Kabanata 2
Past
KANINA pa naghihintay si Clayton sa labas ng classroom nila Ann ngunit hindi pa rin sila pinalalabas ng propesor. Sumandal si Clayton sa pader at pagod na pinikit ang mga mata. Napadilat lang siya noong may naramdaman siyang taong huminto sa harapan niya.
Nang buksan niya ang mga mata, tumambad sa paningin niya si Ann. He smiled at her and she smiled back.
"You’re waiting for me?"
Kinuha niya ang bag nito at sinukbit sa balikat. Napaawang ang bibig ni Ann at namilog ang mga mata nito noong pagmasdan siya na kinangiti niya uli rito. "Gwapo ’ko ba, Ann?"
"Loko! Give me my bag back!"
"Huh? Para kang rapper sa sinabi mo, baby." Napahalakhak siya sa sinabi.
Lumayo pa siya nang kaunti dahil tinangka nitong kunin ang bag nito. "Clayton!"
"Call me babe, first, Ann," tudyo niya sa babae.
Namula si Ann at sinamaan siya ng tingin ngunit sinunod naman nito ang gusto niya. "B-Babe, akin na ’yang bag ko. Hindi naman mabigat tapos kinuha mo pa."
He smiled at her again and strode off without giving her bag to her. Hinabol naman siya ni Ann at kumapit sa braso niya.
"Nangungulit ka na naman, Clayton, ha?"
Sinulyapan niya ang babae at pinindot ang namumula nitong ilong. Ito ang madalas niyang mapansin kay Ann. Her cute nose.
Natawa na naman siya noong mahawakan niya ang basang ilong ni Ann noong pisilin niya iyon. Pinakita niya ang mga basang daliri kay Ann. "You’re sweating, baby."
"Sinabi ko bang pisilin mo kasi ang ilong ko? And fyi, Clay, kaya naman ako pinagpawisan kasi hinabol kita."
Nilingon niya ang ilang hakbang lang na classroom ni Ann mula sa kanila at saka binalik ang tingin kay Ann. Mukhang nahulaan nito ang gusto niyang ipunto kaya sumimangot pa ito lalo.
"You’re judging me inside your mind," himutok ni Ann. Mas lalong humaba ang mahinang tawa niya.
"You’re still cute for me, though."
Ann was flustered and tried to roll her eyes at him but still, that doesn’t stop her from smiling. Clayton was amused while watching her.
Ann is simply beautiful. Her silky black hair that’s dancing when the air blows on her way, her big brown eyes that really got him enthralled everytime he stares at it, and her little nose that he always find cute. God. Everytime he lays his eyes on her, she takes his breath away.
"Uy, Clay, where are we going?"
Nilingon niya si Ann at nginitian muna. "Where do you wanna go?"
Tumigil si Ann sa paglalakad at kumapit sa braso niya. "Let’s celebrate?"
Nalito ang ekspresyon niya. "Celebrate what?"
"You didn't know na six months na tayo ngayong araw?"
Biglang parang may sumuntok kay Clayton na nagpagising sa kanya. Six months na sila ngayon? He thought that they were just going on for weeks and not months! Six months? He really stayed with her for the whole six months? Fuck. What should he do now?
Bumigat ang loob niya. This shouldn’t happen. Ann should just be his side chick. Ngunit bakit ganito ang pakiramdam niya at parang hindi na niya hawak ang mga nangyayari?
BINABASA MO ANG
The CEO's Broken Vow
General Fiction"For better or worse, for richer or for poor, in sickness and in health, till death do us part." How long would you hold to the vow you promised to each other in front of God when you're the only one's fulfilling it in the first place? Because of a...