Rhaya's POV
oh my ! .. mabubuang ata ako ..
ang bilis talaga ng tibok ng puso ko hanggang ngayon ..
gusto niyo bang malaman kung bakit .. sige , ikukwento ko ..
*flashback*
"hi rhaya , i'm darel.'' bungad niya pag lapit niya sa amin ni best.
'' hi ! by the way , this is Jane Christine , JC for short. i know magkakilala na kayo sa text." i smile, habang pinakilala ko sa kanya si best.
'' finally , nameet din kita. hehe sabi ko sayo e, makikita mo lang ako pag kasama ko si best.'' sabi ni best, habang nakipag shake hands siya. '' nice meeting you darel.'' dagdag niya pa.
'' hi Jc, oo nga e. bigla kasi akong tinext ni rhaya kanina." sagot ni darel.
'' tinatamad kasi akong magtext e. kaya inaya ko siya nung tinext mo ako best.'' sabi ko.
'' nag miryenda na ba kayo? tara kain tayo. my treat.'' sabi ni darel.
'' sure ! tara.'' sabay naming sagot ni best.
nag lakad kami papunta sa isang eatery malapit sa park..
'' anong gusto niyo girls?.'' tanong ni darel pag pasok namin sa eatery.
'' spaghetti sa akin.'' sabi ni best.
'' palabok na lang sa akin darel, samahan na din kita sa counter.'' sagot ko sa kanya. '' best dito ka muna ha.'' baling ko naman kay best.
naglakad kami papuntang counter. at nag order si darel. pag tingin ko sa food stand. nakita ko my chocolate cake.
'' miss, padagdag din ng chocolate cake.'' sabay naming sabi ni darel. nagkatinginan tuloy kami at sabay na natawa.
'' favorite mo ang chocolate?'' tanong niya sa akin.
'' yah, favorite ko ang chocolate. hehe teka, order na din namin si best ng mango cake, fave niya yun e." sabi ko sa kanya. '' sagot ko na yung cake.'' dagdag ko.
'' no, hindi na. sabi ko nga treat ko di ba?'' sabi niya sa akin. '' miss, 3 iced tea at 2 sliced ng chocolate cake at isang sliced ng mango cake.'' baling niya sa tindera.
inulit ng tindera yung order namin. at binayaran niya na. wow ha, galante pala tong isang to. hehehe
pagbalik namin sa pwesto namin.
'' wow! mango cake. fave ko yan ha. hehe akin ba yan best?.'' sabi ni Jc, '' haha oo naman best, ikaw lang naman ang my fave niyan e.'' sagot ko.
'' aba teka, napansin ko lang. bakit pareho yang order niyo.'' sabi ni best. napatingin naman ako sa tray na dala ni darel. at ngayon ko lang napansin, oo nga no. pareho nga kami ng order. dont tell me, fave niya din ang palabok.
'' fave ko kasi ang palabok at chocolate cake hehehe.'' sabi ni darel habang inilalapag ang order namin. Wow! ha. ang galing. magkakasundo kaming dalawa nito hehe.
'' talaga? wow ha. pareho kayo ng best ko. fave din niya yan e hehe.'' sabi ni Jc.
'' hay naku best, kumain na nga lang tayo. hehehe.'' sabi ko na lang sa kanya. kasi for sure. tutuksuhin na ako nun.
nag miryenda lang kami nun. at naglakad lakad sa park habang nagkukwentuhan. nung mga bandang 5pm na nagpaalam na kami ni best kay darel.
'' darel, salamat sa libre ha. una na din kami ni best. salamat ulit.'' sabi ko kay darel
'' hatid ko na kayo. ok lang ba?'' sabi niya.
si best ang sumagot. '' ok lang. para my kasama si best hanggang sa kanila. una niyo kong mahahatid e.''