako Yung nagpalit sainyong dalawa. Gusto niyo ng kakaibang buhay Diba? Kaya ayun." Ani niya.
"So...Ano nga ito? Sa Earth din ba Siya tumitira o Ibang planeta?" Tanong ko.
"Oo nasa iisang Mundo lang kayo pero magkaibang timespace, Yan Yung alternate universe. Pinagpalit ko kayo Kasi Yan Yung gusto niyo." Ani niya.
"Eh bakit andito na ako? Wala na bang palit? Tapos na ba?" Tanong ko.
"Hindi, eh Diba hiniling niyo magkausap kayo? Pinagbigyan naman Ako ulit." Ani niya at tumango naman Ako.
"Bakit mo ba kami pinagpalit ng buhay? Nahihirapan ako sa totoo lang." Inis Kong Ani.
"Ikaw nga dapat tinatanong ko nyan, bakit gusto mo magpalit ng buhay?" Tanong niya sakin na ikinatahimik ko.
"Kasi..." Bulong ko.
"Kasi Hindi ka masaya sa buhay mo, Hindi ka nakokontento." Ani niya.
"Hindi naman talaga Ako masaya sa buhay ko." Inis na Ani ko.
"Kahit minsan Hindi ka naging masaya sa buhay mo? Alam ko na bakit pinipigilan mo mahalin si Haro." Ani niya at kumunot noo ko.
"Dahil nangako ako Kay Charlotte." Inis na Ani ko.
"Hindi Yun Ang dahilan Sophia Alexandra, Hindi si Charli Ang dahilan alam ko may mas malalim na dahilan." Ani niya na ikinagulat ko.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at napaisip.
I'm a good friend kaya ayaw ko Kay Haro, I won't steal Haro.
"Oo, dahil nga Kay Haro." Ani niya at bigla akong nanigas.
"Don't you dare speak his name." Ani ko.
"Hanggang ngayon Sophia Hindi ka nakamove on? Hanggang ngayon bitter ka pa rin sa nangyayare?" Asar ng liwanag na bola.
"Hindi mo alam pinagdaanan Namin ni Kuya." Ani ko.
"Alam na alam ko Sophia, matagal na kitang minamasdan. Alam ko na Hindi mo mahal Yung kasintahan mo ngayon, alam Kong Hindi ka kontento sa buhay mo, alam Kong buong buhay mo nagpapanggap ka lang, alam ko din na Hindi mo nararamdaman Ang pagmamahal ng mga magulang mo." Kwento ng liwanag na bola naramdaman ko Yung mga luha na kumakawala sa aking mga mata.
"Hindi ka marunong makuntento, Isang heartbreak lang sumuko Kanna maging masaya. Sinaktan mo pa nga tao sa paligid mo." Ani niya at umiling ako.
"I tried to please them!" Sigaw ko.
YOU ARE READING
The Trouvaille
FanficTwo girls with the same face, same expression, same style with different friends, different life, different dimensions and different time space switch places. Would it make their life better or worst?