chapter 5: The Feelings

150 3 3
                                        

chapter 5: The feeling

Rhaya’s POV

“ good morning rabbit “ andito ako ngayon sa garden, ang aga ko kasing nagising e, kahit na late na ako naka tulog dahil sa paguusap namin ni Darel sa text kagabi. Pero in fairness ang ganda pa din ng gising ko ngayon. Nagbibiro lang naman siguro siya di ba? sino ba naman kasi ang magsasabi ng ganun kaseryoso sa unang pagkikita pa lang.

“Iha, may naghahanap sayo, Darel daw ang pangalan. papuntahin ko na ba dito sa garden?” sabi ni manang.

teka sino daw ang bisita ko? si Darel? hala bakit ako binibisita nun.

“ah sige manang papuntahin mo na lang siya dito sa garden, hindi ko pa tapos tong pagdidilig ko at pagpapakain kay rabbit e. at pahanda na din po ng snack para sa amin ng bisita ko. salamat po.” sagot ko kay manang.

“oh sige iha.” sagot niya.

tinuloy ko na muna ang pagdidilig ng mga halaman at bulaklak. hands on kasi ako sa pagaalaga ng mga to e. nakaka alis kasi sila ng stress.

“ Good morning Rhaya” biglang may nagsalita sa likod ko. alam kong siya yun.

lumingon ako sa kanya ang nag smile. “Good morning din Darel, napadalaw ka?” at nilapag ko na yung hose na hawak ko at nag hugas ng kamay sa sink sa may garden.

“bakit masama bang makita ang crush ko?” sagot niya.

Napatingin ako sa kanya. at bigla naman siyang ngumiti.

ewan ko pero parang uminit ang mukha ko. kaya umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

“Your’e blushing Rhaya haha” sabi niya pa at sabay tawa. pero grabe ang cute niyang tumawa. waahhh! nag ba-blush nga ata ako. kahiya >.<

“Blushing ka diyan. mainit lang noh.” pag dedeny ko sa kanya.

“Iha eto na yung meryenda niyo. tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ha.” biglang singit ni manang, at nilapag na sa table yung food.

“salamat manang.” sagot ko na lang sa kanya.

“by the way Rhaya, where’s your mom?.” tanong ni Darel pag ka-alis ni manang.

“may pinuntahan lang siya saglit. pero I think pabalik na siya.” sagot ko. “bakit mo natanong?.” dagdag ko.

“sakto pala ang punta ko.” sabi niya.

“huh bakit?.” nagtataka kong tanong sa kanya. “oh meryenda ka na muna.” dagdag ko.

“di ba sabi ko sayo, magpapaalam ako sa parents mo na liligawan kita.” seryosong sagot niya sa akin. “akala mo siguro, nagbibiro lang ako noh?.” dagdag niya, sabay ngiti.

Gosh! ano ba tong pinagsasasabi nitong lalaking to. hindi ba talaga  siya nagbibiro?.

magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang boses ni mommy. Oh no! sana nagbibiro lang siya.

“Hi sweety, may bisita ka pala.” sabi ni mommy sabay kiss sa cheeks ko. “hi Iho, ko ang mommy ni Rhaya. Just call me Tita Amor.” baling niya kay Darel.

“hi Tita Amor, I’m Darel Martin po. 18 years old. same subdivision po tayo. actually 6houses lang po mula dito.” naka ngiting sagot ni Darel sa kanya.

“talaga? it’s good. atleast may new friend tong anak ko. nameet mo na din bas i Jc?.” tanong ni mommy sa kanya.

“opo tita, actually kasama ko sila kahapon. nag meryenda kami malapit sa park.” sagot niya.

hala OP ako bigla. tsk ang daldal ni mommy. sabagay hindi ko siya masisisi. si best lang talaga ang friend ko sa subdivision na to e. at excited siya pag may mga bago akong kakilala.

PUSTAHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon