Nagising ako sa ingay ng alarm ko pinatay ko yun at dumiretso sa cr ko para mag hilamos
Pagkababa ko napansin ko na ako lang pala mag isa sa bahay
Pagkadating ko sa kusina may nakita akong note na nakadikit sa pantakip ng pagkain namin
"May pupuntahan lang ako kumain na kayo dyan at hugasan nyo na rin yung plato - Mama nyong sobrang ganda" sabi dun sa note
Nilagay ko na lang yung pantakip dun sa isang tabi
Unti lang yung kinain ko since nawalan ako ng gana
Hinugasan ko yung plato ko at umakyat na sa kwarto ko para maligo
Pagkalabas ng cr agad kong kunuha yung bag ko at bumaba na sa kusina
Kumuha ako ng tupperware sa cabinet namin at naglagay na ng pagkain
Lumabas na ako ng bahay namin at nilock yung pintuan at gate namin
May spare key kaming tatlo ni mama at kuya ng bahay
Pagkalabas ko nakita ko kaagad si Claire na papunta sa direksyon ko
Eto na toh para sakin naman toh diba hindi ko naman sya totally iiwasan distansya lang okay na
"Goood Morning!!!!" bati nya sakin with matching abot tengang ngiti pa
Sky malakas ka di ka marupok kung eto pa lang talo ka na pano tayo magiging successful nyan
"Hmmm" sagot ko naman nakita ko sa mukha nya na nagtaka sya sa sagot ko
Nagpatuloy na lang ako mag lakad habang si Claire ay nakasunod lang sakin
"Sky gala tayo mamaya may bagong bukas daw na cat cafe malapit sa simbahan" sabi nya
Sinusubukan ba talaga ako ng tadhana?
PUSA??? Pusa yun pano ko mahihindian yun kung pwede nga lang magaampon ako ng sampung dosenang pusa ehh
Kaya lang naman ako di makapagalaga ehh kasi ayawa ni mama na maglinis ng mga dumi at balahibo nila
"Ikaw na lang mag isa may gagawin pa ako" sabi ko sakanya
"Ahhh ganun ba edi samahan na lang kita sa inyo gawin mo yung gagawin mo tas tatambay lang ako dun" sabi nya
"Mas gusto ko kasi na mag isa lang una ako ngayon" sabi ko
Nakita ko yung dismaya sa mukha nya kung pwede lang babawiin ko yung mga sinabi ko kanina
Medyo binilisan ko yung paglalakad ko para lumayo yung distansya namin
Napansin yun ni Claire at binilisan nya rin yung lakad nya
Napansin ko na kukunin nya sana yung braso pero lumayo agad ako
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang si Claire pilit parin akong kinakausap
Pagkarating sa school gate narinig kong may tumawag kay Claire
Parehas kami napatingin ni Claire dun sa direksyon na pinanggalingan nun at nakita namin si Alex bayun
Mabilis syang pumunta sa direksyon namin
"Oh Ace bat napapunta ka dito?" tanong ni Calire
Shuta Ace nga pala pangalan nya bat nakakalimutan ko yun ehh ang ikli lang naman
"Pwede ba tayo mag usap?" tanong ni Ace
"Ahh oo naman" sagot ni Calire at sumingit ako sa usapan nila
"Mauna na ako ahh" sabi ko at mabilis na naglakad papuntang classroom
Narinig ko pang tinawag ako ni Claire pero nagpanggap lang ako na di ko narinig yun
BINABASA MO ANG
Skylar
Teen FictionSkylar Elise Liscano have a huge crush on someone in her class but she doesnt know what to do, is she gonna confess her feelings to this person, or is she just gonna keep it to herself until it's finnally gone just for the sake of her friendship wit...