CHAPTER 6

18 2 0
                                    

Kiara's POV

Nasa daan kami ngayon nina Donny at Tobien pauwi, kinakabahan ako kasi baka malate ako sa trabaho.

Ang bagal mag drive ni Donny, alam ko namang sinasadya nya kasi gusto nya pa akong daldalin.

Actually andami nya ng sinasabi sa akin na hindi ko inaasahang sasabihin nya, ganoon na ba agad ang tiwala nya sa akin?

Sa katanungang iyan ay para na akong mahihimatay sa kilig at katotohanan hehe.

The one that I loved in industry, is now loving me completely.

" Donny do you trust me? " I asked.

He looked at me.

" Ofcourse ". sagot nyang may ngiti sa mga labi atsaka ibinaling muli ang paningin sa daan.

Napangiti ako.

Ni kailanman ay hindi ko naramdamang mangyayari ito, akala ko ay isa lamang akong taga hanga at sya ang hahangaan ko. Pero ngayon? Wow! This is a dream come true, hindi lang ako ang fan nya pero naiisip kong madami ang humihiling ngayon na maranasan nila ito mula sa taong iniidolo nila.

Sa ilang buwan ko syang inidolo, ngayon ay nandito sya sa tabihan ko at hinahatid ako pauwi.

Kung dati hinihiling ko na kahit makita ko lang sya at mahawakan ang mga kamay nya ay okay na, ngayon naman ay hinihiling ko na sana ay ibigay nya ang pagmamahal at sayang gusto kong maramdaman mula sa tao kong minamahal.

Malapit na kami sa bahay ng biglang may sumungit na motor sa unahan namin.

Kinabahan ako ng matindi.

Muntikan na naming mabunggo.

Agad na tumulo ang mga luha ko mula sa kabang nararamdaman ko.

I hate this feeling.

Itinabi saglit ni Donny ang sasakyan atsaka ako niyakap.

Doon ako umiyak ng matindi.

" Shhh shhh, why are you crying? " Donny asked me.

Kumalas ako sa pag kakayakap nya.

Tumingin ako sa kanya, deretso sa mata.

" Alam mo ba? Ganoong sitwasyon ang pinaka ayaw kong mangyari ". humihikbing ani ko.

" Sorry Kiara, tahan ka na ". mahinang aniya. Pinapatahan ako.

" No Donny, it's not your fault. Hindi mo naman alam na may sisingit sa unahan ng ganoon kabilis ". ngumiti ako kahit basang basa ang pisnge ko dahil sa luha.

" Alam mo ba? Kung bakit natatakot at umiiyak ako? Dahil sa ganoong sitwasyon nawala ang kuya ko, ang kuya ko na pinaka naniwala sa akin na kahit anong mangyari ay kakayanin ko. Na kahit marami ang umaway sa akin ay may kakampi pa rin ako, na kahit ayawan ako ng lahat ng tao sa mundo ay nandyan sya para marinig ko ang salitang oo ". kwento ko sa kanya atsaka tuluyan na namang tumulo ng sunod-sunod ang aking mga luha.

Sa tagal ng pag kakaibigan namin ni Tobien ay hindi ko ito na ikwento sa kanya.

Dahil tuwing lalabas iyon sa mga bibig ko ay parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit na dulot non.

Huminto din si Tobien ngunit hindi sya bumaba.

Naalala ko na naman si kuya, ang pag kawala nya.

Sana ay nandito pa din sya, sana ay hindi nangyari yun sa kanya.

Hinawakan ni Donny ang pisnge ko at hipalos-haplos.

" Sorry to hear that, stop crying. I know you're kuya is proud of you kasi kahit wala na sya, nandito ka pa din. Lumalaban, kasama ang mga mahal mo sa buhay ". Sabi nya.

Never Ending DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon