Kabanata 1
"I, CLAYTON Rossen Fuentebella, take you, Angielyn Marie Rodriguez, to be my lawfully wedded wife to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part…"
Isinuot ni Clayton sa daliri ni Ann ang hawak na singsing. Saktong-sakto ang sukat nito sa daliri ng babae at bahagya pang kuminang nang matapatan ng ilaw mula sa itaas ng kisame.
"I may now pronounce you, man and wife. You may now kiss your wife," anang judge na kaharap ng dalawa ngayon.
Atubiling hinarap si Ann ni Clayton. Bakas sa mukha nito ang disgusto at parang nais ni Ann na umalis doon at isiping masamang panaginip lang iyon.
Nang ibaba nito ang mukha at ilapat sa labi niya ang mga labi kahit na kitang-kita sa mukha ng lalaki ang galit nito sa kanya, napapikit si Ann. Hinihiling niya na sana matapos na kaagad ito.
Inilibot ni Angielyn ang paningin sa buong kabahayan na titirhan nilang dalawa ni Clayton. Saktong-sakto lang iyon para sa mga bagong kasal na tulad nilang dalawa. Sa pumasok sa isipan, napakagat ng pang-ibabang labi si Ann.
Kasal na sila.
She felt trapped. Hindi niya alam ang gagawin upang makaalis sa sitwasyong naroon siya ngayon dahil kahit makaalis man si Ann dito, hahabulin din siya ng pamilya ni Clayton dahil sa batang dinadala niya.
At isa pa, wala na siyang mapupuntahan pang iba. Ngayon niya tuloy hinihiling na sana, may mga magulang pa siya. Para sana kung ganoon, may kakampi siya. Kung nanaisin man niyang magpakalayo-layo, sasamahan siya ng ina at ama, maipagtatanggol siya ng mga ito kung gugustuhin niyang layuan si Clayton.
Pero ngayon...
Malalim siyang huminga.
Sana pala ay hindi na siya nagpadalos-dalos sa desisyon. Sana hindi niya sinabi kay Clayton ang tungkol sa pagbubuntis niya. Now, they're trapped inside this miserable marriage.
But maybe, they could work this out?
May munting pag-asa na umusbong sa dibdib ni Ann. Maybe there is a silver lining about this? She looked at her husband and tried to talk to him. "Clayton..."
Clayton ascended from the stairs without throwing a single glance at her. Lalong nanliit si Ann doon dahil hindi niya alam ang gagawin.
Ano pa nga bang aasahan niya? Hindi nito gusto ang pagpapakasal sa kanya. Bakit niya ba naisip na magiging maayos ang buhay nila bilang mag-asawa?
Clayton didn’t love her. He even didn’t like her from the start. Ang meron sila ay laro lang noong umpisa. A fling. Sino bang nagsabi sa kanya na mahulog sa mga sweet gestures nito kahit na alam niya naman na ganito si Clayton sa lahat ng babaeng nakakasalamuha nito?
Siya itong tanga na umasang iba siya sa lahat ng babae nito — siya ang tumagal na girlfriend kaya tumaas ang tingin niya sa sarili. That’s when Clayton broke up with him when she confessed she’s in love with him, she was appalled. Nagising siya sa katotohanang wala siyang pinagkaiba sa mga babaeng naghahabol dito.
Umiwas sa kanya si Clayton at hinayaan naman niya iyon. But who would have known that she would get pregnant after spending a night with him?
Alam ni Ann na ang tumatakbo sa isip nito ay sinadya niya ang lahat — that she got herself pregnant to get him. Kahit anong paliwanag niya, hindi ito makikinig sa sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
The CEO's Broken Vow
General Fiction"For better or worse, for richer or for poor, in sickness and in health, till death do us part." How long would you hold to the vow you promised to each other in front of God when you're the only one's fulfilling it in the first place? Because of a...