Kabanata 4P
ast
"T-THIS is for me? Sigurado ka, Clayton?"
Napatitig si Ann sa hawak at pagkatapos, binalik ang mga mata sa lalaking kaharap niya. Nag-iwas naman ng tingin si Clayton sa kanya at naiinis na nagkamot sa ulo.
"A-Ano? Kukunin mo ba o hindi? Kung ayaw mo, akin na uli." Sinubukan nitong kunin ang manggang hilaw at bagoong alamang ngunit mabilis na niyang iniwas sa lalaki ang hawak. Napamaang naman si Clayton at nakasalubong ang kilay na tumingin sa kanya.
"Bigay mo na sa akin ’to kaya akin na ’to. Salamat, Clay."
Muling nag-iwas ng tingin si Clayton sa kanya at may pagmamadaling umalis sa harapan ni Ann. Natatawa naman itong sinundan ng tingin ng babae. Noong makaakyat si Clayton sa second floor ng bahay, doon lang uli minasdan ni Ann ang hawak na mangga at bagoong.
Now that she’s pregnant, Ann has cravings for food. She tried to be secretive about it because she doesn’t want to be Clayton’s burden. Kaya kapag takam na takam siya sa isang bagay, kapag wala si Clayton ay lumalabas talaga siya ng bahay para lang mabili ang gusto niya. O kaya naman, kasama niya si Clarisse, ang kapatid na babae ni Clayton na kaibigan niya rin at silang dalawa ang naghahanap ng mga pinaglilihian niya.
Ngunit hindi niya alam na napapansin pala ni Clayton ang mga iyon kahit na anong tago niya. At ito nga, binilhan pa siya ng lalaki ng manggang hilaw at bagoong na kanina niya pa gustong kainin. Ito ang balak niyang hanapin bukas kasama si Clarisse ngunit si Clayton na ang gumawa noon para sa kanya. Gabi na at halatang galing pa sa trabaho ang lalaki at mukhang pagod pa ito kaya sobrang natutuwa si Ann sa effort ni Clayton.
Now, her hopes are up again . Siguro, hindi rin masamang ipakasal nga kay Clayton kahit na hindi niya rin iyon gusto noong una. Pwede naman sigurong umasa na sa hinaharap, magiging masayang pamilya sila kasama ang magiging anak nila, hindi ba?
Masayang kinain ni Ann ang biniling pagkain ni Clayton. At noong matapos siya, marahan niyang hinaplos ang medyo may kalakihang tiyan.
"Baby, bumabait na si Daddy mo. Konti pa siguro, magiging masayang family tayo."
Ganoon nga ang naging set-up nila. Kapag may gustong kainin si Ann, hindi man niya sabihin kay Clayton, lagi nitong binibigay ang gusto niyang mga pagkain. Dahil doon, lumalago ang pag-asa sa puso ni Ann na magiging maayos sila ng asawa.
Hindi man siya kinikibo ng lalaki at parang hangin lang minsan kung ituring nito, ramdam naman ni Ann na kahit paano, may amor na muli si Clayton sa kanya hindi tulad noong mga unang buwan nilang magkasama sa iisang bahay. Hindi na siya nito sinusungitan at minsan pa, tatanungin siya kung maayos ba ang pakiramdam niya at kumusta rin ba ang baby nila. Minsan din, may uwi itong vitamins at mga gulay para sa kanya na labis niyang kinatutuwa.
Those small actions of Clayton made Ann hopeful again. She feels that sooner or later, Clayton will warm up on them again.
At mas lalo pang umusbong ang pag-asa na iyon noong unang mabungaran niya mula sa pagpapahinga si Clayton na buhat-buhat ang anak nila na kapapanganak pa lang niya. May mumunting ngiti sa mukha nito habang minamasdan ang sanggol na kinangiti niya rin.
Napansin siya ni Clayton na gising na siya kaya lumapit ito at nilapag sa tabi niya ang tulog na sanggol. Sinilip ni Ann ang anak at agad siyang naluha noong matitigan ito. Hindi man niya gaanong maaninaw kung sino ang kamukha ng bata sa kanila ni Clayton, punong-puno ang puso ni Ann ng kasiyahan dahil kapiling na nila sa wakas ang anak.
BINABASA MO ANG
The CEO's Broken Vow
General Fiction"For better or worse, for richer or for poor, in sickness and in health, till death do us part." How long would you hold to the vow you promised to each other in front of God when you're the only one's fulfilling it in the first place? Because of a...