MMC 36

4 0 0
                                    

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kaiiyak at 8pm na.

"Ms. Naki, dinner na po kayo," tawag sa akin ng yaya ko sa labas ng pinto.

"Hindi ako kakain," sabi ko nang mahina dahil ubos na ang energy ko kaiiyak.

"Ano po, ma'am?"

"Tangina, sabing hindi nga ako kakain!!" Sigaw ko.

"Ahh, o-okay po."

Napaiyak na naman ako sa frustration na nararamdaman ko. Dahil everytime na naaalala ko ang nangyari kanina na hindi nila pagpunta, hindi mapigilan ng mata kong maglabas ng luha.

I looked for my phone and decided to be on facebook na lang para malibang ako.

But that was a wrong idea.

Seeing my batch mates' photos with their parents made me sob.

Lalong lumakas ang iyak ko.

Sunod-sunod na posts ang nakikita ko sa newsfeed ko na photos of the students with their parents.

Ang tagal kong umiyak.

Pero lalo akong naiyak sa post ng school page namin.

It was the photo of me as their valedictorian. I am on the stage with my make-up artist that was supposed to be my mom and dad.

Napatingala ako sa kisame at nagsimulang magdasal.

Hindi ko na talaga alam.

May magulang naman ako, pero bakit parang wala?

May magulang naman ako, pero bakit may kulang?

Ano bang ginawa ko para madeserve 'to?

Napadapa ako sa kama ko para mas lakasan ang iyak. I don't want to be heard.

Pumapasok sa isip ko 'yung mga events sa buhay ko na dapat nandoon sila.

I was crying already for an hour, yet I can't still calm myself.

Kinapa ko ang cellphone ko para buksan ang messenger ko.

When I found out that there is no messages coming from Aze, lalo akong naiyak.

Aze, pati ba naman ikaw?

Presence mo lang sa messenger ko, oh.

Baka 'pag nagchat ka na, kakalma na ako.

Aze, I badly need you again. Please come back.

Aze, today is my special day eh. Greet me or congratulate me, it is all gonna be fine.

Maya-maya, kumatok bigla si daddy.

Huminga ako nang malalim nang ilang beses at pinunasan ang mga luha ko.

I opened the door.

Daddy is holding a pink bouquet of red roses.

He handed it to me and my heart can't take what he said.

"Aze asked me to give that to you."

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Naki, babawi kami sa 'yo ng mommy mo tonight. Magbihis ka, kakain tayo sa isang restaurant. Sakto 'di ka pa kumakain sabi ng yaya mo."

Tulala ako kaya hindi maprocess ng utak ko ang sinasabi ni dad.

Dali-dali akong pumunta sa kama ko at kinuha ang cellphone ko.

I was so shocked by what I saw.

I was so shocked by what I saw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Meet Me in the CloudsWhere stories live. Discover now