Chapter 2

1 0 0
                                    

Nag-ring na yung bell namin, ibig sabihin, tapos na ang lunch time, so agad-agad kaming bumalik ni Ethan sa classroom. Magkahiwalay kami ng classroom ni Ethan. Section 3-1 kasi ako, sya naman 3-3. Unfortunately, kaklase ko si Alexa kaya rin naman sakin nya pinapabigay yung love letter nya.

“Scarlette ah??? Bigay mo kay you-know-who.” Tapos kinidatan nya ako. Kikiligin na sana ako. Haaayyy.

“Sure. Bye. Kita nalang tayo mamayang dismissal.” Tapos pumasok na sya sa classroom nila. Samantalang ako, eto, tinititigan ko pa rin yung love letter nya. Punitin ko kaya? No, Scarlette. Wag kang bad.

“Hey, Scarlette!” bati sakin ni Alexa habang papasok sya ng classroom. Hindi naman kami war nitong si Alexa. She’s kinda friendly to everyone. Ako lang naman ‘tong may hidden anger eh.

“Oh, hey.” Bati ko rin sakanya.

“Uyy. Ano yan? Love letter? Wow naman!” nakangiti nyang sabi habang nakatingin dun sa letter.

“Huh? Eto ba?” sasabihin ko bang para sakanya yun o hindi? Pag hindi ko sinabi, magagalit si Ethan. He’ll hate me. Pero hindi na malalaman ni Alexa na may gusto sakanya si bestfriend ko. Less chance na magiging sila! Wahaha.

“Actually, it’s for you.” haaayy. Napakabait kong bata. Iniabot ko kay Alexa yung letter.

“Huh? From whom?” parang first time nyang nakareceive ng love letter ah.

“Basta. Basahin mo nalang daw.” Tapos nauna na kong pumasok sa classroom. Umupo ako doon sa upuan ko sa likod tapos tumingin nalang sa labas ng bintana. Haaayy. Pagsisisihan ko ba ‘to?

Tiningnan ko si Alexa habang binabasa nya yung love letter sakanya ni Ethan. Nakangiti sya. Yung ngiting parang kinikilig. Sana ako nalang yung binigyan ni Ethan ng love letter, eh di sana, ako yung kinikilig ng ganyan ngayon.

Iniwas ko na lang yung tingin ko kay Alexa. Naiimagine ko kasi yung mga pinaglalagay ni Ethan sa love letter nya. Haaayyy.

“Good afternoon, class. Attendance check.” Sabi ng teacher namin pagkapasok nya sa room. Napansin ko si Alexa, nasa may unahan kasi sya, parang may sinusulat sya. Tiningnan ko kung saan. Sa isang stationery. Ano yun? Reply sa sulat ni Ethan?

--

Dismissal. Agad-agad kong inayos ang gamit ko tsaka dali-daling lumabas ng room.

“Scarlette!” ano ba naman yan?! Sino ba yung tumawag na yun?! Tumigil ako sa may pinto ng classroom tapos hiinanap kung sino yung tumawag sakin.

“Scarlette.” Si Alexa pala. Ano naman kayang kailangan nito?

“Ano. Alam mo na.” tapos may iniabot sya saking isang letter. Sinasabi ko na nga ba.

“Kay Ethan?” tanong ko. Tumango sya tapos halatang nagb-blush. Tss.

“Sige. Bibigay ko sakanya mamaya.” Tapos umalis na ako. Nilagay ko yung letter sa bag ko. Wala akong pakelam kung nagusot man yun. Nagmamadali akong maglakad. Gusto ko na umalis ng school grounds!

Pagkalabas ko ng school, agad-agad akong pumara ng jeep at sumakay pauwi.

--

Pagkarating  ko sa bahay, nagbihis na ako ng pambahay tapos umupo sa may balcony ng kwarto ko. Hawak-hawak ko yung letter habang tinititigan ko. Eto na naman ako. Ibibigay ko ba kay Ethan o hindi?

Options:

1. Ibigay kay Ethan at tanggapin ang bestfriend-zone.

2. Wag ibigay kay Ethan ang letter para isipin nyang wala na syang pag-asa kay Alexa.

3. Piliin ang number 2 tapos simulan nang magparamdam kay Ethan ng aking kept feelings.

4. Magbigti.

Syempre di ko gagawin yung number 4! Di naman ako desperada.

“Ethan naman kasi. Ako naman yung malapit sayo ah? Bakit iba nakita mo? Dapat ako nalang.” Kausap ko yung letter. Sana hindi sumagot.

“SCAAAARLEEEEEETTE!” shet. Si Ethan ba yun? O dahil sa sobrang pag-iisip, akala ko naririnig ko na boses nya? Ang kanyang oh-so-sarap-pakinggan-na-boses.

“SCARLETTE!” biglang may nagbukas ng pinto ng kwarto ko kaya naman pumasok ako sa loob galing sa balcony.

“Oh? Ethan, anong ginagawa mo rito?” tanong ko sakanya.

“Anong sabi nya??? Natuwa ba sya sa letter ko?” sabi ko nga, eto ang agenda nya rito.

“Wala ka na raw pag-asa. Di ka nya type.” Sabi ko.

“H-Ha?” tapos napaupo sya sa sahig. Halatang disappointed. Nagngingilid na nga yung luha nya. Shet. Matitiis ko ba sya?

“Uy joke lang. OA ‘to masyado. Oh. Pinapabigay nya.” Tapos iniabot ko sakanya yung letter ni Alexa. Half-hearted ang pagbibigay ko sakanya ng letter na yun. Haaay. Ayoko rin naman kasing maging kontrabida sa lovelife ng bestfriend ko.

“Kainis ka talaga! Magda-drama na sana ako eh!” Kinuha nya yung sulat tapos excited na binuksan at binasa.

“SCARLEEEEETTE!!!” tapos niyakap nya ako ng sobrang higpit habang nagtatatalon sya sa saya.

“TINGNAN MO!!!!” tapos pinakita nya sakin yung sulat ni Alexa. As in yung sobrang lapit sa mukha ko. Grabe. Don’t rub it in my face! Alam kong masaya ka!

“0917xxxxxxx NUMBER NYA! BINIGAY NYA SAKIN ANG NUMBER NYA! TAPOS TINGNAN MO ‘TO!!! SABI PA NYA KITA DAW KAMI SA ROOFTOP BUKAS!!! LUNCHTIME! SHEEEET!” sigaw sya nang sigaw na parang baliw. Teka, tama ba rinig ko? Lunchtime sila magkikita? So sino na kasabay kong mag-lunch?

“Ang saya mo ah.” Sabi ko sabay upo sa swivel chair ko. Si Ethan naman, nakahiga sa kama ko habang paulit ulit atang binabasa yung sulat sakanya ni Alexa.

“Papalaminate ko ‘to.” tapos niyakap nya yung sulat.

“Hey, Scarr.” Tawag nya sakin.

“Yep?”

“Thank you. You’re the best.” Thank you? Sabagay. Dapat makuntento na ako sa thank you na yun. Atleast natulungan ko ang bestfriend ko diba? Pero parang mas masarap ata marinig ang ‘I love you too’ kesa sa ‘thank you.’ Saklap men.

“Of course, I’m the best.” Tapos umupo ako sa edge ng kama ko.

“My bestest and most beautiful bestfriend!” tapos niyakap nya ako kaya napahiga nalang ako sa tabi nya.

“Talaga!” tapos niyakap ko rin sya ng mahigpit. Ewan ko. Pakiramdam ko, eto na yung huling beses na mayayakap ko sya ng ganito.

***

#BestfriendZone XD

Vote. Comment :*

~ai-yanyan

Just A BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon