on the way na kami ni Darel pauwi sa bahay. siyempre HHWW kami (holding hands while walking) hehehe.
"nag enjoy ka bang kasama ang family ko, sweetie?" - Darel
"oo naman sweetie, sobrang nag.enjoy ako. wala ata akong dull moment with them e. ang daldal kasi nila tito and tita e. kahit sila kambal, hila ng hila sa akin. hehehe." - ako
"buti naman kung ganun. sabi ko sayo diba? mababait sila. hehehe. balik ka ulit sa bahay ha." -Darel
"oo naman sweetie, babalik talaga ako doon. hehehe gusto kong matutong mag bake ng cake e, para gagawan na lang kita palagi pag gusto mong kumain nun." - ako
"hehehe sige, sabi mo yan ha. dapat talaga matuto kang mag bake ng chocolate cake, para iyon ang ituturo mo sa mga magiging babies natin."- darel
"hoy! babies ka diyan. ikaw talaga. isang araw pa lang naman tayo e. ayokong mag-isip ng masyadong advance. para hindi tayo umasa diba?" - ako
" ok sweetie, sabi mo e." - darel
nakarating na kami sa bahay. kaya hindi na nadugtungan yun usapan namin na yun.
ginamit ko yung sarili kong susi para hindi na akmi mag doorbell. pagpasok namin sa loob, nakita ko agad si mommy.
"hi mommy, i'm home na." - ako
pagharap ni mommy, doon ko lang napansin na may kasama pala siya. i think na meet ko na siya before, hindi ko lang maalala,
"hi sweety, how's your day with your boyfriend's family." -mommy
"paano mo nalaman mommy?. ay nga po pala si Darel po. hehehe." - ako
"hi tita Amor, pinapasabi nga po pala ni mommy Hi daw po."- Darel
"kakatawag lang ni Cielo e, para ibalita yun. ikaw ha hindi ka na nagsasabi kay mommy."
"ay, hello iho. alagaan mo ang baby ko ha. pag yan pinaiyak mo lagot ka sa akin at sa mommy mo." -mommy
"promise po tita. hindi ko siya sasaktan." -Darel
"huwag kang mag promise sweetie, gawin mo na lang hehehe."
"ay mommy, sino po ang bisita mo? parang nemeet ko na siya before." - ako
"ay siya ang tito Jerome mo. boyfriend ko baby." - mommy
"aha! sabi mo na e. hi tito Jerome. alagaan mo po si mommy ha. tagal ko na pong alam yung bout po sa inyo e. inaantay ko lang pong ipakilala kayo ni mommy." - ako
"baby, alam mo?" - mommy
"opo, mommy. i heard you once, na kausap si tito sa phone at once naka skype ata kayo nun. hehe peace mom."- ako
"ikaw talagang bata ka. hehehe."- mommy
masaya kaming nag kwentuhan nila mommy, tito Jerome at sweetie ko.. hindi na namin namalayan ang oras. nagulat na lang kami ng dumating si manang para sabihin na nakahain na ang dinner.
naunang pumunta sila mommy sa dining area.
"tara na sweetie, nakahain na daw."
"masamang pinaghihintay ang food diba?"- ako
"thank you sweetie, sobrang pinasaya mo ako today." -Darel
"thank you din sweetie. tara na pasok na tayo. pinahanda ko pa naman ang favorite mo." - ako
"wow! talaga sweetie? mukhang marami akong makakan ha. hehe tara na pasok na tayo," - Darel
naging masaya ang hapunan namin. ang kulit kasi ni tito Jerome e, sinabayan pa ni darel. tawa tuloy kami ng tawa ni mommy.