Wish #1

8 0 0
                                        

Pag gising ay masakit ang aking ulo. Ano pa nga ba ang inaasahan ko?

Unti-unti ko minulat ang aking mata at sinalubong ng pamilyar na kwarto, eto ang akyupado kong kwarto pero ang tanda ko ay buhanginan ako natulog. Ayoko bumalik dito dahil dapat kasama ko si Ellana dito pero hindi na ko nagtataka kung wala na ang mga gamit niyo dito.

Saka ko naalala ang babaeng genie. Napahagalpak ako ng tawa. Lakas ng tama ko kagabi, dahil kung anu-anong maiinom nalang ang dinampot ko sa party kagabi. Ganito ba ko ka-desperado at ganun pa napanaginipan ko? Pucha!

Tumayo na ko dahil hahanapin ko si Ellana, kailangan ko siya makausap pero napansin ko ang pamilyar na bote sa side table ng kama.

"I'm just one call away"

Nangilabot ako ng maramdam na parang may bumulong sa akin. Hindi makapaniwala sa sa natatanaw na pamilyar na bote. There's nothing wrong in trying pero parang sinabi ko nadin na naniniwala ako sa genie, pinangarap ko maging lawyer tas magpapaniwala ako na may genie. But there's no harm for trying, lalo na bilang isang lawyer, what you see is what you should believe. Kailangan ko patunayan sa sarili ko na panaginip lang lahat ng iyon at walang genie.

Pumikit ako at inalala ang kanyang pangalan. Simula sa maalon niyang buhok, namumulang pisngi at kumukurbang bewang. Shit!

"Jennie!" naalala ko na ang pangalan niya. Lintik na malagkit na pawis ang nilaan ko sa pag alala sa genie na yun. Ano Rigger? Ganyan ka ba kasabik sa ibang babae na pati panaginip mo ganyan?

"Jennie" muling tawag ko. "Jennie.... Jennie.... Jennie" Haa! One call away pero nakailangan tawag na ko wala padin siya.

Muli napagalpak ako sa tawa, gusto kong tawanan ang sarili ko. Gago mo Rigger! Umaasa ka bang totoo ung genie! Tinitigan ko ang bote, mukang dahil dito kaya lumala ang panaginip ko.

Umikot ako at muli napabaling sa kama laking gulat ko na makita itong nakahig patagilid sa aking kama.

"Good morning, Master" masayang bati nito at may multong ngiti sa labi and she's still wearing the same outfit I remember last night. Mas lalong kapansin-pansin ang kurba ng katawan nito dahil sa pagkakatagilid sa kama.

"Pucha, totoo ka?" Hindi makapaniwalang usal ko. Pinikit at dinilat ko ang mata ko ng paulit-ulit, nandun padin siya.

Umiling ito. "Don't say bad words. At oo, totoo ako. Naniwala ka naman di ba? Tinawag mo nga ako e." saka niya ko nginitian ng nakaka-loko.

Napahilamos ako sa aking palad. "Oh pota! Hindi ka totoo. May hangover pa ata ako."

Pero laging gulat ko at halos mapa-atras nang lumapit siya at mahina akong simapal. "Totoo nga ako."

Tinitigan ko siya at bumaba ang tingin ko sa mga paa niya dahil sa bilis ng pagkalapit niya sakin. Pocha! Napatalon ako palayo sa kanya. "Bakit lumulutang?" sabay turo ko sa paa niyang lumulutang.

Tumawa siya saka ngumuso. "Genie nga kasi ako." saka siya naglilipad sa harap ko, sa loob ng kwarto ko. "Mag wish ka nalang, pagod na ko magpaliwanag sayo. Tatlo lang ha!"

Hindi ako makapaniwala, lalo na ngayon na lumilipad siya sa harapan ko. Tignan mo Ellana, kung ano ginawa mo sakin. Ginawa mo kong baliw.

"Naalala ko sa buhanginan ako natulog, bakit nandito ako ngayon sa kwarto ko? Ikaw ba nagdala sakin dito?" tanong ko.

Huminto siya pag lipad at umiling. "Hindi nu. Ang bigat mo kaya."

Napakunot ang noo ko. "Akala ko ba genie ka, edi may powers ka!" Diyos ko po Rigger, nababaliw kana, pinapatulan mo pa imahinasyon mo.

Jennie in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon