JESSICA POV
kasalukuyan akong naglalakad sa school papunta sa building ng room ko hindi ko kasi alam kung saan yung building, kasi yung section lang yung binigay sa akin ni panot.
si panot nga pala ang principal dito sa bago kong papasukang school kakatransfer ko lang kasi dito, kung itatanong nyo bat ako nag transfer wag nyo ng alamin sabi ni panot section E daw yung section ko meron pala nun akala ko kasi hanggang section D lang may E pa pala
Anyway kaganina pa ako palakad lakad dito hindi ko makita kung saan ba yung building ng section E ano ba yan nakakainis, nagugutom na ako late na rin ako sa klase ko mag 8:00am na and the class start at 7:30 am ano ba yan pinagsisisihan kona na hindi ako humingi ng mapa, section lang kasi yung binigay sa akin badtrip
ang dami ko ng nadaanan na mga building lahat maganda pinturadong pinturado, pero agaw pansin yung isang building pano ba naman kasi luma na madumi pa, puno ng basura ang labas at may mga spray paint sa ding ding.
kakaiba sya sa mga building na nakita ko kaganina, ang kalat room pa ba to?
pero wala naman na atang nagamit nyan maliban nalang sa multo mukha kasing abandonado
pero syempre kahit napapansin ko yan kaganina pa hindi ko pinupuntahan, para kasi onting tapak mo palang gigiba na eh dapat pinatangal na ito lumang luma na.
Umupo na Lang muna Ako sa may bench Dito malapit dun sa lumang building Ang init init kahit Umaga pa lang tapos nagugutom nanaman Ako kahit madami akong nakain kaganina ano ba Yan.
Nasaan ba Kasi Yung building Ng section E na iyon sana Naman may magsabi sa akin kaganina pa Ako paikot ikot dito nakakapagod kaya.
Kinuha ko muna Yung tubig ko Sa bag at ininom Yun habang umiinom may napansin akong Teacher na papalapit sa building na iyon Yung luma nagtaka Naman Ako papasok sya Dyan ipagdadasal ko nalang Yung kaluluwa nya kapag namatay sya Dyan.
Nilagay ko muna Yung tubig ko Sa bag at pinanuod Yung teacher na yon actually Hindi ko pa Makita Yung Mukha nya nakaside view Kasi eh pero pagtapak nya himala Hindi gumuho Yung building napapalakpak nalang Ako Ang galing haha akala ko talaga mamamatay ka kapag tumapak ka Dyan.
Napatingin Naman sa akin Yung teacher at pagkaharap sa akin.Muntik na akong mahimatay dahil Ang gwapo nya teacher pa ba to ilang taon na to?bakit Ang Bata Ng itsura diba may masabihan Naman Tayo na age doesn't matter kaya pwede pa Naman siguro kami diba.
Lumapit sya Dito kaya napatayo kaagad Ako at inayos Ang itsura ko ok na to.
Anong pangalan mo bakit nandito ka pa sa labas may klase ka diba.mataray na Sabi nito Nung nakalapit na sya grabe Naman sya tinarayan kaagad Ako.
Am sir hinahanap ko Po Kasi Yung building ko at room ehh Sabi ko Ng may pagka pabebe nagbago Naman Yung itsura nya at biglang ngumiti lalo tuloy syang gumagwapo hihihi pero bipolar ba sya Ang bilis magbago Ng mood ah.
Ano bang section mo.malumanay na Sabi nya bahagya akong umatras dahil baka mamaya bipolar pala tong si Sir mapagtripan pa Ako pero kung ganyan Naman kagwapo ok lang siguro hehehehehe.
Section E Po Sabi ko at nilagay Ang kapirasong buhok sa likod Ng aking Tenga Ang landi mo Jessica nasabi ko na Lang sa sarili ko pero Wala akong pakialam karapat dapat syang landiin Ang gwapo nya ehh.
Are you sure na section E ka paninigurado pa nya tumango Naman ako nakakatakot Yung Tingin nya para Kasi syang bakla eh pero Hindi Hindi sya bakla lalaki sya sa gwapo nyang Yan no.
Opo opo Sabi Yun ni panot kaganina sagot ko Sa kanya dapat Kasi mabait na Ako oo magpapakabait na talaga Ako since unang pasok ko palang sa school na ito magpapakabait muna Ako.
BINABASA MO ANG
THE ONLY GIRL IN SECTION E
Teen FictionJessica Reyes -isang babaeng palaban, palabiro at higit sa lahat barumbado,siga,at walang kinatatakutan pero paano kung mapunta sya sa Isang section na puro lalaki at sya lang Ang babae? ano kaya Ang gagawin nya
