Chapter 25: I like her

41 3 0
                                    

LANCE's POV

Kagabi pa ako nag -iisip kung paano ako magtatapat ng nararamdaman ko para kay Paris.Halos di na nga ako nakatulog ng maayos eh.Kaya naisipan kung magpatulong kay Ainy close kasi sila ni Paris.
"Ainy pwedeng magpatulong?"-sambit ko.
"Sure!Ano bang tulong ang kailangan mo? -tanong niya.
"May babae kasi akong nagugustuhan kaso diko alam kung paano sasabihin sa kanya. Idagdag mo pa ang pagkatorpe ko. "-paliwanag ko.
"Magpakatotoo kalang sa sarili mo at sabihin mo lahat ng nararamdaman mo para sa kanya "-Ainy(Larriene )
"Teka sino ba siya? "
"Si Pa--"
"Hey!andito lang pala kayong dalawa kanina ko pa kayo hinahanap "-Paris.
"Bakit?"-sabay naming tanong ni Ainy.
"Diba matagal ko na kayong friends at kayo ang una kong na meet nong lumipat ako. I want both of you to meet may special someone "-Paris.
Bigla nalang ako natulala dahil sa nalaman ko. Impossibleng magkaroon siya ng boyfriend kasi kung mayron man alam na ng lahat iyon. No Lance! baka naman mother, father or kuya or ate or kapatid o baka naman pinsan niya lang ang tinutukoy niyang
'Special someone ' niya. Maraming namamatay sa maling akala.
"Hoy! Kanina kapa tulala Lance. Anyari sa'yo? "-Ainy.
"Wala. Paris asan na pala yong special someone mo? "-tanong ko.
"Sabi niya hintayin nalang natin siya sa pinakamalapit na coffee shop sa airport "-Paris.
"Ano bang pangalan niya?"-Ainy.
"Secret. Tara na! "-hinila niya kaming dalawa at sumakay ng taxi. Pagdating namin sa coffee shop bigla akong kinabahan parang may mangyayaring kakaiba.

LARRIENE 's POV

Kanina ko pa napapansin si Lance na nakatulala. May problema kaya siya?.Lumabas muna si Paris dahil may tumawag sa kanya.

"Pardz may problema ka ba? Kanina ko pa kasi napapansin na natutulala ka diyan. "
"May iniisip lang "-Lance.
"Anong iniisip mo? "-napabuntong hininga muna siya bago sumagot.
"Feeling ko kasi yong taong mahal ko may iba ng mahal "-paliwanag niya.
"'Yan tayo eh mahilig sa akala. Dapat alamin mo muna bagi ka mag-isip ng kung ano -anong konklusyon "
"Ewan nababaliw na ako kakaisip. Pano kung mayron nga? "-Lance.
"Paano kung wala?...Sino ba siya? "-tanong ko.
"Si Paris "-Lance.
"Why? "-Paris
"What! O_o"
"Gusto kita Paris unang beses palang kitang nakita I know that you're the one for me "-Lance.
"Hindi pwede!"-sambit ko.
"At bakit? "-Lance
"Kasi I like her "
"I like you too. Kaya nga closefriend tayo "-Paris.
"Hindi mo ako naiintindihan eh. I like you more than just a friend "
"Wow! Pardz naman bakit siya pa ha!.Hindi kayo bagay! "-Lance.
"Guiys!! "-Paris.
"Dahil babae ako hindi na kami bagay. Anong magagawa ko kung siya ang mahal ko. "
"Hey guiys!!-Paris
"Aaaaah!!! Bakit ba ganito ang nangyayari?!. Hindi ka pwedeng maging lesbian! At ako ang naunang nag -confess eh. "-Lance.
"Ano ito first come first serve.. kapal mo"
"Ano ba!!"-sigaw ni Paris.
"Bakit? "-sabay naming litanya ni Lance.
"I want you to meet my boyfriend, France "-Paris.
"What?!"-sabay naming sambit dahil sa narinig namin.
"Kung pwede lang wag niyo na akong pag -awayan dahil may nag mamay-ari na ng puso ko . Kayong dalawa ay tinuturing ko lang bilang kaibigan no more no less "-Paris.
"Hindi pa nga ako nanliligaw basted na agad kami "-Lance.
"Friendzone"-sambit ko.
"Hmmm..wala magbre -break din lang kayo.. aray ko naman "-binatukan ko kasi siya.
"Ang totoo kasi niyan ...kaya ko kayo pinasama hindi dahil para makilala lang siya. Gusto ko kayo ang unang makaalam na engage na kami "-naka -ngiti na sambit ni Paris. Bigla namang bumusangot si Lance.
"Nice meeting you France. Pagpasensiyahan mo na kaming dalawa kung na -inlove kami sa fiancé mo"-sambit ko.
"Ok lang kasi napansin na ni Paris na may gusto kayo sa kanya, kaya napagdesisyonan namin na sabihin na sa inyong dalawa.Para di na kayo umasa."-France.
"Salamat! Nga pala bagay kayo lalo na ang name niyo France, Paris.Congratulation din "
"Salamat"-Paris.
"Halika na "-hinawakan ako ni Lance sa wrist.
"Saan tayo pupunta? "-pagtataka ko.
"Magluluksa"-at yon hinila nalang niya ako ng basta basta. Di tuloy kami nakapagpaalam ng maayos.

When we fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon