Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Prologue

437K 4.1K 239
                                    


This novel contains sensitive topics such as violence and self-harm that may trigger traumatic experiences

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This novel contains sensitive topics such as violence and self-harm that may trigger traumatic experiences. Discretion is advised.

**

May mga bagay na hindi natin kayang pigilang matapos. May mga dulo na kahit ilang beses nating iwasan, mararating at mararating natin. At kadalasan, kapag natatapos ang isang bagay, kapag mas importante sa 'yo, mas masakit.

Ngayong araw ang unang beses na dinala ako ni Renzo sa isang nature park; medyo nakakapagtaka pero hinayaan ko na. Hawak ko ang kinakain kong shawarma nang muntik na akong mahagip ng bisikleta pero mabilis niya akong nahila palapit sa kanya. "Mag-ingat ka."

Tumigil ako sa paglalakad at tumitig sa kanya. Kitang-kita ang iritasyon sa mukha niya at hindi ko talaga alam kung bakit. Hindi naman nakakunot ang noo niya at hindi rin salubong ang kilay pero kung paano niya ako tignan, parang isa akong malaking abala.

"Why are you so grumpy?" I asked.

"Kung mahagip at nagkasugat ka diyan, anong ipapaliwanag mo sa parents mo?" Saka siya umiling at naglakad papunta sa isang stall ng mga pagkain. Umorder siya ng kakainin niya nang hindi man lang ako tinatanong. Tahimik lang ako sa tabi niya habang siya, nakatuon ang buong atensyon sa kinakain niyang ramen.

Nakakapanibago. Ngayon lang siya ganito. He's usually sweet and considerate pero ngayon, parang ibang tao ang kasama ko. Tinitigan ko ang ramen na kinakain niya. Mas maswerte pa nga 'yong ramen, hinihigop na, nilalasap pa!

Patapos na siyang kumain kaya tumayo ako para bumili ng tubig pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Ngumisi ako at bumaling sa kanya. "Oh? Buti naalala mong may kasama ka?"

"Mag-usap muna tayo." Saka niya iginilid ang mangkok na wala nang laman.

Medyo natagalan ako sa pag-upo. Kinabahan ako, e. Kakaiba na ang mga tingin at kilos niya. May ideya ako pero pilit kong binabalewala.

Magaan na ang mga tingin niya habang hawak niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "Maghiwalay na tayo."

"Huh?"

"Maghiwalay na tayo."

Naghintay ako ng ilang segundo. Baka bawiin niya... "Seryoso ka ba?"

"Ayoko na..."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig habang nakatingin sa kanya. Malungkot siya, sobrang lungkot. Para bang hirap na hirap na siya sa relasyon namin at gusto niya nang kumawala.

"Anong ayaw mo na? Why?"

"Kapag nalaman ng Daddy mo ang tungkol sa atin, magagalit siya sa 'yo, sa 'kin, baka madamay ang scholarship ko."

Marahas kong binawi ang kamay ko. I balled my fist just to keep myself from slapping him. "You, bastard!" Kahit nangingilid ang luha ko, mas nangignibabaw ang galit. The fuck is wrong with this guy? Siya itong nagpakilala at nanggulo tapos...

"Dalawang taon na natin itong tinatago tapos ngayon mo lang naisipang tapusin? Sana noon pa. Pinaasa mo lang ako na kaya mong harapin si Dad, someday!"

"Bata ka pa; marami ka pang makikilala."

Natigilan na naman ako habang nakatingin lang sa kanya. Tangina naman, o. Kung bata pa ako sa paningin niya, sana hindi niya ako ginusto!

Kung saan-saan na lumipad ang isip ko at ni hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Yung galit ko, unti-unting napalitan ng sakit. Suminghap ako at tinitigan siya nang mabuti. "We can... we can fix this. Let's fix this..."

Kusa nang tumulo ang mga luha ko kahit anong pagpigil ang gawin ko. Sobrang init ng paligid, sobrang init ng mata ko at naninikip ang dibdib ko. This is the worst day.

Sinubukan niyang punasan ang luha ko pero umiwas ako. Napabuntonghininga na lang siya habang nakatitig sa 'kin. "We can't... fix this."

"Ang sabi mo ipaglalaban mo 'ko. Bakit umaayaw ka kaagad?"

"Kasi wala tayong patutunguhan."

Tinitigan ko lang siya. Wala na ang lungkot sa mga mata niya; ang tanging nakikita ko na lang ay determinasyon. Buo na ang desisyon niya at hindi na mahalaga ang opinyon ko. Kahit lumuhod ako sa harap niya, hinding-hindi niya ako pagbibigyan. Sa isang iglap, ang lalaking halos sambahin ako noon, itinataboy na ako ngayon.

He was my first heartbreak. Noong sinagot ko siya two years ago, hindi sumagi sa isip ko ang araw na 'to. Sobrang bilis at wala man lang pasabi. Magigising ka na lang isang araw, wala na 'yong taong iniingatan mo. I never prepared myself for this! But I just turned 18 at wala naman akong choice so I will just move on. Little by little every day.  

**

Facebook: Lei Dumayo

Twitter: lei_dumayo

Instagram: lei_dumayo


Bleeding Love (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon