Wish #2

7 0 0
                                    

Hindi ako makapaniwala pag kabalik ko sa apartment na tinutuluyan namin ni Ellana ay wala na ang mga gamit niya. Haa! At ano? Doon na siya titira sa Alfredo na yon!

Padabog kong binaba ang bag ko. Gusto mag wala ng buong pag kataon ko. Parang gusto ko manapak uli! Tanging iniwan niya ang mga gamit na madali niyang mabibili uli. Nakita ko ang masayang larawan namin sa gilid. Nang gigil ako!

Dumeretso ako sa kusina, naalalang may naiwan pa akong beer dito. Wala akong ginawa maghapon kundi mag mukmok sa apartment, sa apartment namin ni Ellana, kung saan bawat sulok ay may alaala ko sa kanya. Bawat sulok nitong apartment ay ginawan namin ng memorya, mapa kusina, sa sala, sa dining table, sa cr, at pag gabi kahit sa terrace. Pota!

Magdidilim na nang tumunog ang aking cellphone, umaasa na si Ellana yun at sumagot na sa ilang beses kong pagtetext sa kanya. Nang makita ko kung sino tumatawag ay napasimangot lang ako, si Gino. Walang gana kong binagsak ang cellphone at hindi pinansin. Bago kami nagkahiwa-hiwalay ay nagyayaan sila mag bar ngayong gabi pero tumanggi ako. Nag dahilan na babawi ako kay Ellana.

"Napaka among tuta" kutya pa nila sakin nung sinabi ko yun.

Alam ko namang palagi nila ko inaasar dahil gaano man daw ako kagaling at katalino sa trabaho, ay siyang sunud-sunuran ko naman daw kay Ellana.

Hindi ko pinansin ang tawag ni Gino hanggang tumigil ito pero sinundan niya ito ng text.

Gino Supot: Gago pare! Andito si Ellana sa bar, kasama ni Boss Alfred.

Mabilis kong dinampot ang cellphone ko at tinawagan si Gino, mabilis din naman niyang sinagot ito.

"Gago ka, kanina pa kita tinatawagan. Andito si Boss kasama si Ellana, alam mo ba 'to? Kaya ba kayo magkaaway ni Ellana?"

"Puta! Asan kayo?"

Sinagot naman agad ako ni Gino kung saan bar sila. Mabilis ako kumilos para pumunta dun, kanina pa ko nagmumukmok dito tapos nasa bar lang pala sila, nag sasaya!

Kinuha ko ang itim kong jacket nang may maalala ako.

"Jennie!" tawag ko. Nagulat ako ng mabilis naman siyang biglang sumulpot ito sa harapan ko. Talagang tuluyan na kong naniwala sa kanya.

"Hi Master. May wish kana?" she's smiling at me, iba na uli ang suot niya pero kapareho ng una niyang damit naka ekis lang ngayon ang damit niya pantaas at mas light lang ang pagka-pink nito ngayon na may gintong mga palawit.

Umiling ako. Hindi ko rin alam bakit ko siya tinawag, bigla ko lang siya naalala ngayon.

Tinagilid niya ang kanyang ulo. "Bakit mo ko tinawag?"

"Pupunta tayong bar." desisyon ko.

"Bar?" Tila nag iisip ito saglit at biglang kuminang ang mga mata. "Yung mga may nagsasayawan?" tanong niya. Kumunot ang noo ko saka tumango.

Nagulat ako ng bigla uli siyang nawala sa paningin ko. Saan pumunta yun? Tatawagin ko sana uli nang mag ring uli cellphone ko, si Gino ulit.

"Pupunta na ko" ani ko pagkasagot.

"Dalian mo, nasa taas sila. Hindi namin masyado makita."

Umalis na ko, hindi ko uli tinawag si Jennie.

Dumating ako sa bar na tinutukoy nila, mabilis kong nahanap sila Gino.

"Rigger!" sigaw ni Macoy, medyo marami sila na mga kasama ko sa trabaho. Ayos! Halos alam na nilang lahat ano ang estado namin ni Ellana ngayon. Nandon din si Patty. "Nasa taas daw, VIP."

Tinignan ako ni Patty ng malungkot. "Alam mo bang hindi namin kasabay si Ellana kanina, kaya gulat ako ng sinabi nila Macoy na sinabi niyang sa amin daw siya sumabay." Great! I knew it.

Jennie in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon