Nasa labas ako ngayon ng bahay at hinihintay si mama at si kuya
Sabi samin ni tita Victoria pupunta lang daw kami sa bagong ocean park sa katabing bayan
"Sylvester bilisan mo dyan at naghihintay na sila dun" sabi ni mama kay kuya
"Opo" sagot naman ni kuya
Nakasoot lang ako ngayon ng kulay baige na square pants na mahaba at kulay white sleveless na turtle neck na top
Pinartneran ko yun ng simpleng sandals at sling bag
Lumabas na si mama ng bahay at tumabi sakin para hintayin yung van na sasakyan namin
Napatingin ako sa soot ni mama
Nakasoot sya ng medyo classy na kulay blue na blouse at black na pants
Napansin ko na gamit nya na yung bag na binigay sakanya ni tita victoria kahapon
Napansin ni mama na nakatingin ako sa bag nya
"Oh bat inggit ka bawi ka na lang next time hahaha" sabi ni mama
"Hatdog" sabi ko naman
Napatawa na lang si mama sa sagot ko
Bigla kong napansin na lumabas na si kuya
"Ayy sawakas mas matagal ka pa sakin ehh" sabi ni mama
Napakamot na lang si kuya sa ulo nya
Napatingin ako sa soot nya napansin ko na balot na balot nanaman sya
Naka soot sya ng sweater na red at jeans
"Kuya feeling nasa canada tayo ahh" asar ko sa kanya
"Mama mo canada" sabi ni kuya
"Tanga parehas lang tayo ng nanay" sabi ko
"Luh di mo alam ampon ka kaya" sabi nya
"Baka ikaw ampon ikaw lang pangit satin ehh" sabi ko
"Magsi tigil na nga kayo dyan ayan na yung van oh" sabi ni mama
Napatingin naman kami sa harap at nakita namin yun van nila Claire
Nagbukas yun ay bumungad samin si Claire
"Mano po mommy sinthy" sabi ni Claire at nag mano sya kay mama nung pumasok
Nagmano naman kami ni kuya kila tito at tita nung naka pasok kami
Tumabi ako kay Claire nasa bintana sya naka upo at tumabi naman si kuya sa kanan ko
Habang lahat nung mga matatanda nasa likod
Napatingin naman ako kay Claire
Napansin ko na nakasoot sya ng baige na na dress kaya mukhang nag match kaming dalawa
Nakabun naman yung buhok nya at merong mga unting hibla ng buhok yung nakalugay sa harap
Napansin ko rin na natutulog pala sa tabi nya si Cloud
Napatingin ako sa mukha nya at bigla akong napangiti ng di ko namamalayan
Napatingin din sya sakin at nginitian nya ako
"Bakit?" tanong nya sakin
"Wala sarap mo lang kasi dalin sa altar" sabi ko
"Ayy wait bawal pala tayo dun masusunog tayo" biro ko at hinampas nya naman yung braso ko
"Gaga ka" sabi nya at nagulat naman ako sa mura nya
"Luh bat ganun pag ikaw nag mura bat ang sosyal pakinggan?" biro ko ulit

BINABASA MO ANG
Skylar
Teen FictionSkylar Elise Liscano have a huge crush on someone in her class but she doesnt know what to do, is she gonna confess her feelings to this person, or is she just gonna keep it to herself until it's finnally gone just for the sake of her friendship wit...