Sabado ngayon kaya nakatambay lang ako sa bahay
Nanonood lang ako ngayon ng tv habang kumakain ng pop corn
Napatingin ako sa pinto ng bahay namin nung biglang nag bukas yun
Nagulat ako ng makita ko si Claire na may dalang bag na malaki
"Oh Claire dumating ka na pala" sabi ni mama
"Mano po" sabi ni Claire kay mama
"Bat nandito ka?" tanong ko sa kanya
"Aalis kasi sila mommy tas day off ng mga helpers namin ayaw ako payagan na mag isa lang sa bahay" sabi nya
Nilapag nya yung gamit nya at tumabi sakin
"Huh ehh ang laki mo na ahh" sabi ko
"Kaya nga ehh akala mo naman mamamatay ako pag walang kasama sa bahay" sabi nya
"Claire iha iakyat mo na yang gamit mo sa kwarto ni Sky" sabi ni mama
Sumama na ako kay Claire umakyat sa kwarto ko
Naisipan ko na dun na lang kami tumambay since may dadating na kaklase ni kuya mamaya
Gagawa ata sila ng thesis nila, for sure maingay nanaman sila
Pagrating sa kwarto ko nilapag na ni Claire yung gamit nya sa tapat ng closet ko
Umupo na lang ako sa higaan ko at nag bukas ng laptop para dun kami manood ng movies
Nagulat ako nung tinuwid ni Claire yung isa kong binti
"Paunan ako" sabi nya sakin at humiga sa kama ko at ginawa nyang unan yung isa kong hita
Medyo naginit naman yung mukha ko sa ginawa nya
Habang nanonood kami ng movie naramdaman ko may kumikiliti sa tuhod
"Calire wag nakikiliti ako" sabi ko aba ang babaita tinuloy parin
Kiniliti ko ko yung tagiliran nya kaya ayun nagkilitian kami
"Wait tama na kasi ayoko na" sabi nya habang pinipigilan nya yung kamay ko
"Ehh ikaw nya yung nagsimula neto" sabi ko at kiniliti ko yung tagiliran nya nung lumuwag yung hawak nya sakin
"HAHAHAHAHAHAHA!!!!" tawa nya habang kinikiliti ko sya hanggang sa bigla syang nalaglag sa kama
"ARAAAY!!!" reaklamo nya sabay hawak sa ulo nya
"Luh tingin nga" sabi ko pero nung nakalapit na ako sa kanya bigla nyang kinilit yung tagiliran ko
"Gago ka Claire" gaganti sana ako nung biglang bumukas yung pinto
"Punta na kayo sa baba kakain na daw" sabi ni kuya
Tumayo na kami dun at bumaba na sa kusina para kumain ng tanghalian
"Wow menudo" sabi ko nung makita ko yung ulam
Umupo na ako sa usual na upuan ko tumabi naman sakin si Claire
"Claire nga pala san yung punta ng parents mo ngayon?" tanong ni mama
"Sa Japan daw po marami daw po silang kailangan gawin dun kasi medyo nagkaproblema yung mga branch nila dun" sagot naman ni Claire
Napatango naman si mama sa sinabi ni Claire
Habang kumakain biglang nagsalita si Claire
"Sky may dumi ka sa mukha" sabi nya sabay turo sa bandang labi ko
Pinunasan ko yung kaliwang gilid ng labi ko
"Hindi dyan" sabi nya kaya pinunasan ko yung kabilang part
BINABASA MO ANG
Skylar
Teen FictionSkylar Elise Liscano have a huge crush on someone in her class but she doesnt know what to do, is she gonna confess her feelings to this person, or is she just gonna keep it to herself until it's finnally gone just for the sake of her friendship wit...