Gabriella POV. (Point Of View)
Andito ako ngayon sa ilalim ng tulay malayo layo sa bahay namin.. kadarating ko lamang dito dahil pinatawag ako ng pinsan kong si Eka dahil kakatapos lang daw nilang kalabanin ang isa nanamang grupo na naghamon sakanila, madaming sugatan sa myembro nila pero ang sabi ng pinsan ko sila daw ang nanalo sa labanan kanina.. at dahil duon kumanta sila habang sumasayaw at nakapalibot saakin ng pabilog.. kinakanta nila ang theme song na inimbento ng grupo.
Ako si Gabriella Delos Reyes 16 anyos.. nag iisa lang akong anak ng aking ina dahil ang kwento at madalas na sumbat nya sakin ay isa lang daw akong pagkakamali nila ng ama ko na ayaw naman nyang sabihin kung sino. May kinakasama syang tomboy si Tiya Anna.. mabait naman si tiya, pero palagi nga lang silang nagbabangayan ni mama. Ewan ko, minsan naabutan ko silang sweet sa isat isa pero madalas naman ang batuhan ng pinggan at gamit sa bahay.
"Oh girls, pakilala ko nga pala sainyo ang pinsan kong si Gabriella, pero tawagin nyo nalang syang Ella." Pakilala sa'kin ng pinsan ko sa mga kagrupo niya.
"Insan, ito nga pala ang sossy girls, wag kang matakot.. mababait sila, tyaka akong bahala sayo" patuloy nyang sabi habang binabanggit isa isa ang mga kasama. Madami sila, at hindi ko na nga matandaan ang pangalan na sinabi ni Eka sa'kin. Ngumiti lang ako sakanila bilang pagbati.
Inakbayan ako ni Eka habang kumakanta nanaman sila ng sossy girls theme song, gabi nadin at naka uniporme pa ako habang umiikot kami sa kabilang baranggay.. masaya silang kasama. Nangiti nalamang ako dahil sila pa lang ang una kong magiging kasama o kaibigan nadin... siguro?
"Putang ina talaga!!" Dinig kong mura ng isang sossy na kasama namin. Napatingin na lamang ako sa kalalakihan na nasa harap na pala namin.
"Andito pala ang mga mababahong sossy girls" sabi nung isang lalaki na nakasandal sa kotse at may sigarilyo sa bibig.
"E putang ina nyo pala talaga e!! Mga gunggong!!" Sigaw ng isa pang sossy habang isa isa silang kumuha ng kahoy at bato sa paligid at pinag susugod ang lalaki.
Nakatayo lang ako sa gilid, pinapanuod sila.. nakita ko pa kung paano paluin ng lalaki ang kasama namin sa ulo at kung paano pukpukin ng bato sa ulo ng mga sossy girls ang kalaban. Natakot ako! Kaya nanatili lang akong natitig sa kanila.
Nakita ko namang tumayo ang isang lalaki na sa tantsa ko leader ng grupo ng mga lalaking ito.
"Tara na! Tara na! Mga pare! Dali sakayy!!" Sigaw nya, nung may pagkakataon makatakbo at sabay pinaharurot ang kotseng dala nila.
"Mga duwag!! Putang ina nyo!!" Habol na sigaw ng kasama namin, kung hindi ako nagkakamali ay sya si Veron.
"Mga hayop na lalaki na yon!! Mag hahanap nanaman ng babaeng bababuyin mga putang ina nila!" Galit na sabi ni Eka sabay hawak sa braho ko "tara na, insan! Wag kang matakot! Kita mo ang mga lalaki na yun, mga gago yun at pag nakita mo sila lalo pag di mo kami kasama ay layuan mo na!" Patuloy nya, kaya tumango nalang ako bilang sagot.
Di naman ininda ng ibang sossy ang iilang sugat na natamo nila kanina kaya tinuloy nila ang pagkanta habang nilalagyan ng paint spray ang pader at ibang sasakyan na madaanan na ang sulat ay isang malaking pangalan na SOSSY.
Hinayaan ko nalang sila.. at sinusunod ang mga daan na pinupuntahan. Nakita ko naman na malapit na ako sa lugar kung saan kami nakatira kaya nagpaalam na ako sa pinsan ko at sa sossy girls.
Malapit pa lang ako sa pinto ay dinig na dinig ko na ang hiyawan ni mama at ni tiya.
"Ano Anna! Ano nanaman ang dahilan mo? E putang ina iba na ata ang tinatrabaho mo e!" Dinig kong sigaw ni mama.
Pagbukas ko naman ng pinto ay naabutan ko si tiya na sumisigaw din habang dinuduro sya ni mama.
"Sira ulo kaba Gina! Kita mong hirap na hirap nko kakatrabaho para lang may maipalamon sayo!!" Sabay alis ni Tiya sa harap ni mama.
"Hoy ikaw Ella!! Bakit ginabi ka na ng uwi!? Lumalandi ka na ba ha!! Pinag aaral kita hindi para magpabuntis malandi ka! Alam mo ba kung anong oras na ha gaga ka!!" Napayuko nalang ako sa higpit ng hawak ni mama sa braso ko habang sinasabi iyon!!
"Tigilan mo na yan Gina! Ella halika na, pumasok kana sa kwarto mo." Awat ni Tiya kay mama.
"Sorry ma. Salamat po Tiya" yun nalang ang nasabi ko dahil naiiyak na ako sa nakasanayang sitwasyon namin sa bahay.
Alam kong mabait si Tiya Anna kahit ganun sya, at nagpapasalamat din ako dahil nandyan sya lagi sa tabi ni mama.
Nagbihis ako ng pantulog habang nakatitig sa nag iisang salamin na nasa gilid ng kama ko.
Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang pangyayari ngayong gabi na to! Nakakapagod! Nahiga na ako, at hinayaan ko na lang tangayin ako antok at pagod. -_-
