Chapter 5

1 0 0
                                    

One year after...

Yes! 4th year na kami! Isang taon nalang, gagraduate na! Ano kayang feeling ng college? I'm excited but somehow, natatakot. Nakakakaba kaya.

Oh. Si Ethan at Alexa na. They've been together for almost 10 months. 2 months lang niligawan ni Ethan si Alexa. Medyo napatagal pa nga yun, considering na may gusto rin 'tong si Alexa kay Ethan. One year have passed pero I still don't llike her. Kahit minsan, nakakasama namin sya sa barkada bonding.

Well, I can say na naka-move on na ako kahit papano kay Ethan. Bumaba na yung feelings ko sa admiration. I just admire him for his personality. I consider that lower than crush. Hahaha. Oh diba? May improvement!

Hindi naman kasi nagbago ng pakikitungo sakin si Ethan. Ako lang 'tong nag-overreact dati. Pero minsan kasi, nawawalan na rin sya ng time para sa bonding naming dalawa gawa ni Alexa. Syempre, girlfriend yun, sya ang uunahin. I admit, may mga nagbago between us pero I'll just have to accept that. He's still my bestfriend, right?

Lunch time.

Umakyat ako ng rooftop para kumain mag-isa. Wala lang. Gusto ko lang mag-relax at magkaroon ng alone time. Mas nakakapag-isip rin kasi ako ng ayos kapag ganun.

"If you just let me explain!!!" nasa may pinto pa lang ako ng rooftop nang makarinig ako ng nag-aaway. Slightly open kasi yung pinto kaya talaga maririnig mo.

"Explain?! I HAD ENOUGH OF YOUR EXPLANATIONS, ETHAN!" Ethan? Sinong kaaway ni Ethan??? Sumilip ako ng konti.

Si Ethan at Alexa, nag-aaway?

"Alexa naman! Listen to me!" yung tono ng boses ni Ethan, yung parang nagmamakaawa na.

"No. I. Had. Enough. We're over, Ethan. We're OVER!" tapos nag-walk out si Alexa. Hala!!! Eh di pupunta sya dito sa may pinto?! Shet! Dali-dali akong pumunta sa likod ng pinto tapos nung binuksan ni Alexa yung pinto para makapasok sa building, natakluban ako ng pinto. Ang lakas nung impact nung pagkakabukas nya ah! Masakit yun!!!

"Shit. Shit. Shit." Naririnig ko si Ethan na paulit-ulit yang sinasabi at... naiyak sya.

"Ethan?" dali-dali akong pumunta kay Ethan.

"Scarr? Scarlette." Nung pagkakita nya sakin, niyakap nya ako agad. Sobrang higpit.

"Hey. Tahan na." niyakap ko rin sya ng mahigpit. My bestfriend needs me right now.

"She... She..."

"I know. I know. Shhhh." Tapos hinagod ko yung likod nya.

"Mahal na mahal ko sya, Scarr." Patuloy pa rin sya sa pag-iyak.

"Alam ko." niyakap ko sya ng mas mahigpit.

"Ayokong mawala sya sakin... Scarr, please... Help me... Connect me back to her, please?" tumingin sya sakin. Eye-to-eye kaming dalawa. Yung mata nya, nagmamakaawa na. Patuloy pa rin yung luha nya. Hinawakan na naman nya yung kamay ko. Gaya nung dati... Nagmamakaawa na naman sya sakin para kay Alexa.

"Okay. Sure. Don't worry." Tapos niyakap ko ulit sya.

--

"Alexa? Hey. Can we talk privately?" pagkapasok ko sa classroom namin, sya agad ang una kong pinuntahan. Naaalala ko kasi yung mukha ni Ethan kanina habang naiyak sya. Haaayy. Doble sakit sakin nun noh.

"Now na?"

"No. After class. Rooftop." tapos umupo na ako sa upuan ko. I need to fix this for him. Ayoko na makitang naiyak ang bestfriend ko.

--

*riiiiing*

The school bell rang. Yan, end of the class na. Sabay na kaming umakyat ni Alexa sa rooftop. Walang nagsasalita samin habang paakyat kami. Pagkarating dun, umupo kami dun sa bench.

"Ano bang pag-uusapan natin ha?" medyo rude yung pagkakatanong nya sakin.

"It's about Ethan. Please talk to him, Alexa. Please?" pakiusap ko sakanya.

"Ha-ha. Don't make me laugh, Scarlette. Nagmamakaawa ka para sa bestfriend mo? Don't tell me, may gusto ka sakanya?" medyo naninibago ako kay Alexa ngayon. Is she always been this rude?

"Mahal mo sya diba? Mahal mo si Ethan?" tanong ko sakanya.

"Mahal?" tumayo sya sa harapan ko tapos halata sa expression ng mukha nya ng galit sya at naiinis.

"Hindi ko mahal yang si Ethan. Hinding hindi ko sya minahal! Kaya ko lang naman sya pinayagang manligaw kasi gusto ko syang agawin sayo! Kaya ko lang sya tinagalan ng halos 10 buwan dahil natatawa ako pag nakikita ko yang pagmumukha mo na nagseselos kapag sweet kami! Ginagawa ko ang lahat para lang agawan ka! Ginagawa ko lahat para lamangan ka! Ginagawa ko lahat para mas mag-excel ako sayo! Para mas maging popular ako sayo!" sigaw nya sakin.

Unti-unti, nabubuild up na yung galit sakin. So talaga palang sinasadya nya?! Tama ang hinala ko noon pa?! Pero wala naman akong ginagawang kasalanan sakanya ah?!

"Ano bang problema mo sakin ha?! Anong ginawa ko sayo para agawin mo sakin lahat?!" sigaw ko naman sakanya.

"Mahirap maging anak sa labas, Scarlette. Buti kayo, nakakasama nyo si papa. Kami ni kuya? Wala na nga si mama, wala pa rin si papa! Buti kayo, buo ang pamilya nyo! Eh kami?! Not one Christmas, buo kami! Kasi laging nasa inyo si Papa! Kami nalang lagi ni Kuya ang magkasama! Oo nga, magkasama kami ni Kuya! Pero iba pa rin yung kapag kasama si papa!" sigaw nya habang umiiyak. Ibig sabihin... half-sister ko sya?

Hindi ko alam ang dapat maramdaman ngayon. Naghahalong galit, gulat, sakit at takot. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi sinabi ni papa na may iba pa kaming kapatid? Pero ngayon, alam ko na kung bakit ganito sakin si Alexa. Nagagalit ako sakanya kasi pinaglaruan nya lang si Ethan. Pero galit din ako sa sarili ko. So ang matagal ko nang kinaiinisan... sarili kong kapatid?

Kumikirot ang puso ko. Nahihirapan na akong huminga. Bumibilis din ang tibok ng puso ko. Shet. Anong nangyayari? Ang gulo. Sobrang gulo! Hindi ko na alam ang dapat gawin!!!

"SANA KAMI NALANG ANG PAMILYA NI PAPA! SANA KAMI NALANG!!!" tapos bigla nya akong sinampal ng malakas tsaka sya nag-walk out.

Then.

--

(Ethan's POV)

"SANA KAMI NALANG ANG PAMILYA NI PAPA! SANA KAMI NALANG!!!" Teka, si Alexa ba yun? Bakit sya nasigaw? Kinausap na ba siya ni Scarlette?

Umakyat ako papunta sa rooftop. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang bigla naman iyong binuksan ni Alexa. Naiyak sya habang pababa ng hagdan.

"Alexa, saglit." Hinawakan ko sya sa braso para pigilan sya sa pagbaba.

"Ethan, I'm sorry." Tapos tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa braso nya tapos bumaba na sya.

"T-Teka, Alexa!"

*BLAG*

Ano yun? Bakit parang may nahulog? Si Scarlette kaya yun? Okay lang kaya sya? Pero teka, si Alexa. Dapat mag-usap kami. Hindi pwedeng hindi. Gusto ko pa rin syang bumalik sakin. Mahal ko sya. Sobra.

"E-Ethan..." Scarlette? Narinig ko ang faint na boses nya. Pumunta na ako sa rooftop at nakita ko doon si Scarlette, nakahiga sa sahig.

"Scarlette?!" Tatakbo akong pumunta sakanya tapos sinubukan ko syang gisingin.

"Scarlette?! Anong nangyari sayo?! Gumising ka! Scarlette!!!!" niyuyugyog ko na sya pero wala talaga syang malay. Shet. Anong nangyari?!

"SCARLETTE!!!" kinakabahan ako. Ano kayang ginawa ni Alexa sakanya?! Anong nangyari?!?!?

Nagmadali akong bumaba ng hagdan, lumabas ng school at pumara ng taxi para dalhin agad sya sa ospital.

--

Vote. Comment. :)

~ai-yanyan

Just A BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon