chapter 14:

51 0 0
                                    

( ate Lhaizkhie says:

sobrang maraming SORRY kung ngayon lng nkapag UD ulit hindi ko kasi alam kung paano ko bibigyan ng magandang ending tong story ko. nakalimutan ko na kasi yung ginawa kong ending dun sa nasira naming laptop. ang mali ko kasi hindi ko dto sa watty sinavey yung draft. so ayun.

sorry ulit ..

last 2 or 3 chapter na lng to :)

sana may ngbabasa pa (^_^)

oh siya ..

tuloy na natin ang kwento :)

salamat :)

Lhaizkhie <3 )

----

Sampung taon ..

Sampung taon ang lumipas ..

Lumayo ako sa mga taong naging parte ng buhay ko ..

sa mga taong naging dahilan kung bakit ako masaya at kung bakit ako nalungkot at nasaktan ..

sobrang miss ko na sila ..

mula nung gabing nangyari ang aksidente, mula noon lumayo ako sa kanila .

*flashback*

sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. bakit sila pa ang gagawa nito sa akin?. hindi ko alam kung paano ko tatanggapin tong ginawa nila.

"ang sama nila. bakit nila nagawa to sa akin?". hindi tumitigil ang pagtulo ng luha ko. halos hindi na din ako makakita. pero alam kong papunta sa park tong tinatakbuhan ko.

dahil sa kakatakbo ko. di ko namalayan yung paparating na sasakyan. sobrang bilis nito. pero di ako makahinto sa pagtakbo dahil naririnig ko ang pagtawag nila sa akin. huli na ng kusang huminto ang katawan ko. nahagip ako ng sasakyan. naramdaman ko ang pagbangga ng sasakyan sa akin. at narinig ko ang pagsigaw nila. naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko at pagtama ng ulo ko sa isang matigas na bagay. pinipilit kong manatiling nakadilat pero kusang bumabagsak ang mga mata ko. naramdaman ko ang paghawak nila sa akin. ang paghingi nila ng tawad. at pagsasabi sa akin na wag ko silang iwan. pero hindi nabawasan ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na yun. unti unti ng pumipikit ang mata ko pero nagawa ko pa ding makapagsalita bago ako tuluyang nawalan ng malay.

" a- yoko na ka-yong makita ka-hit ke-lan ". ..

ng magmulat ang mga mata ko. si mommy agad ang una kong nakita. kasabay ng bigla kong pagalala sa mga nangyari bago ako napunta sa lugar na to. pagyakap sa akin ni mommy umiyak ako ng umiyak habang nabanggit ko sa kanya yung mga nangyari. ng mahimasmasan ako. hiniling ko sa kanya na wag hahayaang makapasok sa silid sila Darel. pumayag naman siya. pero alam ko tuwing gabi pinapapasok niya ang mga ito. nagpaliwanag na sila kay mommy. at alam ko na ang totoo. pero bulag ako. at nangingibabaw ang sakit. kaya di ko silang magawang patawarin.

nung pinayagan na akong lumabas sa hospital, nagkulong lang ako sa bahay. nag request na lang si mommy na ihome study ako. kaya natapos ko pa ang 3rd year ko sa high school.

summer na, nagpaalam si mommy na aalis papuntang ibang bansa ng ilang buwan. nung araw na yun nag desisyon akong sumama. at mag stay na lang doon for good. para makaiwas sa araw-araw na pagpunta ng mga taong nanakit sa akin.

doon ko na tinuloy ang pagaaral ko hanggang matapos ko ang college. ako na din ang humawak sa company nila mommy.

lagi kong nakikita ang parents ni Darel. ok naman ang pakikitungo nila sa akin. walang nagbago. iniwas lang nilang banggitin ang kanilang anak. maliban na lang sa kambal na tuwing makikita nila ako laging nababanggit ang kanilang kuya. at sinasabi na wala daw itong naging girlfriend mula ng mawala ako. alam nila ang nangyari noon kaya noon nagalit sila sa kuya nila at nagpilit sa magulang nila na kontakin ako. nung nakausap nila ako. hindi nila ipinaalam sa kuya nila para daw di muna ako guluhin at matuto daw ito.

napatawad ko na sila. dala lang siguro ng pagiging teenager namin kaya kami nagka ganun. kaya napagdaanan namin yun.

hindi ako sila kinontak sa loob ng isang taon. kila kambal lang ako nakikibalita kung ano ng  nangyayari sa kanila. kaya alam kong hanggang ngayon magkakaibigan sila at hinihintay ang pagbabalik ko.

--

"darling nandito na tayo"- mommy

naputol yung pagbabalik tanaw ko ng marinig kong magsalita si mommy.

umuwi kami ng Pilipinas. para ayusin yung ibang negosyo nila mommy at daddy ( ay nakalimutan kong sabihin. matagal ng kasal sila mommy at tito Jerome kaya daddy na ang tawag ko sa kanya. at may little brother na ko. )

"sweety ready ka na bang harapin sila?"- daddy

" yes daddy, kinakabahan lang ako na ewan haha."- ako

" mimi bakit ka kinakabahan?"- Xander. mimi ang tawag niya sa akin kasi sa akin lumaki eh. busy kasi sila mommy at daddy kaya lagi kaming 2 ang magkasama. nasanay lang na mimi ang tawag sa akin. pabor din kasi walang nagtatangkang ligawan ako kasi akala anak ko. 6years old na siya. at pure tagalog magsalita.

" makikita na kasi ulit ni mimi yung mga bestfriends niya darling kaya kinakabahan si mimi."- si mommy na ang sumagot para sa akin.

paglabas namin sa airport sinalubong na kami ni yaya at kasama nila sila Aliyah at Elaijah.

" ATE!!"- aliyah/eliajah

" WOW! ang alaga ko ang laki na. dalang dalaga na."- yaya

" KAMBAL!  YAYA! sobrang namiss ko kayo."- ako

" ate ang oa lang, last week kaya magkasama tayo. haha"- eliajah

"haha last week lang ba yun? feeling ko ang tagal na eh. haha."- ako

niyakap ko lang silang tatlo. lalo na si yaya dahil 10years ko na siyang di nakasama. nakikita ko lang siya pag nasa bahay sila kambal naging hideout nila ang bahay namin eh para di malaman ng kuya nila na nakakausap nila ako.

" sa bahay niyo na ituloy ang kwentuhan. madaling araw na oh. at inaantay na si Xander."- awat ni mommy sa amin

" Aliyah sa bahay na kayo magpaumaga ha. alam naman ng mommy nyo diba?"- daddy

"opo tito. excited na nga sila sa mangyayari sa welcome party niyo bukas eh."- aliyah

after that, umuwi na kami. at sa kwarto ko na natulog sila kambal. ako naman hindi makatulog kasi kinakabahan ako para bukas.

"ano kaya ang mangyayari bukas?"- hanggang sa tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PUSTAHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon