Chapter 2

11 7 7
                                    

𝙷𝚊𝚠𝚔𝚒𝚗𝚜 𝙽𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚊𝚕 𝙷𝚒𝚐𝚑 𝚂𝚌𝚑𝚘𝚘𝚕

𝙹𝚞𝚗𝚎 23

Third Person POV:

Nang naka decide na ang tatlo na si Alice ang magiging bayani nila, naghintay sila sa isang upuan malapit sa gate.

"Ok lang yan, Kaya mo yan, nasa likod mo lang kami." Sabay tapik ni Alliyah sa likod ni Alice.

"Antagal naman, bukas nalang kaya." Palusot ni Alice ngunit pwersahang pinaupo ulit ito ni Alliyah.

"Kailangan nating gawin to, para sa future natin. Ayaw mo bang maging close kina Kai at Arjay."

"Hehehe~" Sabay ngiti ng dalawa habang nagiging madumi na ang pinaguusapan. Di nalang nakialam si Patricia at pinabayaan ang mga ito.

"Imaginin mo yung, 'Alice hawakan mo abs ko' tapos pwersahan kang hihilahin tapos--" Napatigil sila ng kwento nang may biglang dumaan sa harap nila, may hawak na Dutch Milk habang merong pagkadismaya at pagkadiri sa mga mata, rinig ang lahat, at wala manlang magawa ang dalawa kundi tumahimik at mamatay sa kahihiyan.

Napatakip nalang ng mukha ang dalawa sa hiya at di nalang sila gumalaw kahit kunti. Ang tanging laman ng isip ay mamatay at pagkasisi.

Nakita naman ito ni Patricia at napahingang malalim. Tumayo ito at pinuntahan ang binata.

"Uhmmm... Jonathan?"

*Gasp

Bat sya pa? Sabay na naisip ng dalawa at hinigpitan pa ang takip sa mukha

"Hmmm...?" Lumingot ang binata hawak ang isang Dutch Milk na iniinom nito.

Humingang malalim si Patricia at nilakasan ang boses nito.

"May sasabihin pala sayo si Alice." Tinuro nito si Alice sabay ngiti nito sa binata.

"Ehhh?!!" Narinig ito ni Alice at napalingon sa dalawa. Kitang kita ang pagkahiya nito sa mukha.

Narinig rin ito ni Alliyah na nakaupo parin at nakatakip ang mukha sa kakaisip ng nangyari. Nabalin ang tingin ng lahat kay Alice habang ramdam ang bigat ng hangin sa paligid. Pagkatapos ng sandali ay nagpasya si Jonathan na umalis.

*Gulp*

"A-Ano pala," Napalunok ng malalim si Alice. Nabangin ulit ang tingin ng binata sa kanya at naghintay ulit, habang ang mga mata ay nakatitig sa nga mata ni Alice.

"Magpapatu-"

"Ok"

Nabalot ng katahimikan ang lugar. Dahil rito ay umalis na ang binata at iniwan agad ang mga dalaga na nagtaka sa nangyari.

"Natatae ba sya?" Tanong ni Alliyah na naka recover sa pagka stroke sa subrang kahihiyan.

"Baka, yata?" Sigunduhan nito ni Patricia.

Inisip parin ng tatlo kung bakit nagmamadali ang binata sa pagalis at malayo sa kanilang expectation base sa na imagine nila.

*Gasp

"DI KAYA-!!"

"Ano bess?" Tanong ni Alliyah kay Alice.

"NEREREGLA SYA!?"

*Gasp

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Alice at iniisip na baka posible ito. Naupo ulit sila sa isang bilog na lamesa sa garden ng section nila at nagisip.

"Guys, baka ito na ang ibedensya na hinahanap natin." Masinsinang sambit ni Alliyah sa dalawang kasama.

"Matagal ng mysterio kung nireregla ba ang lalaki o hindi, pero ito nayun, ito na hinahanap natin."

The Forgotten Aster On A Summer Field.Where stories live. Discover now