Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko agad ko yung pinatay at dumiretso sa cr ko para maghilamos
Napansin ko na mas maganda yung gising ko kesa sa dati ganto ba talaga pag kinacrush back
Pagkatapos ko maghilamos bumaba na ako sa kusina para kumain
"Good morning po maganda kong mama" bati ko kay mama at bumeso pa ako
"Good morning din sa napaka pogi kong kuya" sabi ko kay kuya at unupo na sa usual na upuan ko
"Sky okay ka lang baka may sakit ka pa ata ehh?" sabi ni kuya sakin
"Gusto mo bawiin ko yung sinabi ko sayo kanina" sabi ko sa kanya
"Hindi joke lang" sabi ni kuya at nagsandok na sya ng pagkain nya
"Ang ganda ata ng gising mo anak ano meron?" tanong sakin ni mama
"Ahh wala po natapos ko na po kasi yung mga tambak ko na schoolworks" dahilan ko
Hindi naman kasi pwede na sabihin ko sa kanya yung totoo
Saka ko na sasabihin pag ready na kami parehas ni Claire
Pagkatapos ko kumain pumunta na ako sa kwarto ko para maligo
Pag katapos ko maligo bumaba na ako sa sala at nagpaalam kay mama at kuya
Paglabas ng bahay agad akong pumunta sa bahay nila Claire
Nagdoorbell ako sa gate nila at pinagbuksan ako ng isa sa mga helpers nila
"Dyan ka na lang maghintay sa sala iha" sabi sakin ng helper nila at umalis na
Di katagalan bumaba narin si Claire galing sa kwarto nya
"Good morning" bati nya sakin at nginitian nya ako
"Good morning" bati ko sa kanya habang nakangiti
Sabay na kaming umalis ng dun bahay nila
Naramdaman ko na hinawakan ni Claire yung kamay ko
Napatingin naman ako sa kanya at napatingin din sya sakin
Nagkangitian kaming dalawa
Habang naglalakad kami naramdaman ko na niyakayakap nya yung kaliwang braso ko
Mukha siguro kaming magjowa dun
Pagkarating sa gate ng school naramdaman ko na napabitaw sakin si Claire
Nung pagtingin ko sa kanya nakita ko na nakaakbay sakanya si Ace
"Good morning darling" sabi ni Ace kay Claire
Mama mo darling
"Uyy nandito ka pala" sabi ni Claire kay Ace
"Ahh oo, pwede ba kita yayain mamaya gagala lang tayo" sabi ni Ace
"Ahh sorry hindi pwede ehh may gagawin kami ni Sky ehh, diba Sky" sabi ni Claire sabay tingin nya sakin
Yung tingin na nagsasabi na "umoo ka na lang"
"Ahh oo importante kasi yun" sangayon ko naman
"Ahh ganon ba bukas pwede?" tanong ni Ace
"May gagawin ako sorry" sabi ni Claire
"Ahh how about the day after tomorrow" sabi ni Ace
"Ayy malelate na kami ni Sky sasusunod na lang, sige byee Ace" sabi ni Claire at hinatak nya ako papaalis dun
Napalingon pa ako kay Ace at nakita ko na mukha syang nadismaya
Pagkarating namin sa room agad na akong umupo sa upuan ko
BINABASA MO ANG
Skylar
Teen FictionSkylar Elise Liscano have a huge crush on someone in her class but she doesnt know what to do, is she gonna confess her feelings to this person, or is she just gonna keep it to herself until it's finnally gone just for the sake of her friendship wit...