Prologue

33 7 7
                                    

???
???

"No! that can't be!"

Biglang pagpatak ng mga luha sa pisngi ang aking naramdaman. Halos di ako makahinga sa bawat hagulgol na di ko mapigilan kahit gusto ko mang tumahan.

Rinig ko rin ang kulob at nakita ko ang makulimlim na kalangitan habang tinatakpan nito ang araw.

Habang umiiyak, tiningnan ko ang paligid at nakita ko ang mga taong nakasuot ng itim habang ako lang ang nakaputi... meron pa pala, isang babaeng yumayakap sakin.

Isang importanteng tao na bigong pigilan ang pag iyak habang kagat ang labi. Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa aking pisngi at rinig rin ang hagisgis ng yumayakap sakin.

"Tahan na, magiging ok din ang lahat."

Pagtahan at mas mahigpit na yakap ang ginawa nya sakin.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan, isang kalungkutan hangang kalangitan.

Napapikit ako sa subrang lungkot ngunit biglang lumiwanag ang kapaligiran, hiniling ng puso na makaalis sa lugar ng kalungkutan nang biglang napunta ako sa isang lugar na di ko alam ngunit nadama ko ang labis na saya.

  Makikita ang maliwanag na araw at preskong hangin na pinapasayaw ang malawak na berding damuhan.

Tumatakbo ako habang hawak ang isang kamay na di ko makilala kong kanino.

"Slow down, Alice" Sabi sakin nitong lalaking bata.

Tumigil ako at napansin ang ingay sa pag langhap ng hangin sa subrang pagka-hingal naming dalawa.

Bawat hampas ng hangin ay napipilitan akong ayusin ang buhok kong napupunta sa aking pisngi, pati narin ang dress kong tinatangay ng hangin.

"Alice... Ha.. Ha.. Here.." Inabot sakin ng batang lalaki ang isang bulaklak, pero di ko makita nang klaro kung ano ito.

Napangiti na lamang ako at tinanggap ang regalo.

"Alice, promise me... We will be married." Sabay abot ng daliri nito sakin.

"Oumm..." Ngumiti at tumango nalang ako sabay pinky swear naming dalawa.

Ayaw kong umalis rito, sa lugar ng kaligayahan. Ngunit isang malakas na hampas ng hangin ang dumaan saamin at napapikit nalang ako, kasabay ang pag galaw ng dress at pag gulo ng buhok.

Nang nawala na ang hangin ay binuksan ko ang aking mata at nagulat sa pagbabago ng lugar.

Sa madilim na kwarto kung saan ramdam mo ang mga kamay na mahigpit ang kapit sakin at mga matang nakakahindik at puno ng pagka ingit.

Sa pinto ay nakita ko ang papa kong umaalis at nagmamadali, hinabol ko ito ngunit di ko sya maabot dahil sa liit ng katawan ko bilang bata.

"Papa!! PAPA!" Sigaw ko sa kanya, ngunit naglaho nalang sya at iniwan ako. Bigla nalang nabalot ng itim ang lahat at nawalan ako ng malay.

𝙰𝚕𝚒𝚌𝚎'𝚜 𝙷𝚘𝚖𝚎
𝙹𝚞𝚗𝚎 22 - 𝚂𝚞𝚗𝚍𝚊𝚢

Alice's POV:

"Arghhh..." Sabay takip ng mata sa silaw ng liwanag.
"Yun nanaman, bat madalas ko nang nakikita yun."

Bumangon ako sa kama ko at nakita ang nakakasilaw na araw galing sa bintana ng aking kwarto.

Napansin ko rin ang basang unan sa kakaiyak ko dahil sa panaginip na di ko naman maintindihan. Siguro past life ko yun, or karma? Di ko na alam, ang weird lang dahil sa napaka realistic ng panaginip, parang nangyari lang to kahapon.

The Forgotten Aster On A Summer Field.Where stories live. Discover now