Chapter 10:Feeling Close

67 8 1
                                    

      SOREN's POV

"Dairel wag mo akong iwan ano ba naman sabay tayong pupunta kay Lola Myra diba?!"

"Sinong may sabi?! "-Pagtataray ni Dairel.

"Diba kaya mo ako hinila kanina?"

"Wala akong sinabi sayo"
ah wala pala.Hinila ko siya sa may wrist niya.

"Bitiwan mo nga ako kung ayaw mong masaktan"

"Hindi hanggat hindi mo sinasabing sasama ako sayo pauwi"-sambit ko.

"Soren wag ka ngang maging isip bata.. just let go of my wrist or else I will punch you hard "-pagbabanta niya.

"Kahit bugbugin mo ako hindi kita bibitawan mark my words"

"Ah ganon! (Boogsh)"

"Aray bakit mo ako sinuntok?!"

"May pa mark my words ka pa diyan bibitaw ka rin pala"

"Naman! kaya gusto kung sumama sayo dahil panigurado hindi ako mahahanap don"

"Sinong maghahanap sayo? ano gagawin mong taguan ang bahay ni lola?"

"Eh bakit hindi alam ng mga kaibigan mo kung sino si lola Myra? "

"Ako ang unang nagtanong "-dahil wala na akong masabi tinitigan ko nalang siya...

"Oo na sumama kana magpaliwanag ka pag- uwi"

"Salamat "

   DAIREL's POV

"Lola My may BWESITA ka po"

"Sino?"-sabi ni Lola na kalalabas lang sa kusina

"Ako po Lola Myra"-ngiting ngiti niyang sambit.

"Oh Soren bakit ka napadalaw?"

"Lola pwede po bang humingi ng pabor? "

"Basta ba kaya ko"

"Pwede po bang makitulog dito please maawa na kayo!!"

"Isip bata"-sambit ko.

"Oh sige pero anong dahilan kung mayroon ka namang mauuwian?"

"La sa sala na kayo mag- usap "

nagpunta naman kami sa sala.

"Excuse me sisingit lang nabanggit niya po kasi na di siya hahanapin dito"-sambit ko.

"Naglayas kaba?"

"Hindi naman po sa naglayas isa pa pareho naman silang wala yong pinsan ko lang at mga katulong ang nasa bahay, wala silang pakialam kung wala ako sa bahay.At matagal na pong hiwalay ang parents ko daddy ko lang ang kasama ko pero lagi namang wala at busy kinakamusta rin ako minsan ni mommy ko"-paliwanag niya.

"Kayong mga kabataan mabilis magtampo...magkatulad kayo ni Dairel may problema din sa bahay"

"Lola My!"

"Hindi pa ba niya alam ?sige wala na akong sasabihin...samahan mo nalang siya sa kwarto mo dalawa ang kama roon ayusin niyo nalang malalaki na kayo alam niyo na ang mga limitasyon niyo"

"Lola My naman! "

"Nagpapaalala lang"-Lola Myra.

"Halika na sa taas"-agad naman siyang sumunod.

"Ok diyan sa right ang kama ko diyan ka sa left maliwanag?"

"Oo salamat :)"-dalawa nga ang kama half meter lang naman ang pagitan.

"Wag ka nga ngumiti kinikilabutan ako sayo"

"Naks napopogihan ka sa akin noh"-mas ngumiti pa siya na pansin ko may dimple pala siya.

"Neknek mo!"

"Pakipot ka Pa"

"Kapag di mo ako tinigilan sasabihin ko sa tatay mo na dito ka nagtatago"

"No please wag mong gagawin "-nagmamakaawa niyang sambit.

"Mas kinikilabutan ako sa itsura mo Oo diko na sasabihin"

"Promise? "-Soren.

"Basta dika gagawa ng kalukuhan"

"Pangako"

"Gawin mo.Kasi wala akong  tiwala sa salita mo"-tumango nalang siya.

"Soren!Dairel bumaba na kayo at kakain na"-Lola My.

"Tara na maya nalang natin ayusin yan"-bumaba na kami para kumain.

Habang kumakain kami nagkukwentuhan sila mayaman sila halata naman at nag-iisang anak siya hiwalay ang parents niya at iba.Pagkatapos naming kumain nagligpit na ako.

"Tulungan na kita"-Soren.

"Pakidala na lang yan sa lababo"-ano kaya nakain nito.At nong sisimulan ko nang sabunin yong baso

"Pwedeng tumulong maghugas"-Soren

"Wag na, di ito gawain ng mga gaya mo baka di ka pa nga marunong"-nagpatuloy na ako sa ginagawa ko.

"But I can learn"-sabi niya.

"Sige na! ang kulit mo sabunin mo muna yang baso sunod kutsara at tinidor at isunod mo yang mga Plato ako na bahalang mag banlaw"-nakangiti siya habang nagsasabon ng mga baso.

"Ano ngini- ngiti mo diyan? "

"Nakakatuwa palang maghugas"-Soren ^_^

"Ignorante lang ang peg palibhasa mayaman"

"Alam mo mabait ka naman pero hirap kang magtiwala "

"Pano ba naman maraming di katiwa- tiwala"

Pagkatapos naming maghugas sabay na kaming umakyat at nahiga sa kaniya kaniya naming kama.Ipinikit ko na ang mga mata ko nang Bigla akong kalabitin ni Soren

"Bakit?! "

"Kwento ka naman "

"Inaantok na ako pwede ba "

"Ay sorry sige good night sana mapanaginipan mo ako hehehe"

"Baka nga bangungutin pa ako"

"Ang sama mo"

"Mas masama ka itulog muna"

"Salamat ulit"

"Oo na"

Hinintay ko kung may sasabihin pa siya at mukhang wala na..Hay ang daldal niya ano akala niya friends na kami tsk tsk sana di ako bangungutin.

When we fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon