Pagewang gewang ang aking lakad habang hawak ang aking sumasakit na ulo. Lumilindol ba? Bakit parang umiikot ang paligid?
Tahimik ang paligid tanging alon mula sa dagat ang aking naririnig at ang naghahampasang mga sanga dahil sa hangin pero umiikot ang aking paningin. Nahihilo ako, masakit ang ulo ko. Pinili kong ibagsak ang akin katawan sa buhanginan at muling nilapat ang hawak na bote sa aking bibig.
"Pota!" irita kong sigaw. Wala nang laman.
Pilit kong inaalala bakit ako nandito. Mag isa sa madilim at malamig na tabing dagat, malayo sa maingay at nagkakasiyahang mga kasamahan. Our company is celebrating its anniversary but I'm far from celebrating.
Muling nag alab ang kagalit sa aking kalooban, hindi makapaniwala sa aking nasaksihan. Si Ellana na nakikipag halikan sa aming boss, gagong boss. Iniisip ko na baka lasing lang ito at sinasamatala ng gagong Alfredo na iyon dahil noon pa, alam ko na may pagnanasa siya aking nobya hindi lang siya, marami pa sila. Tunay na maganda si Ellana, siya ang pinaka maganda sa aming lugar kaya di ako nagtataka na madaming naghahabol sa kanya noon pa naman at hanggang ngayon. Gusto ko sana siya palipatin nalang ng trabaho dahil iba talaga makatingin sa kanya si Boss Alfred, pero naisip ko mas mabuti nasa isang kompanya lang kami para mabantayan ko.
Mabantayan? Pota!
Yung binabantayan ko nag kusa pala!
Hindi ko napigilan ang sarili ako at mabilis kong sinugod si Boss Alfred ng suntok nang mahiwalay ko sa kanya si Ellana. Tumili si Ellana at galit akong tinulak at nilapitan ito.
"Anong ginawa mo, Rigger!!" sigaw niya sa akin. "Ayos ka lang, Alfred?" pinunasan pa nito ang tumulong dugo sa gilid ng labi dahil sa suntok ko.
Haa! Hindi makapaniwalang tinitigan ko si Ellana na nakakapit pa sa braso nito habang inaalalayan tumayo. At Alfred? Kailan pa sila naging first name basis? May nabubuo sa isip ko pero pinipilit kong hindi totoo iyon.
"Ano 'to Ellana?" mababa ang boses ko pero may galit na nabubuo sa akin. "Hinalikan ka niya!"
Ngumisi sa akin si Boss Alfred, na lalong kinainis ko.
"Naghahalikan kami, Guerrero." pagtatama niya na puno nang pangungutya.
"Gago!" muli ko siyang sinapak. Muling tumili si Ellana, hindi na naman bumulagta ito sa buhanginan dahil kahit papano ay mukang inaasahan niya ang suntok ko at naka ganti pa ito ng isang suntok.
Wag niya kong binubwisit dahil kayang kaya ko siya patumbahin dito. Muli ko sana siyang sasapakin nang humarang at pumagitna sa amin si Ellana, umaapoy sa galit ang mga titig.
"Tumigil ka Rigger, nakakahiya ka!" angil niya. Ako? Ako pa talaga ang nakakahiya!
Mapakla akong tumawa tila di ko naiitindihan ang sinasabi niya.
"Yan ang nakakahiya!" turo ko sa gagong boss namin na nagtatago sa likuran ni Ellana, pero ngumisi lang siya sa akin at naghahamon. "Ano hinaharass ka ba niya ha, Ellana?" hawak ko sa braso niya pero tinapik niya lang ang aking kamay.
May galit ngunit may halong pangamba sa mga mata niya. Umiling ito.
"Mag hiwalay na tayo, Rigger."
Ha! Alam ko, alam ko mataas masyado ang pangarap ni Ellana at gusto niyang yumaman at pagod na daw siyang maging mahirap. Eto? Eto yung paraan niya dahil mula sa mayamang pamilya ang boss namin? Ginawa ko lahat para sa kanya, kahit halos kalimutan ko na ang pamilya ko sa probinsya para sa kanya.
Pumikit ako ng mariin saka umiling. Tinitigan ko si Ellana, alam ko napipilitan lang siya, alam ko masyado lang siya nagiging sakim.
"Hindi, Ellana. Alam ko hindi mo naman gusto yang lalaking yan, ako ang gusto mo. Mag sisikap ako, Ellana, nagsisikap ako para mabigay ko lahat ng gusto mo." Pilit ko inaabot ang kamay niya pero umiiling lang siya at hindi pumapayag na hawakan ko.
BINABASA MO ANG
Jennie in the Bottle
Fantasy"Your wish is my command." If you found yourself a genie, what would be your wish?