/CHAPTER 1/

8 0 0
                                        


"Manong! Manong!" hinihingal kong sigaw habang hinahabol ang jeep, yun lang kasi ang jeep na papunta sa skwelahan namin, ewan ko hindi ako sure baka meron pa pero yun nalang wala naman mediyong sakay tsaka pag na late ako papagalitan ako nung SSG president namin na feeling principal lalo na't kasali ako sa officers.

Nilakasan ko pa ang pag sigaw at binilisan ng takbo hanggang sa huminto na din si Manong driver. "Day pasaylua gyud ko day hinay naman gud akong pandungog" Aniya ni manong sakin habang kinakamot ang likod ng ulo niya.

(Ineng pasesnsya kana Ineng ha mahina na kasi ang pandinig ko)

"okay ra tay oi at least naka exercise ko gamay" sagot ko na ikinatawa niya kaya tumawa nadin ako.

(Okay lang tay at least naka pag exercise ako ng konti)

Grade 9 student palang ako sa pinapasukan kong public school dito sa davao medjo nahirapan ako sa pag aadjust nung paglipat namin dito kasi wala akong maintindihan, pero ngayon kaya ko nadin magsalita ng bisaya,pero may mga malalalim words talaga silang hindi ko maintindihan.

Ibinaba ako ni Manong sa skwelahan hindi niya nadin ako pinabayad, nakakahiya daw kasi sa pagtakbo ko. Ang tahimik pa ng paligid kasi 5:00am palang ng umaga at 8:00 am magsisimula ang klase may mga ibang estudyanteng papasok palang may mga nakita din akong naglalakad palang pagpunta sa gate ng school.

Papasok palang ako sa gate nakita ko na ang pinaka pangit na mukang nakita ko sa buong buhay ko. "Oh himala at maaga ka" aniya "Lani,ang aga aga pa wag mo akong simulan" malamig na sagot ko sakanya "wag kang mag alala Shandra hindi kita papatulan masisira lang ang reputation ko kapag nakipag away ako sa slap soil na kagaya mo" malditang sagot niya sabay ngiti at tinalukaran ako.



Arghhhhhhhhhhhhh! Kung hindi lang talaga ako honor student kanina kopa yun sinampal! Kala mo naman napaka ganda!


Si Lani Esmeralda Jolien ang sinasabi kong SSG president na feeling principal, hindi sa nag ju judge ako ha pero pakitang tao talaga siya! Sakin sobrang napaka maldita pero sa iba grabe! Mukang hindi nakakabasag ng pinggan! Kaya palagi siyang binoboto ng mga tao dahil sa bait niya.

Ikinalma ko nalang ang aking sarili at nagpatuloy na sa pag lalakad pagpunta sa classroom namin. Papasok ko nakita ko ang iilan sa mga kaklase kong nag fifill up ng log book binati nila ako ng good morning in tagalog way at binati ko din sila ng magandang umaga in tagalog way, kapag nakikipag usap sila sakin nag tatagalog sila kasi alam nilang konti lang ang naiintindihan ko,nung first day ko panga dito eh hindi ko maintindihan yung sinasabi nila pero nakatingin sila sakin feeling ko Bina back stab ako ng mga ito ehh pero sabi nila hindi naman daw.

"Umupo ako katabi ng kaibigan kong si Aylana hindi niya ata ako napansin dahil tutok na tutok siya sa cellphone niya. Take note! Nakanginiti pa ang halimaw! Sinubukan kong sumilip at nagulat ako sa nabasa ko.



May kausap siyang lalake na American pero nag tatagalog? Ha?!


Ipinagpatuloy kopa ang pagbabasa sa conversation nila hanggang sa tinanong ng lalake kung kumain naba daw ang kaibigan ko napatingin naman ako sa kaibigan ko nang tumili ito.



Nahulog nanga sa matatamis na salita:>



Teka. Anong nakakakilig sa "kumain kana ba? " kaululan

"wa na! Nangutana ra gani'g ni kaon naba ka, kilig dayun!" pagpaparinig ko, gulay naman ang halimaw na napatingin sakin sabay iba ng reaction sa serious face tinawagan ko siya ng pinaka nakaka asar kong tawa "akala mo naman hindi pa kinilig" banat niya, pinandilatan ko siya ng mata "wow ha! Kailan? Kailan mo ako nakitang kinilig ehh wala panga akong nagugustuhan ni Isa sa buong buhay ko eh!"Napalakas ata ang sigaw ko dahil napatingin din saamin ang iba naming kaklase, nag peace sign ako at binaling at atension sa kaibigan kong nag ta type ulit.

(wala ito! Tinanong lang ng" kumain ka naba" kinilig na!)



"Sino ba iyan? Bakit American tapos nag tatagalog?" tanong ko, hinarap niya naman ako na nakahawak sa sentido niya na nakangiti. "This is called RPW Shani RPW!" sagot niya




RPWhat?




Napakakunot ang noo ko "Ha? RPW? Ano yun?" tanong ko napabuntong hininga naman siya at ibinaba ang cellphone niya "Haynako Shani, ganto kasi yun" handa na siyang mag explain at handa nadin akong makinig nang tumunog ang bell hudyat na kailangan na naming pumunta sa harap ng administration building para sa flag ceremony. Bumuntong hininga nalang kami ni Aylana sa inis at sabay na tumayo para sumunod sa mga kaklase namin.

"Teka nga! Teka nga!" naguguluhan kong tanong habang nginunguya ang manggang binili namin sa canteen kanina. Pabalik na kami sa classroom para sa 4th subject namin ngayong araw.


Ine explain saakin ni Aylana ang RPW habang bumibili kami ng pagkain, di ko mashadong maintindihan ang mga sinasabi niya dahil ang ingay, kailangan pa naming mag sigaw an para marinig namin ang isat-isa .

"Mamaya nanga sa classroom!" sigaw niya, tumango nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ng mangga.

Successful kaming nakabalik sa classroom na walang mantsya ang damit at hindi nababanggaan ng mga estudyante.

"So ayun nanga, ang RPW or role play world ay parang internet world" serysosong pag e explain niya, nakikinig lang ako habang kumakain parin ng mga pinamili namin kanina.


"gagawa ka ng Facebook acc na hindi mo pangalan, tapos yung profile picture mo hindi din ikaw" dagdag niya.


"Ahh so, fake identity ganun?"

"oo parang ganun nanga"

"Ahhh okay gets ko na, gagawa ka ng acc tapos fake identity, hindi mo pwedeng i reveal ang totoo mong mukha, edad-"

"hindi necessary na hindi mo sabihin ang totoo mong edad"

"ahh okay so, gagawa ka ng facebook acc, fake identity, hindi mo pwedeng I reveal ang totoo mong muka at boses. No calls, vm and vc, ganun?"

Pumalakpak ang kaibigan ko kaya napatingin ang mga kaklase ko saamin.

"Ganun!" Sigaw niya sabay pitik ng kanyang mga daliri.


"sige, susubukan kong gumawa ng rpa mamaya pag uwi"


"Yes! Add mo ako ha!"


Inirapan ko nalang siya at hinintay na pumasok ang subject teacher namin.

Ano naman kayang meron sa mundong yun? Bahala na, bagong adventure nanaman to sa buhay ko.

Beside You Where stories live. Discover now