MMC 38

7 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng mga bata. Kaya ayaw ko ng bata eh. Ang iingay. Pero pinili kong pumarito eh, kailangan kong panindigan.

Lumabas na ako ng kwarto at may isang madre na papadaan pa lang ng kwarto ko.

"Naki, gising ka na pala. Tara na't mag-almusal na tayo."

Sinundan ko ang madre. Habang palayo ako sa kwarto, palakas nang palakas ang ingay ng mga bata.

Woah.

Nagulat ako nang makapasok ako sa dinning area ng orphanage. Ang laki at puno ng bata. Hile-hilera sila.

Ang ingay ng mga bata ay napalitan ng katahimikan nang dumampi sa akin ang mga tingin nila.

"Mga bata, ito si ate Naki niyo. Anak siya nina mr. and mrs. Lizano. Dito muna siya sa atin, ayos ba 'yon?" Inakbayan ako ni sister.

"Opo!" The kids replied with their wide smile.

Naglabas ako ng pekeng ngiti kaya nagmukha akong awkward.

Maya-maya pa, ang mga mata ko ay nagkusang hanapin ang lalaking 'yon. At nakita ko siya sa may bandang harapan. He's on a wheelchair with his nasal cannula and dextrose.

Tinutulungan niya sila sister sa pagdidistribute ng food.

Pumunta ako sa pwesto niya. Tinulak ko ang wheelchair niya sa isang tabi nang hindi niya alam kaya naman napalingon siya sa akin.

"You're awake na? Good morning," bati niya sa akin nang may ngiti.

Nginitian ko rin siya pabalik. "Palit muna tayo. Ako muna magdidistribute ng foods," I tapped his head.

Nang matapos ako sa ginagawa, dinalhan ko na rin ng pagkain si Aze na nakikipaglaro sa isang table ng mga bata.

"Naki, kumain na ako. Sa 'yo na lang 'yan."

"Gano'n ba? Okay, fine."

Umupo ako sa harap niya at nagsimulang kumain.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang nagsihiyawan ang mga bata.

"Yiiiiieeeeeeehhhh"

"Si kuya, oh HAHAHAHA!"

"Kuya baka matunaw si ate sa titig mo!"

Napalingon ako kay Aze na agad namang tinanggal sa akin ang tingin.

"Pst, shhh!! Ingay niyo, ha," suway ni Aze na ikinatawa ng mga bata. Binaling niya sa akin ang tingin niya at nginitian ako nag napakalaki.

I rolled my eyes and continued on eating.


"Saan tayo?" Tanong ko kay Aze nang makalabas kami sa dinning area. Ako ang tutulak ngayon sa kaniya sa wheelchair.

"Wanna study?" He asked.

"Yeah, sure. Saan ba?" I started pushing.

Tinuro niya sa akin ang daan ng library nila rito.

Pinapwesto ko siya sa harap ng isang upuan na uupuan ko.

"Sige, dating gawi. Hanap ka libro, tanungan tayo, oh," hamon sa akin ni Aze.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"I, Nakisha Rae, accept the challenge."

Dali-dali akong humanap ng libro. At nagsimula kami sa challenge.



Meet Me in the CloudsWhere stories live. Discover now