Chapter 3

39 6 1
                                    

KIARA'S POV

Kanina pa kaming natapos kumain ni Donny so I tried to ask him some question, para naman mas makilala ko sya.

Nakaupo kami ngayon kung saan madaming natatanaw na puno. Madilim na pero hindi namin iyon pinapansin, we spent more time together and I know na masaya kami.

" Ahm Donny, can I ask? " ani ko.

Ngumiti sya sakin at tumango.

" Hindi ka ba mahihirapan? Like yung gusto mo nasa labas ng industriya, yung mahal mo hindi mo madalas makakasama kasi nga yung mundo mo nandun sa industriya habang ako naman nasa labas ".

" Ano ka ba? May time na mahihirapan at may time din naman na okay lang. Look Kiara, sacrifice is connected to love. Mas masarap sa pakiramdam ang marealize na yung mahal mo ay ginawan mo ng napaka raming sakripisyo kaysa naman doon sa minahal ka nila sa paraang madadalian lang sila, sa paraang walang ginawa kundi ang kausapin ka lang sa social media. Kiara, I promise to you that if mawalan man ako ng oras sayo at pagod na ako sa trabaho. I will make time for you, hindi ako papayag na hindi ko nakikita ang mga reaksyon mo sa personal. Dahil yun din ang magpapatunay sa akin kung malapit mo na ba akong sagutin or ano hehe ".

I smiled at him.

Hindi pa rin maabsorb ng utak ko ngayon na umamin sya sa akin at nagpaalam na manliligaw.

Like what I'm always saying, he's my ultimate dream.

The first time I saw him sa tv screen at phone screen lang.

Who would've thought na mangyayari pala 'to?

Hindi man kapani-paniwala pero kailangan kong paniwalaan.

Cause I believe that " Acts speaks louder than words ".

Yun kasi si Donny ngayon eh.

Hindi naman sa OA o assumera ako, pero kasi....

Mas nauuna yung gawa kaysa salita.

Sa ngayon, hindi ko na kailangan pang tanungin ang lalaking 'to kung gusto nya ako. Kasi ramdam ko na eh, ramdam na ramdam ko.

The way he stares at me...

The way he keep his voice cute and low when he's having a conversation with me...

The way he smiles at me while looking straightforward to my eyes...

And yeah, his eyes. Napaka daming sinasabi, ulti mong nararamdaman nya para sa akin ay nababasa ko sa mga mata nya.

Yan ang mga bagay na nakapag paniwala sa akin na gusto nya talaga ako.

Madami man ang hindi maniwala sa kahihinatnan naming dalawa, eh pakelam ba nila?

Kami 'to eh. Love story naming dalawa 'to.

At kung magkataon mang may magsasabi saking hindi ko deserve ang lalaking 'to? Nandyan naman si Tobien sa tabi ko, alam kong hindi nya ako pababayaan. Alam kong ipagtatanggol nya ako sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang dumihan ang pangalan ko, walang ibang ginawa kundi ang ubusin ang mga oras nila para lang asarin ako.

Sorry sila kasi hindi ako naaasar sa mga pinaggagagawa nila. Tinuturing ko lang silang mga lamok sa buhay ko at ako naman yung pinepeste nila na may off lotion sa buong katawan. Kaya hindi nila ako masaktan saktan hehe.

They can't drag me down, never!

Thanks again to Tobien, kung wala sya ay hindi ko maiisip lahat ng yan. Kasi mahina ang loob ko kung wala si Tobien. He is my kuya after all my pag susungit sa kanya.

Never Ending DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon