3 years.
36 months.
1095 days.
65700 hours.Time flies so fast that I didn't see this coming. Parang dati lang, wala pa ako sa fandom na ito ha? Parang dati, isa lang akong normal na babaeng humahanga sa ibang kpop groups. Yung tipong SNSD, 2ne1, Beast at Infinite palang yung pinahahalagahan ko pero tignan mo nga naman ngayon, hindi ko aakalaing mapaparito ako at umiiyak sa lahat ng nangyari.
Naalala ko pa dati, nung una kong makita yung mv ng Wolf, nilait ko sila. Sabi ko pa nga yata, "Ano ba yan. Ang pangit ng concept nito." Haha. Tapos nonstop talaga yung pagkainis ko sa kanila kasi nakita ko pa si Kai na napangitan ako sa unang tingin pa lang. Hayup talaga ako kung manlait hahahaha. Sinama ko pa nga dun sina Kris, Baekhyun, at Kyungsoo na animo'y mga monggoloid. Lintek, natatawa na lang ako sa mga salitang nahusga ko sa kanila. Minsan pa nga eh, nagtataka ako dahil bakit mas sumisikat na sila kesa sa minamahal kong Infinite? Tanong ko pa eh, "Bakit mas sikat sila eh mas di hamak na mas magaling naman ang Infinite kesa sa kanila?" Oo, napakalaitera ko talaga dati dahil ayokong naapakan ng kahit sino ang bias ko. Ewan ko ba pero siguro dahil na rin sa pagka-immature. Bata pa kasi ako nun at ang tanging alam ko lang ay gwapo sila pero I haven't realized those times na dapat pala hindi lang sa appearance tumitingin kundi sa talents and personalities din.
Then this event happened, dito talaga nagbago buhay ko. Ng ireprisenta ng kaklase ko ang mv ng Growl. At first, I was shocked because of these 12 handsome dorks that were dancing in the screen. Hayup! Magaling! Dalubhasa! Excellente! Hindi ko yata mabilang yung mga magagandang salitang nabitawan ko ng mapanuod ko yun. Langya talaga ng EXO, hayup! Halos pagkauwi ko non, pinanuod ko na lahat ng mv's nila. Mula sa MAMA hanggang sa Growl. Napanganga ako! Walastik! Tinamaan agad ako ng guilt! Ano ako ngayon? Nasan na ang mga salitang sinabi kong "Ang pangit nila"? Nasan na? Ayun. Nakain ko bigla. Lahat ng panglalait, lahat ng hatreds ko sa kanila nawala ng dahil lang dun sa mv na yun. Nagtaka ako. Bakit?? Ganito rin naman kagaling sumayaw ang Beast at Infinite ah? Pero bakit nung mapanuod ko yun, nawala yung feels ko sa Infinite at Beast? Bakit parang nainlab ako sa bawat pitik ng kanilang katawan? Nakakatawang isipin dahil kinukutya ko sila tas yun pala, mahuhulog rin ako sa kanilang kamandag. Yuck! Parang wattpad lang, from hate to love ang peg? The more you hate, the more you love? Hahaha siguro nga, tama nga yun. Kasi tignan mo ngayon, ako etong naglalaway at patay na patay sa kanila kahit na wala pa silang ginagawa. Letche hahaha.
Spazz. Kilig. Tili. Spazz. Kilig. Tili. Yan ang mga ginawa ko sa halos isang taon at kalahati. Bandang August ng 2013 ako naging fan ng EXO. Would you believe it? The antifan became their fan too. How ironic. Gayunpaman, hindi ko kailanman pinagsisihan na pumasok ako dito. It's like a trap but the exciting part is, i am happy. I am happy to be here. I am happy to be here in this maze wherein there's no any exit sign. Well, kahit ano naman kasing gawin kong paglabas sa fandom na ito, hindi pa rin ako pinakakawalan. Like I was being caved like a bird And EXO's taking care of me. :-))))))) oyy molondiiii hehehehe.
We have experienced hard times, those times that we weren't able to stand up on our own. Yung tipong umiyak ako/tayong lahat dahil akala natin magiging road to forever na ang OT12 pero hindi pala? Kasi umalis si Kris. Hirap palang tanggapin noh? Akala ko kasi dati kyeme lang mawalan ng member sa isang group pero nung maranasan ko yung sa EXO? Tangina kinain ko nanaman mga salita ko. Halos isang linggo akong nagmukmok ng dahil kay Kris hayup na baba yan. :-((((( Mas malala pa yata yung nangyari sa puso ko kesa sa babaeng nawalan ng boyfriend. Todo hinagpis ako na tipong nagpatugtog ako ng mga sad songs ng EXO. Memories nila. Lahat. Ginawa ko para maibuhos lahat ng luha ko ng sa ganun ay mapagod na ako sa kakaiyak.
Kaso pala di pa pala tapos yun... Akala ko road to forever ulit kahit na ot11 na lang eh pero hindi pa rin pala. Putangina. Double kill kingina! Si Luhan naman ngayon. Hayop! Wala na akong masabi non sa SMent kundi mga gago sila. Gago sila kasi bakit nila tinatrato ng ganun sina Kris at Luhan. Na gago sila kasi putangina nila sagad. Then a realization hit me, bakit ko sinisisi lahat sa SMent? Pinili nilang dalawa yun and I should respect their decision. At heto naman ako, tinanggap na naman ang walangyang katotohanan. Yes, I did try to escape this fandom bc it was too much to bear. It was suffocating and it wasn't healthy for me. Pero ano nga ba sabi ko kanina? I was trapped. Trapped by the members left. It was like they were blocking my way and begging me to stay on their side. Tinignan ko sila at halos manlambot ang mga pira-piraso kong puso. Hindi na bubog, kundi monay na eh dahil sa mga mukha nilang stressed na din. Nung mapanuod ko yung last concert ni Luhan, naiyak na din ako. I wasn't brave enough. I wanted to say sorry to EXO kasi feeling ko napakawalang kwenta ko. Kasi feeling ko wala akong magawa para mabalik ang dati.
And therefore, naghiatus ako. I focused on my studies and it turned out well. Hindi man ako ganun ka-updated sa EXO, at least alam ko kahit papano yung mga nangyayari sa kanila and I am happy. Sorry if I'm selfish that I chose to be away for a meantime. Sorry If I chose the safe way. I'm sorry because I am feeble. Too weak to handle the pain. Wala akong pinagsisihan sa mga ginawa ko kasi kahit papano, naghilom na yung durog kong puso.
At ngayon, na nagbabalik ako nitong mga nakaraang buwan, narealize kong kailangan ko ng maging matatag dahil nakayanan ko na ngang mawalan ng dalawang member tapos ngayon pa ako baback-out!? Nako! ROAD TO FOREVER NA ITO!! NAKO TALAGA KAPAG MAY NAWALA PA!!! PAPAKAMATAY NA AKO TSK :-((((((( OSYA YUN NA NAPAPAHABA NA TONG SULAT KO (lol mahaba na nga eh ahha) BASTA MAHAL NA MAHAL KO ANG EXO AT HINDING HINDI SILA MAWAWALA SA NUMBER 1 PLACE SA PUSO KO! EXO SARANGHAJA!!! HAPPY 3RD ANNIVERSARY!!!! SANA WALA NANG BAWASAN SA GRUPO KUNDI TANGINA NG SMENT YUN LANG PO. BYE! HUEHUE~ (gulat ba kayo dahil nag-update uli ako neto? hehe ako rin eh. di rin ako nagulat hahaha letche!! the power of exo-l)
