Chapter 1

2 0 0
                                    

It was an ordinary school day. Nasa school rooftop kami ng bestfriend ko, si Ethan. Lunch time kasi kaya dito muna kami tumambay. Kakatapos lang namin kumain ng lunch. Inaayos ko na yung lunchbox ko nang bigla syang humiga sa hita ko. Saming dalawa, wala namang malisya ‘to. Bestfriends nga kami diba? Bestfriends since elementary hanggang ngayong high school.

“Ang boriiiiing!” sigaw ni Ethan habang nags-stretch. Nadali pa nga yung mukha ko ng kamay nya! Pero sa totoo lang, every time na humihiga si Ethan sa hita ko, kinikilig ako.

Fine. Oo na, aamin na ako. Matagal ko nang gusto ko si Ethan. Nadevelop ako sakanya. Kaya minsan, advantage ko na rin yung pagiging bestfriend nya. Hinahawakan nya kamay ko, mukha ko, tapos nahiga pa sya sa lap ko tapos niyayakap pa! Hihihi. Natatake ba ng advantage? Eh wala eh. Ganyan talaga. Hindi kasi ako makaamin sakanya. Mas priority ko yung friendship namin.

“Ay nako! Kung bored ka, wag mo kong suntukin!” sigaw ko sakanya pagkatapos kong hampasin ang kamay nya.

“Hahaha. Sorry naman.” Ang gwapo nya talaga kapag natawa sya. Maya-maya, biglang sumeryoso yung mukha nya tapos bigla syang umupo at humarap sakin.

“Scarlette.” Seryoso yung mukha nya habang nakatingin sakin. Okaaaay. Medyo ang bigat sa pakiramdam ah. Yung parang may naririnig na akong intense na background music. Nakakakaba.

“H-Huh? B-Bakit?” medyo nauutal kong sabi. Sobrang kinakabahan talaga ako sa seryosong mukha nya. Yung tipong nasanay ako sa pagiging makulit nya tapos biglang gaganito sya. Nakakatakot! Sinapian na ba sya ng bad spirit?! Oh no! HELP!

“A-Ano. Kasi. May gusto akong sabihin sayo.” Tapos nagbublush sya. Eeeehh! Ang cute cute nya!!!

“A-Ano yun?” tapos may kinuha sya sa bulsa nya. Letter. LOVE LETTER?!

“Kasi. Ano. Eto oh.” Tapos inabot nya sakin yung sulat. Shet. Akin ba ‘to?! May gusto rin ba sya sakin?! Will my fantasy come true?!

“A-Ano ‘to?” syempre, ayoko namang mag-assume. Tinanggap ko yung sulat tapos tinitigan ko yun. Sheeet! Kinikilig na ako.

“Sulat malamang.” Pamimilosopo nya. Naman eh. Pambasag naman ng moment ‘tong si Ethan!

“I mean, para san ‘to?” please say na love letter ‘to! Please say na love letter ‘toooo!!!

“Uhm. Love letter.” Hiyang-hiya pa sya habang sinasabi sakin. Sheeeet. Naiinlove na talaga ako! Ang cute cute nya pag nahihiya!!! Tapos hinawakan ko yung flap nung letter, bubuksan ko na. WAAAAAAAAHHH! Kinikilig talaga ako!

“T-Teka! Wag mong buksan! Para kay Alexa yan!”

Ano daw?

Tama ba pagkakarinig ko?

“Para kay Alexa yan!”

 

“Para kay Alexa yan!”

 

“Para kay Alexa yan!”

 

So… Hindi para sakin?

“Para kay Alexa yan!”

“Para kay Alexa yan!”

“Para kay Alexa yan!”

“A-Ah! S-Sorry!” tapos inilapag ko yung sulat sa bench na inuupuan namin ni Ethan. Shet. Napahiya naman ako dun. Tsk. Kala ko akin. Saklap.

“A-Ano kasi… Matagal ko nang gusto si Alexa… Sorry ah? Di ko agad nasabi sayo. Natotorpe rin kasi ako sakanya. P-Pero ngayon may lakas na ko ng loob! Pakibigay sakanya yan ah? Please? For your handsome BESTFRIEND!” hawak-hawak pa nya ang kamay ko habang nakikiusap. Nagpuppy eyes pa sya.

Ang saklap Naka-emphasize pa yung BESTFRIEND. Gagawin ko o hindi?

Pwede naman kasing itapon ko ‘tong sulat na ‘to tapos sasabihin ko tinapon ni Alexa. Kaso ang sama ko namang kaibigan pag ganun ginawa ko. Halata namang gustong gusto nya si Alexa. ARRRRGGGGGGHHHH! Yung puso ko, nasasaktan. Dapat nga prepared na ako sa ganito. Nasa bestfriend-zone ako eh. Dapat handa ako sa time na magkakagusto sya sa iba.

Oo. Nagsasabihan kami ng crushes namin. Nanligaw na rin sya ng ibang babae pero never pa sya nagkagirlfriend. Sabi nya kasi, okay na sya kasi kasama nya ako. Hindi naman ako nasaktan noon noong nanligaw sya ng iba. Pero kasi, bakit si Alexa pa?

Alexa. She’s the most popular girl in school. Maganda, maputi, matangkad, beauty queen material. Di katulad ko. Sobrang plain. Almost lahat ng lalaki sa school, may crush sa kanya. Kokonti nga lang ang nasubok na ligawan sya. Para daw kasing high class masyado. Di nila ma-reach. Ngiti palang, panalo na. Hindi lang sya maganda, matalino pa. All in one package kumbaga. Schoolmate ko na sya since kindergarten. She always beats me. Yun ang kinaiinis ko sakanya. Ewan ko kung sinasadya nya or coincidence lang na sa lahat ng bagay na gusto kong mag-excel, lagi nalang syang sisingit para talunin ako. Ganun through the years. Tapos ngayon, pati sa bestfriend ko, sya pa rin ang mananalo? Sa kaisa-isang lalaking minahal ko, sya pa rin ang kukuha?

Ayokong ilakad ang bestfriend ko sa kanyang girl-of-his-dreams…

“Ang corny mo naman, Ethan! Love letter?! Uso po ang text! Kunin mo ang number! Ha-ha-ha. Sige na. Ibibigay ko na mamaya.”

Pero… BESTFRIEND nya ako eh.

***

One of the stories na sinulat ko nung musmos pa lang ako ahahahaha. Revised version x) Kamusta naman?

Vote. Comment. :P

Comment is highly appreciated XD

Credits to the owner of the pic sa cover :*

~ai-yanyan

Just A BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon