Chapter 21

56 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm ko agad ko yung pinatay at bumangon na sa kama

Naginat pa ako ng kaunti at pumasok na saloob ng cr ko para mag hilamos

Pagkatapos ay agad na ako lumabas ng kwarto ko at bumaba na sa kusina

Pag ka dating ko sa kusina napansin ko na ang laki laki ng ngiti sakin ni kuya

Sinamaan ko na man sya ng tingin yung parang tingin na "subukan mo lang na sabihin yun kay mama makakatikim ka sakin"

Pagkaupo ko sa usual na upuan ko mas lumaki pa yung ngiti ni kuya yung parang may masama syang balak

"Ma si Sky ano kamo" sabi ni kuya at agad namang lumaki yung mata ko

"May muta pa yung mata" sabi nya at mas lumaki pa yung ngiti nya

"Kumain na nga kayo" sabi ni mama

Pinunasan ko naman yung kaliwang mata ko para maalis yung muta

"Sa kabila tanga" sabi ni kuya

"Wag ka papatalo mas tanga ka" sabi ko naman

"Ang aga aga nagkakasatan nanaman kayo" saway samin ni mama

Nagsandok na ako ng pagkain ko at nagsimula ng kumain

Nakita ko na dinilaan ako ni kuya kaya sinipa ko yung paa nya nung hindi nakalingon si mama

Gagantihan nya sana ako pero nataamaan nya yung lamesa napatawa naman ako ng unti

"Sylvester Elias ano ba yan?!?!" saway ni mama kay kuya kaya mas lalo akong napangiti

Tumuloy na lang kami sa pagkain

Nung natapos kami kumain tinulungan ko si mama na ligpitin yung pinagkainan

Dumaan sa likod ko si kuya at naramdaman ko na kinurot nya yung braso ko

"ARAY ANG SAKIT!!" reaklamo ko at agad naman akong humabol kay kuya at sinabubutan ko sya

"Tumigil nga kayong dalawa at baka parehas kayong makatikim sakin" saway samin ni mama agad naman kaming tumigil

Agad na akong umakyat sa kwarto ko at dumiretso sa cr

Naligo ako ng ilang minuto at nung natapos ako agad kong kinuha yung gamit ko at lumabas ng bahay

Pagkalabas ng gate nakita ko si Claire na kakalabas lang ng gate nila

Agad nya akong nginitian nung nakita nya ako

"Good morning" sabi ko at nginitian nya ako

"Good morning" sabi nya at agad na lumapit sakin

"By the way di ko dala si Cloud ngayon kasi dinala sya ni mommy sa veterinarian" sabi ni Cliare at agad naman akong nagalala

"Bakit may sakit ba si Cloud?" tanong ko kay Claire

"Ahh hindi papacheck up lang sya para sure na wala syang sakit" sabi ni Claire ata nakahinga naman ako ng maluwag

Naglakad na kami papuntang school

Habang naglalakad naalala ko yung nangyari kagabi

"Ahh Claire" tawag ko sakanya at napatingin naman sya sakin

Wait may presentation nga pala kami baka mas lalong madistract sya pag sinabi ko yung about dun

"Nevermind nakalimutan ko na yung sasabihin ko ehh" sabi ko

"Ahh okay" sabi nya at bumatik na yung tingin nya nya sa daanan

Pagkarating sa school nagulat kami parehas ni Claire nung makita namin si Ace

SkylarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon