Wish #3

4 0 0
                                    




"Gago!" sigaw ni Gino sa mga bouncer na nagtulak samin palabas ng bar. Kung malilit kami ay baka hinagis pa kami.

"Umalis na kayo! Takaw gulo kayo!" sigaw samin nung bouncer.

Umamba ng suntok si Macoy pero di naman tinutuloy. Sinusuntok lang siya hangin at nang gigil. "Malaki lang katawan niyo, pero di ko kaya patumbahin." Hindi na siya pinansin nungg mga bouncer at iniwan lang kami sa labas. Pinag titinginan lang kami ng mga taong papasok at palabas ng bar at iiling lang.

"Si Ellana..." nang hihina kong usal.

Masama akong tinignan ni Macoy. "Siraulo ka ba talaga, Rigs? Hindi mo ba nakita ginawa ni Ellana. Pinagtabuyan ka na, pinili niya si Boss Alfred."

Umiling ako, hanggang sa totoo lang in denial padin ako.

"Hindi niya mahal yon, ako mahal niya." pag pupumilit ko pa habang sinasapo ang sumasakit nang ulo. Hindi lang dahil sa alak kundi dahil din sa mga suntok na natamo pero wala lahat ng ito, wala sa sakit na nararamdaman ko.

"Hindi pag mamahal kailangan ni Ellana, Rigger. Pe-ra! Pera!" Umiling ako, wala akong magawa kundi umiling. "At dahil sinapak mo si Boss... ay teka, hindi ko nadin siya boss. At dahil sinapak mo si Del Monte, wala kanang trabaho. Wala na tayong trabaho, at wala kanang pera."

Muli akong sinapak ng katotohanan. Wala na si Ellana, wala din akong trabaho.

"Tumahimik kana nga, Macoy! Hindi naman tayo inutusan ni Rigs na sumali." sita ni Gino. "Nag dilim lang ako ng ginamit niya posisyon niya para takutin si Rigger." Tinapik niya ko sa balikat. "Madaming ibang trabaho, Rigs, matalino ka."

"Hindi ko pa tuloy nalapitan si Baby" bulong bulong pa ni Macoy.

Hindi ko maproseso ang mga sinasabi nila. Tama, nadamay pa ang mga kaibigan ko dahil nakisali sila sa gulo ko.

"Halika na, ihatid ka namin. May dala akong sasakyan."

Ganun ang nangyari, hinatid ako nila Gino sa apartment ko. Gusto ni Macoy makitulog, mag after party daw kami dahil pare-pareho naman daw kami walang trabaho bukas pero hindi pumayag si Gino. Hayaan nalang daw muna ko tsaka kailangan niya ibalik ung kotse ng Papa niya.

Nang hihina nang umupo ako sa pang dalawang sofa. Tangina! Pati ito amoy ni Ellana. Tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na sana papansin pero nakita ko na si Mama ang tumatawag kaya sinagot ko.

"Ma?" I cleared my throat.

"Rigger, hijo. Kamusta?" pa una ni Mama.

"Ayos naman ako Ma, si Papa?" sandaling natahimik sa kabilang linya. Napa sapo ako sa aking noo. "Anong nangyari kay Papa, Ma?"

"Pa-pasensya na anak, alam ko namang nagpapaka hirap ka magtrabaho dyan tapos sa mga gastustin niyo ni Ellana pero hijo, kailangan kasi ng pera para sa operasyon ng Papa mo." humagulgol ito ng iyak. "Nasa hospital kami ngayon dahil hindi na kinaya ng Papa mo ang sakit kanina. Stable naman siya ngayon at nagawan ng paraan ni Rolly ang ilang bayarin pero sabi ng doctor kailangan na siya ma-operahan." Napapikit ako ang dami ko nang iniisip pero hindi ko naman pwede talikuran ang pamilya ko.

"S-sige Ma, ayos naman si Papa ngayon di ba? Gagawan ko ng paraan. Tatawag ako bukas, Ma." Hindi ko kaya mag-isip ngayon.

"Sige anak. Pasensya na, pasabi din kay Ellana. Mag iingat kayo dyan sa Manila." Tumango lang ako kahit hindi naman niya ko nakikita saka pinatay ang tawag.

Hindi ko na balak tignan ang ibang mensahe para sa akin pero napansin ko ang binuong group chat ni Patty na wala si Ellana. I opened the group chat.

Patricia Bautista: After you guys left.

Jennie in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon