Chapter 6

1 0 0
                                    

Mabuti at naagapan daw si Scarlette. Ligtas syang nakarating sa hospital, ngayon, nagpapahinga sya sa isang room.

Gabi na. Andito pa rin kami sa ospital. Hindi pa rin kasi nagigising si Scarlette. Inaantay na rin namin ang results ng tests sakanya.

Haaay. Di ko maiwasang di mag-alala. Ano kayang nangyari sakanya?

Andito ako sa kwarto ni Scarlette. Nasa labas sina tita, ako lang ang naiwang nagbabantay sakanya. Hawak-hawak ko yung kamay nya habang tinititigan ko sya. Shet. Di ko kaya kapag nawala ang bestfriend ko.

"Ethan?" biglang pumasok si Ate Sarraine.

"Hi, Ate." Bati ko sakanya.

"Kamusta na si Scarlette?" tanong nya habang papaupo dun sa may gilid ng kama ni Scarlette.

"Wala pa rin. Ni isang kibo, wala. Sana naman magising na sya." Sabi ko sabay hawak ng mahigpit sa kamay nya.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Ate.

"Narinig ko silang nag-aaway ni Alexa sa rooftop. Tapos nung makita ko si Scarlette, nakahiga na sa sahig. May sinabi na po ba ang mga doctor?" tanong ko sakanya.

Umiling sya tapos sabi nya, "Wala pa nga eh. Inaantay nina mama ang results eh." Tapos hinaplos nya ang mukha ni Scarlette.

"Scarlette naman eh." Bulong ni Ate. Tiningnan ko ang mukha nya, paiyak na si Ate. Kitang-kita rin sa expression ng mukha nya na sobrang nag-aalala sya.

"Pag ikaw, hindi nagising, kukunin ko lahat ng CDs mo ng anime tsaka yung mga albums na pinag-ipunan mo! Tapos isusumbong ko kay mama lahat ng pagtakas mo! Tsaka yung pangungupit natin sa wallet ni papa nung mga bata pa tayo." this time, umiiyak na si Ate.

"Diba, may pinagiipunan pa tayo? Manonood pa tayo ng concert ng J-Rock bands! Marami pa tayong plano oy! Pag yon di natupad, talagang magagalit ako sayo!" iyak nang iyak si Ate Sarraine habang nagtatantrums kay Scarlette. Naaawa ako kay Ate. Mahal na mahal na mahal nya talaga ang kapatid nya.

"Ate." Hinawakan ko sa balikat si Ate Sarraine for comfort.

"Nakakainis kasi, Ethan! Bakit ba naman kasi nagkaganito si Scarlette?! Wala naman syang ginagawang masama eh. Bait bait nito kahit luka luka. Madrama. Napakakulit." Humagulhol si Ate. Nasasaktan rin ako.

Pano nga kung di na magising si Scarlette? Pano kung ... Ah. Ayoko isipin. Hindi pwedeng mawala ang bestfriend ko. Hindi ko kakayanin. Sya na yung partner ko eh. Sa lahat ng bagay, sya ang kasama at kakampi ko. Sya yung natatakbuhan ko kapag may problema ako. Kahit sobrang babaw, iniintindi nya ako. Yung tipong gagawin nya lahat mapangiti lang ako kapag problemado ako. Sa kalokohan, sya rin ang kasama ko. Ang saya balikan nung mga kalokohan naming ginawa noon. Pag nahuhuli nga kami, tatawa nalang kami pareho. Haha. Haaay. Scarlette.

Naalala ko tuloy yung mga ngiti nya. Yung ngiting nakakahawa. Yung tawa nyang ang sarap pakinggan, kasi alam kong okay sya. Yung pangungulit nya sakin para lang makalimutan ko yung problema. Yung pagmamahal nya sakin bilang bestfriend na walang kapantay. Yung presence nya palang sa buhay ko, masayang masaya na ako dun. I can't imagine life without her.

Hinimas ko ang likod ni Ate Sarraine para kumalma sya. Tapos biglang tumunog ang phone ni Ate. Kinuha nya yun at sinagot yung tawag.

"Huh? Sige po." tapos inend na nya yung call.

"Ethan, ikaw muna ang bahala kay Scarlette." Tapos mabilis na lumabas si Ate.

"Ethan?" nagulat naman ako nang may bigla ulit pumasok. Si Alexa.

"Uhm. Hi. Ano. Kamusta si Scarlette?" tanong nya.

"Uhh. Di ko rin alam eh." Tapos umiwas ako ng tingin sakanya.

Silence.

"I'm sorry." Bigla nyang sabi.

"For what?" tanong ko sakanya. Tumingin sya sakin, mata sa mata.

"Hindi siguro magkakaganyan si Scarlette kung di ko sya sinigawan at inaway. Sorry." Andun lang si Alexa sa may pinto. Halatang ayaw nyang lumapit.

"Ano ba pinag-awayan nyo?"

"I told her the truth. She's my half-sister, Ethan." H-Ha?

"H-Half-sister?" nagulat kong tanong.

"Oo. We share the same dad. Nag-away daw kasi ang mama ni Scarlette at si papa. Nagpunta sya ng bar, nagkataon namang andun si mama ko. Nagkausap sila at nagkataon pang problemado sila pareho kaya ayun, they comforted each other. Sa sobrang kalasingan, ayun, may nangyari sakanila. Di inexpect ni mama na bubunga. That time, buntis rin pala si mama ni Scarlette sakanya." Kwento nya sakin.

"Hindi na sana sasabihin ni mama kay papa ang about sakin kasi ayaw nyang manggulo. Kaso ayun, namatay ang asawa ni mama, yung papa ni kuya. Hindi nya kami kaya buhayin pareho. Sinabi niya kay papa na anak nya ako, humingi sya ng sustento. Wala namang nagawa ni papa kundi panindigan kami. Kaya ko nalaman ang totoo." Umiyak na si Alexa. Grabe. Hindi ko naman ineexpect na ganito pala ang totoo.

"Okay naman naging set up namin eh. Nabisita samin minsan si papa. Kakain kami sa labas. Yung ganun. Kaso namatay rin si mama. Paano na kami ni kuya? Wala na yung papa nya, wala na ang mama namin. Tapos si papa, ayun, nasa isa nyang pamilya lagi. Simula nung nawala si mama, hindi na sya nadalaw samin. Nagpapadala pa rin ng sustento pero hindi nya na kami pinuntahan. Kaya nung nalaman kong si Scarlette ang anak ni papa sa legal nyang pamilya, nainis ako. Kung sana wala sila, eh di sana si papa ang kasama namin nung nawala si mama. Si papa sana ang kasama namin lagi. Si papa yung makakapitan naming magkapatid. Kaso ano? Nung graduation nung elementary, si Scarlette yung sinabitan nya ng medal. Tuwing may contests na sasalihan kami, si Scarlette ang susuportahan nya!" nakita kong nagclench ang fist ni Alexa.

"Aaminin ko, naiinggit ako! Kaya nga ginagawa ko lahat para agawan sya! Para mapansin naman ako ni papa! Para ako naman ang unahin nya! Para bigyan naman nya kami ng time ni kuya!" pinunasan nya ang luha nya.

"Sobrang naiinggit ako, Ethan. To the point na ginamit lang din kita para masaktan sya. I'm... I'm sorry." G-Ginamit?

"Ibig sabihin..."

"Oo, Ethan. Hindi kita mahal. Siguro, nagka-affection lang ako sayo pero love? No. I'm really sorry. I had fun seeing Scarlette get jealous."

Ginamit lang nya ako? So pinaglaruan nya lang yung pagmamahal ko sakanya?! Pagkatapos ng lahat-lahat ng sakripisyo ko para sakanya, ganito ang gagawin nya?!

"Ethan, I'm really sorry." Tapos hinawakan nya ang kamay ko pero tinabig ko iyon.

"Sorry?! Yan lang ha?! May isang taon mo akong pinaglaruan, Alexa! ISANG TAON! Akala ko pa naman, MAHAL MO AKO! YUN PALA, PINAGLALARUAN MO LANG?! TAPOS ANO?! GANITO PA GINAWA MO KAY SCARLETTE?!" Nakakainis! Sobrang galit na galit ang nararamdaman ko ngayon. Alam mo yung feeling na sobrang ginago?! Ganun!

"E-Ethan."

"UMALIS KA NA! LUMABAS KA NA! AYOKO NANG MAKITA ANG PAGMUMUKHA MO!" pinipigilan ko ang luha ko na lumabas. Hinding hindi ako iiyak para sa babaeng yun. Pagkatapos nya akong lokohin?! She's not worth my tears.

"Ethan. I'm sorry. Sige. Bye." Tapos lumabas na sya ng kwarto ni Scarlette. Anak ng. GUSTO KO MAGWALA!!!!

Minahal ko sya ng buong buo. Yun pala, natutuwa lang sya kapag nagseselos si Scarlette. Selos? Bakit naman magseselos si Scarlette? Siguro kasi nawawalan na ako ng time sakanya. Eh di sana, kung hindi naging kami ni Alexa, I had more time with my bestfriend. Shit.

***

~ai-yanyan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just A BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon