Chapter 5

26 4 0
                                    

Kiara's POV

Kakatapos lang naming mag quiz sa subject ni Ms. Ann at kataka-takang bagsak si Tobien.

Hindi kaya affected talaga sya sa katotohanang may manliligaw na si Rizelle??

Eh kasi din naman sya masyadong torpe, takot na takot na mag confess ng feelings para sa iba.

Turuan ko kaya sya ng moves ko kung paano maging makapal ang mukha sa harap ng taong iniibig ko? Hahahaha

Pwede pwede!!

DISCUSS

DISCUSS

DISMISSAL

Agad akong lumapit kay Tobien para kamustahin sya kung ano ba talagang nangyayari sa kanya.

" Hoy Tobien! " sigaw ko pag kalapit na pagkalapit ko.

Tumingin sya sa akin ng may malungkot na mata.

Tsk!

Iintindihin ko na lamang ang taong ito dahil alam ko namang bigo sya hahaha.

" Hmmm? " mahinang tugon nya.

" Anong nangyayari sayo? " Broken ka noh? " tanong ko.

" Pano mo nalaman? "

" Eh kasi tsk! Kanina diba sinabi mo may manliligaw na si Rizelle? Edi for sure broken ka na hahaha " sabi ko na may halong pang aasar.

" Ano ba! Sinabi ngang hindi ko gusto yon Kiara! " galit namg aniya. Kaya tinigilan ko na sya.

" Hatid mo na ako sa trabaho ". nakangiti at may lambing ani ko.

" Tara, mag meryenda muna tayo sa coffee shop dyan sa labas ". anyaya nya.

Sumunod nalang ako sa kanya.

Sa coffee shop.

" Order lang ako ". aniya.

Tumango lang ako.

Habang tinitignan syang lumakad papalayo napaisip ako...

Siguro kung hindi umamin si Donny, sya ang inibig ko.

Hindi mahirap gustuhin si Tobien, pero para sakin ay hindi din madali.

Maitsura sya, mayaman, Godly, mabait, matalino, mama's boy. Basta, parang lahat ng gusto ko sa lalaki ay nasa kanya na.

Pero hindi ko lubos maisip kung bakit hindi nahulog ang loob ko sa kanya.

Aaminin kong masayang masaya ako kapag sya ang kasama ko, pero yung sayang yun ay nararamdaman ko na parang mula sa kaibigan, which is true naman kasi he's my bestfriend.

I'm so thankful to have a friend like him, never kaming nag pataasan. Never kaming nag selosan sa kaibigan. Never kaming nag asaran sa oras ng problema, yung mabigat na problema. At higit sa lahat, never naming iniwan ang isa't-isa.

" Here ". si Tobien habang inaabot ang kape sa akin.

Umupo sya sa harap ko at sinimulang higupin ang kape.

Tumitig sya ng deretso sa aking mga mata.

" Kiara, may sasabihin sana ako... " pabiting aniya.

" Hmmm ano yon? " tanong ko sa kanya.

" Kasi Kiara, hindi ko alam kung bakit ko naramdaman 'to. Hindi ko sinasadya, hindi ko ginusto. Nag kusa Kiara eh, gusto - " hindi nya na tapos ang sasabihin nya sapagkat umilaw at nag ring ang cellphone ko....

Never Ending DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon