Chapter3

16 0 0
                                    

Kinaumagahan, pagka-gising na pagka-gising ko palang ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ay napagdisisyunan kong magluto ng agahan namin, dahil maaga naman ako nagising at tantya kong hindi pa ako male-late sa klase ko.

Pagpunta ko sa kusina ay dinig kong may nakabukas ang tubig. Naliligo ata si mama sa isip-isip ko.

Naghuhugas ako ng bigas nang marinig ko ang sigaw nanaman ni mama.

"Anna! Anna! Halika nga dito sa banyo! Hiluran mo muna ko! Dalian mo!" Sabay silip nya sa pintuan.

Sumunod agad si Tiya sakanya, kaya pinagsawalang bahala ko nalang at pinag patuloy ang pagsasaing at pagluluto ko ng ginisang sardinas.

Binuksan ko ang takip ng kaldero at tiningnan kung luto na ang kanin. Sawakas! Luto na. Masayang sabi ko sa isip ko.

Kakatukin ko na sana sila mama at Tiya sa banyo para anyayahan kumain pero tagilan ako nung nakita ko sila sa kaunting awang ng pintuin.

Naghahalikan sila, at kitang kita ko din na bumababa na ang halik ni Tiya sa dibdib ni mama at ang kamay nyang napupunta na sa hita nito.

Natigilan ako sa nakita ko. Alam kong hindi ko naman dapat masaksihan ang mga ganun pangyayari lalo na't magulang ko ang nasa ganung siywasyon pero hindi ko naman sinasadya.

Dali-dali ako nagpunta sa kwarto at umupo sa kama ko. Nag-isip lang ako saglit at napa buntong hininga nalang.

Wala na 'kong gana.. Nawalan na ako ng gana. Tumayo ako para magsuot ng uniporme at maghanda para makapasok na sa eskwela.

Naglalakad ako papunta sa classroom ko, at iniinda ang bawat pagsunod ng tingin ng mga estudyanteng di ko naman kilala. Naririnig kong nabubulungan ang iba sakanila at yung karamihan naman ay iisa lang ang pinag-uusapan.

"Andyan na si Sir!"

"Oo nga!! Pero bakit ganun yung kotse nya napansin nyo ba? May nakapintang SOSSY?"

"Aba! Malay ko."

Dinig ko din sa isang grupo na nag-uusap usap sa baba ng hagdan. Hindi ko naman alam ang mga pinag ttsismisan nila kaya patuloy lang nagalalakad habang yakap ang iilang libro ng dalawa kong kamay.

"Gabriellla!"

Nagulat naman ako sa pagtawag ng pangalan ko ni Jeff, kaya nalaglag ang mga hawak kong libro.

"Ano ba Jeff! Bakit kaba nang gugulat ha?!" Mahina pero inis kong tanong sa'kanya.

"Kamusta kana Ella? Hindi mo ba ko namiss ha?" Tanong nya, sabag hapit sa bewang ko.

"Bitawan mo nga ako Jeff! Papasok na ko!" Tinanggal ko hawak nya sa bewang ko at binilasan ang lakad.

Hays! Ang malas nga naman ng araw ko! Bulong ko sa sarili.

Pagpasok sa room namin ay natuturo na Sir. Umupo nalang ako para hindi ko na sya maistorbo sa pagtuturo.

Napalingon ako sa katabi ko nung nakita kong may inabot sya sakin na papel. Nagtaka naman ako kung ano ito, kaya tingnan ko agad.

Pagbuklat ko ng papel ay sabay sabay na nagtawanan ang mga kaklase kong lalaki sa kaliwa ko.

"Hahahahahhahaha!"

"Ano Gabriella? Nagustuhan mo ba? Ganyan siguro ang itsura ng mama mo at ng tomboy nya."

Sabi pa ng isa kong kaklase na ikinatawa ulit ng lahat.

Hindi ko ginustoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon