Chapter 20: Dairel and Soren's Clash

24 4 0
                                    

             SOREN's POV

"Tumabi ka nga diyan! ha-harang-harang kasi! "-tinulak ko yong babaeng nakaharang sa daanan ko.

"Ano tinitingin -tingin niyo?! Gusto niyong masaktan!? "-pinakita ko ang kamao ko.

"Hey bro! Anong problema mo?"-Jeron.

"Wala!"

"Anong wala ha? nanulak ka ng babae tapos lahat ng nakatingin sa'yo tinatakot mo "-Lance.

"So what!? "

"Nagbago kana! Anong nangyari sa Soren na charming at makulit? "-Jeron.

"Hindi ako nagbago bumalik lang ako sa dating ako!! Tumabi ka diyan! "-binangga ko siya tsaka umalis.

       LANCE's POV

"Gago yon ah! akala mo kung sino. Kamakailan lang para siyang maamong kuting  ngayon isang mabangis na Leon "-inis na sambit ni Jeron.

"Alam mo namang hambog siya at siraulo. Panoorin na lang natin ang gagawin ng Leon gaya ng dati KILLER BREAKERS "-

"Yeah! "-sambit namin at nag high five.

"Manunuod lang tayo ok. Ayaw ko munang masangkot sa gulo "-sambit ko.

"Areglado.Lalo naman ako "-Jeron.

      DAIREL's POV

Kakarinig ko lang ng news na nagbabalik na daw ang Killer Breakers. Kanino ko nalaman? Kay Lance at Jeron. Sinabihan nga nila  ako na mag-iingat kay Soren. Sige gusto niyang ibalik yong dating pakikitungo niya sa lahat fine.

"Hoy alis diyan! "-ma-awtoridad niyang sambit nakaagaw tuloy siya ng pansin ng ibang students na nandito.
Speaking of the devil. Nasa cafeteria kami ngayon.

"Ako nauna dito humanap ka ng pwesto mo "-nagsimula na akong sumubo ng pagkain ko.

"Ang sabi ko umalis ka diyan! "-hinampas niya ang mesa ko ng malakas.

"Nako may langaw sa tabi ko nakakawalang gana tuloy "-tumayo na ako at naghahandang umalis.

"Dami pang sinasabi aalis din pala"-Soren.

"By the way ikaw na maglinis ng kalat ko "-ibinuhos ko yong spaghetti sa mesa tsaka umalis.

Dumiretso nalang ako sa room buti nalang wala kaming first class sa afternoon makakapagpahinga pa ako in short makakatulog.

"Hoy ikaw gawan mo ako ng assignment! "-sino pa nga ba di si Soren.

"Bakit ako ang gagawa? Eh assignment mo yan.Hindi mo ba ginawa?"-sagot nong lalaking classmate namin diko makita kung sino siya nakasubsob kasi ang mukha ko sa armchair.

"Tanga kaba?! Sa tingin mo ipapagawa ko sa'yo ang assignment ko kung nagawa ko!"-sigaw niya. Kamag-anak niya pala si Juan Tamad eh.

"Sorry "

"Anong Sorry gagawin mo ba o babanatan kita! "-pagbabanta niya.

"Dimo ako utusan gawin mo mag -isa yang assignment mo "-matapang niyang sagot. Kasunod nito ay ang pagkatumba ng upuan at may bumagsak na tao sa sahig. Dahil doon napa-angat ang ulo ko at tsaka ako tumayo. Hindi na ako nagulat sa nakita ko, yong lalaking kausap ni Soren nakasalampak na sa sahig at nagdurugo ang labi.Nilapitan ko yong lalaki at inabutan ng panyo.

"S-salamat "-sambit niya.

"Your welcome ^_^!"-nakangiti kung sambit.

"Hoy babaeng pakialamera umalis ka nga diyan kita mong nag -uusap pa kami! "-Soren.

"Pwede ba tigilan mo na siya. Assignment mo yan ikaw ang gumawa wag kang tamad! "-naiirita kung sambit.

"Eh di ikaw nalang ang gumawa total pakialamera ka na rin lang dapat mapakinabangan "-Soren.

"Hambog ka diko gagawin yan! Napakalaki mong tamad! "

"Lumuhod ka sa harapan ko at humingi ng tawad "-Soren.

"Hindi ako ang nagkamali kaya hindi ako magso-sorry manigas ka diyan hambog! "

"Gusto mo talagang masaktan ano?! "-Soren.

"Bakla lang ang nananakit ng babae!"
*BOOGSH!*

Yong kaninang maingay na mga studyante ay natahimik dahil sa pagkabigla.Pati nga ako nabigla.

"Dairel ayos ka lang? "-tanong ni Jeron na lumapit sa akin at inaalalayan akong tumayo. Dahil sa suntok niya napasalampak ako sa sahig at nagdurugo yong gilid ng labi ko SOLID!

"Ok lang ako "-sinenyasan ko siyang gumilid muna at pinunasan ang labi ko gamit ang braso ko.

"Nasisiraan ka na ba babae ang sinuntok mo! "-panenermon ni Lance.

"Wala akong pakialam!! "-sigaw niya kay Lance at tinulak para makalapit siya sa akin.

"Hindi ako bakla ngayon mag sorry kana! "-utos niya.

Imbis na sumunod sa sinabi niya sinuntok ko siya ng mabilis--dalawang beses ko siyang sinuntok magkabilang panga ang pinunterya ko.Kinuwelyuhan ko siya at isinandal sa pader.

"Matapang ka"-ngumisi siya at itinulak ako sa may mga upuan saktong natumba sa binti ko yong isang upuan.

"Aaaaah!"-napasigaw ako sa sakit .

"What's happening here!?"-agad na tanong ng adviser namin nong pumasok siya sa room at nang  makita niya ang kalagayan ko nasagot narin ang tanong niya.Dahil wala ang mga bestfriends ko don sina Lance at Jeron ang nagdala sa akin sa clinic.Pero umalis din kaagad si Lance pagkakuha ng dalawang ice pack kaya si Jeron ang naiwan.

When we fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon