Chapter 4

2 0 0
                                    

After ng sinabi sakin ni Ethan, I can’t focus sa afternoon classes ko. Hindi na nga ako nakikinig eh. Natulala lang ako sa teacher pero yung utak ko, paulit ulit na nirerewind yung sinabi ni Ethan sakin. She likes me too. ANG BIGAT MEN! ANG BIGAT!

*riiiiiing*

Oh thank you, bell. Nag-ring ka rin! Gustong-gusto ko nang umuwi! Maglalaro nalang ako ng PSP magdamag para makalimutan ko yung nangyari kanina!

Tatakbo na ako palabas ng classroom. Hindi naman excited umuwi noh? Pagdating ko sa gate ng school, biglang bumuhos ang ulan. As in buhos. Oh shet. Wala akong payong! Pano ‘to?! Kinuha ko agad ang cellphone ko para itext si Ethan, sabay naman kaming umuwi eh. Share nalang kami sa payong. Tutal kapitbahay ko rin naman sya.

Nagtytype pa lang ako nang biglang dumaan sa harapan ko si Ethan at Alexa. Binuksan ni Ethan yung payong nya tapos pumunta sila sa tabi ng kalsada.

Hindi man lang ba nya ako napansin?

Tinitigan ko sila mula sa malayo habang naghihintay sila ng jeep. Pumara si Ethan ng jeep tapos sumakay na sila ni Alexa. Sinundan ko ng tingin yung jeep.

So ganun nalang yun?

Years of friendship. Makakalimutan na nya ako gawa ni Alexa? Inagawan na naman ako ni Alexa? Pati ba naman yung bestfriend ko, KINUHA NYA?!

Sumulong na ako sa ulan. Tatakbo ako paalis ng school. Wala na akong pakelam kahit mabasa ako. Wala na akong pakelam kahit magkasakit ako. Sobrang sakit na eh. Ganun ganun nalang? Nakalimutan na nya ako agad? Iisang araw palang nyang nililigawan eh! Pano kung sila na?! Goodbye friendship na namin?! Hindi ko nga sinugal yung friendship namin para sa feelings ko, kaso eto namang si Alexa ang sisira?!

Eh di sana sinugal ko na lang! Dapat sinabi ko nalang na mahal ko sya! Na sya yung matagal ko ng gusto! Sya yung mahal na mahal ko! Siguro naman, kahit 0.00001% chance, meron ako diba? Kasi kilala na nya ako! Siguro naman sa tagal ng pinagsamahan namin, kahit 0.00000000001% may pagtingin rin sya sakin. Kaso eto, wala na. Nganga. Naunahan na ako ng babaeng kinaiinisan ko.

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa tulay sa may padulo ng lugar namin.

“NAKAKAINIS KA, ETHAN! GANUN GANUN NALANG?! GANUN MO NALANG AKO IIWAN?!” sigaw ako nang sigaw habang naiyak. Buti na nga lang at naulan, hindi masyadong halata na naiyak ako.

Eto na ba katapusan ng friendship namin?

--

Kinaumagahan.

Ayan na nga, nilagnat na ako. Pag-uwi ko kasi, hindi agad ako naligo. Gumulong muna ako sa sahig tapos iniumpog ang ulo ko sa pader. Haaayy. Kasi naman, Scarlette, move on na. Tanggapin mo na! Wala nang pag-asa ang pagmamahal mo para sakanya! Wala! Zero percent na! Hanap ka nalang ng mas gwapo sakanya! Marami naman dyang iba diba? Marami namang mas mabait, makulit at gwapo kesa sakanya!

Eeeeehhh. Sya lang talaga eh! Marami nga dyang iba, kaso nag-iisa naman sya eh! Nag-iisa! Walang katulad! Unique! Ano pang description?!

“Haaaay, Ethan. Peste ka talaga.” Hawak hawak ko yung picture naming dalawa. Pinadevelop ko talaga ‘to baka sakaling madevelop din sya sakin. Haha.

“Nakakainis ka. Ako nalang dapat. Ako nalaaaaang!” tapos inilapag ko nalang yung picture namin sa side table ko.

“Hoy.” Bigla namang pasok ng ate ko sa kwarto ko.

“Bakit, Ate Sarraine?” tanong ko sakanya.

“Masyado na bang malala yang lagnat mo? Nadedeliryo ka na ata eh! Rinig na rinig ko pagdadrama mo.” Sabi nya sakin.

Just A BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon