Chapter 2:
Rhaya’s POV
Nandito na kami sa rest house namin. Inayos lang naming ni best ng gamit naming sa kwarto namin. Share kami ng room dito sa rest house.
“ best, ligo lang ako huh. Tapos swimming na tayo huh.” sabi ni best sa akin.
“sure best, ayusin ko lang tong mga gamit ko at maliligo na din after mo.” Sagot ko sa kanya.
Jane Cristine POV
Hi . I don’t know if napakilala na ako sa inyo ng kaibigan ko.
Pero para sure, I’m Jane Cristine Briones, 16 years old. Same kami ng school ni Rhaya. Bestfriend kami since nagtuto kaming kumilala ng tao hahaha.
Yun nga, medyo nagbago ang aking interest ngayon mula ng magkaroon ako ng cp. Ang kulit kasi ng pinsan ko e. binigyan niya ako ng textmate.
Darel Martin ang name niya. He’s 18 years old. And same kami ng subdivision na tinitirhan. Pero wala pa akong planong makipagkita sa kanya hahaha . tsaka na pag kasama ko na si Rhaya.
- - -
Rhaya’s POV
“ best , tara na dito.” Tawag ni jC sa akin.
Eto tlagang kaibigan ko. Adik na nga sa cp , adik pa sa pool hahaha.
“ I’m coming best, hahaha,,” sagot ko
Wala kaming ginawa kundi ang lumangoy maghapon .. sulitin lang namin haha kahit isang lingo kami dito.
Kinagabihan ..
“best , ano pa lang number mo? Save mo nga dito. Hehehe my textmate kasi ako na naghahanap din ng iba pang textfriend e . e naisip kong ikaw ang ibigay. Para naman magkasama tayo pag naki-pag meet yun hahaha.” Sabi sa akin ni jC nung nakahiga na kami.
“ hoy best, ang adik mo din eh noh. Bakit mo ibibigay yung number ko sa kanya?. Gaano mo na ba siya katagal na nakakatext. Mamaya adik yun huh.” Sagot ko sa kanya, habang nilalagay yung number ko sa phonelist niya.
“ best, kakilala ng pinsan ko yun. Kaya don’t worry. Mabait siya best hehehe.” Sagot niya sa akin. “ basta bigay ko number mo sa kanya huh. May load ka naman siguro db?” dagdag pa nito.
“ yah meron. Nagpaload ako kanina bago tayo umalis sa amin.” Sagot ko sa kanya habang nagbabasa ng libro.
“ best, napasa ko na. text ka na lang daw niya. Sige best, una na akong matulog. Wag kang masyadong paka.puyat dyan sa pagbabasa huh.” Paalam sa akin ni best.
“ opo, maya-maya din matutulog na ako. Gudnyt din best.” Sagot ko.
Natapos ang isang linggong bakasyon ..
Balik na ulit kami sa Manila ..
“ best, thanks sa pag sama sa akin sa bakasyon niyo huh. Hehehe” sabi sa akin ni best pagbaba naming sa van.
“ wala yun best, lam mo naman kung asan ako, andun ka din e. remember, para na tayong magkapatid J.” Sagot ko sa kanya habang kinukuha ang ibang gamit naming sa sasakyan.
“hehe yah I always remember that best J .” sagot niya. “ Tita, mauuna na po ako huh. Para makapagpahinga na din po kayo. salamat po ulit sa pagsama sa akin.” Baling niya kay mommy.
“ ingats ka best, text me na lang pag gising mo mamaya huh hahaha. Alam kong matutulog ka pag-uwi mo.” Sabi ko sa kanya.
“ hahaha talaga nga bestfriend kita. Sure, best text kita agad. Bye. Lovelots.” At lumabas na ng tuluyan sa bahay si jC.
“ Mom, papahinga na din po muna ako huh. Thank you po ulit sa birthday treat mo sa akin. I love you.” Sabi k okay mommy, sabay hug sa kanya.
“ your welcome sweety, I’m happy at nag enjoy ka sa bakasyon natin kahit saglit lang. I love you too sweety mwuah.” Sagot ni mommy and she gave me a quick kiss sa cheeks. “ sweet dreams.” Pahabol nito.
At umakyat na ako sa room, inayos ko muna yung ibang gamit ko at nagpalit na ako ng damit.
Pag higa ko. Naalala ko yung phone ko. Pagkuha ko, may 3 text akong natanggap ko.
From: best jC <3
Best, thank you ulit huh. Muah gudnyt and sweetdreams.
From: best jC <3
Best, nga pala . ttxt ka daw ni darel (remember yung kinukwento kong txtm8 ko.) hihihi . nyt ulit :*
From: 0916*******
Hi. Gud eve. Ako nga pala si Darel. A friend of Jane.
Pwede bng mkipag friend din syo?
Nung nabasa ko na ang mga text. Tinabi ko na agad yung phone ko.
“ bukas ko na lang rereplyan yun. Inaantok na ako e.” nasabi ko na lang sa sarili ko.
- - -
Thanks po sa mga nagbabasa ng short story ko J
iLOVEyou all <3
VOTE ..
COMMENT ..
FAN ..
SPREAD ..
THANKS <3
