Chapter4

19 1 0
                                    

Reymond Veloso POV. (Point Of View)

Pasado alas-dose na ng hating gabi pero nandito padin ako sa illegal na casino sa loob ng tagong pasilyo na pinagsusugalan ko ngayon.
Buenas! Nanalo na ako. Sabi ko sa utak ko sabay hithit ng sigarilyong hawak at lapag ng baraha ko.

"Mga pare, last game ko na to! Alam nyo namang magtuturo pa ko bukas." Sabi ko sa mga kalaro ko sa mesa. Ramdam kong di maganda ang timpla nila dahil tumango lang sila bilang sagot.

Pagkatapos na huling balasa ay tumayo na ako, at inilagay ang perang napanaluhan sa bulsa ko.

Nangingiti akong lumabas ng kwartong iyon at inilabas ang pera para bilangin, pero di ko pa nauumipasahan ay nagulat nalang ako ng may biglang pumalo sa likod ko. Sa lakas ng pagkakapalo ay napaluhod nalang ako, antimano namang sinugod ako ng tatlo pang mga lalaki at pinagbubugbog ako, ang isa naman ay kinuha ang perang napanalunan ko at saka lang nila ako tinigilan.

Bwisit! Buenas na minalas na!! Inis na sabi ko sa sarili ko. Nanghihina naman akong umalalay sa pader ng iskinitang kinatatayuan ko at naglakad papunta sa kotse ko.. bubuksan ko na sana ito ng may napansin akong pulang pintura na nakasulat sa kaliwang parte nito.

"Putang ina! Bwsit!!!" Malutong na mura ko at pinagsisipa ang kotse at inis na pumasok sa loob.

Pagpasok ko sa bahay ay patay na ang lahat ng ilaw. Kaya dumiretso na ako sa kwarto pagkatapos linisin ang pasa at sugat sa mukha at katawan ko, tinabihan ko ang asawa ko sabay yakap at halik sa balikat nito.

Pag-gising ko ng umaga ay may pagkain na sa mesa na handa ng asawa ko.

"Morning Hon, kain na tayo." Sabi ko kay Cecillia ang asawa ko.

"Bakit may pasa ka Reymond?" Nagtatakang tanong nya sabay upo at kuha ng pagkain.

"Ah, wala ito. Wag mong pansinin. Kumain ka ng madami at uminom ka ng gamot. Maaga akong magkaklase ngayon." Sabi ko sakanya at kumain ng mabilis.

"Aalis kana agad?" Tanong nya nung naramdaman na tatayo na ako.

"Oo hon e, kailangan kong magtrabaho ng maayos para may pang bili tayo ng mga gamot mo. Sige na alis na ko. Yung bilin ko ha?" Mahaba ko pang sabi sknya sabay halik sa noo nito.

Nakarating na ako sa eskwelahan kung saan ako nagtuturo, isa lang itong public highschool at aaminin kong puro gago at barumbado talaga ang mga estudyante dito.

Pagka-park ko pa lang ng sasakyan ko ay pinag-uusapan na ito kaya't hindi ko nalang sila pinansin.

"Morning Class!" Sabi ko sa mga estudyanteng tinuturuan ko, at nagcheck ng attendance.

"Wala pa pala si Miss Delos Reyes. Okay magsisimula na ako." Pahayag ko sa mga bata kahit alam kong ang iba ay wala namang pakealam kung nagsasalita ako sa harap.

Nakita ko namang nagmamadali at nakayukong pumasok si Gabriella at umupo saknyang silya pero hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita. Mailap si Gabeiella sa mga kaklse at iba pang estudyante, wala din akong nakikitang kaibigan nito. Minsan nga nakakaramdaman nalang ako ng awa sa dalagita dahil lagi itong nakayuko at parang hiyang hiya sa sarili kahit wala naman dapat na ikahiya. Maganda si Ella, maputi at makinis, halatang hindi sya galing sa marangyang pamilya pero maganda ang hubog ng mukha at katawan nito na parang dalaga na talagang tingnan kahit 16 anyos palang ito kung hindi ako nagkakamali.

Napukaw lang atensyon ko ng may marinig akong malakas na tawanan ng mga lalaki sa gawi ni Ella, kaya mabilis ko silang sinway.

Nalaman ko namang tinutukso nanaman sya ng mga kaklase kaya agad akong lumapit sa kanya dahil nakikita kong naiiyak na ito. Hinamas ko lang ang likod ni Ella para pakalmahin at nagturo na ulit.

Mabilis ang oras kaya maagang natapos ang klase. Kanya-kanyang labasan ang mga estudyante ko na nagsisigawan at nag-aayaan pang gumimik at tumambay. Napailing nalang ako sa mga ito.

Napansin ko din wala na agad si Ella sa silyang inuupuan nya. Agad naman ako nanghinayang, gusto ko sanang kausapin ito tungkol sa problema nya pero halatang nagmamadali naman syang umuwi ng bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi ko ginustoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon