Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 3

203K 2.9K 93
                                    

Dala ko na ang isang brown envelope na may lamang mga resumé habang pabalik ako sa Manila. Isa-isa kong binasa ang mga ito habang nasa flight. Magagaling ang mga creative staff nila. Ang ilan, kung hindi nanalo ng mga local awards, nagtapos naman sa magagandang kolehiyo o kaya'y lagpas sampung taon nang nagtatrabaho sa industriya.

Nagbigay din ang iba sa kanila ng kanilang portfolio. Bago at magaganda ang mga idea nila at siguradong malaking tulong sila sa OC. Nakakapanghinayang lang dahil kung kalian nakikilala na ang iMake, saka pa ito nangyari.

Pagdating ko sa airport, ipinadala ko na kay Kuya Jerry ang backpack ko habang ako, dumiretso na sa OC. Nagtungo ako sa opisina ni Gigi na naabutan kong nagkakape at nag-aasikaso ng mga papeles. "Good morning, Gi."

"Yow, aga mo ah?"

"Can you do me a favor?"

"Anong meron?"

Humigop ako sa kape niya at naupo. "These are all qualified applicants. I already checked it and I want you to distribute these papers to the other HR managers sa iba't ibang branch natin. Give all of them the job suited for their qualification."

"Ang dami naman nito. Saan mo 'to nakuha?"

"Nasunog ang iMake, alam mo na ba?"

"Shit, oo nga!"

"Itong mga 'to, creative staff ng iMake. Gusto ko silang hanapan ng trabaho so I hope you can help me."

"Wow, that's so noble of you, ha." Mula sa kalmado niyang mukha, mabilis na umangat ang tingin niya sa akin at nanlaki ang mga mata. "Oh my, gosh! Nalaman ko lang kaninang umaga. Wala na yung mama ni Renzo?"

Dahan-dahan akong tumango. "Yes. So I went to Davao para makatulong."

"Wow. You went to Davao?"

"Wow, rhyme."

"I'm serious!"

"Oo nga. Friday night bumiyahe ako papunta do'n, kagabi lang din ako bumiyahe pabalik dito."

Naningkit ang tingin niya sa 'kin kaya umirap ako at umiling. "Tsk, chill. I didn't do anything. Nag-offer lang ako ng tulong."

Bumalik na ako sa bahay pero bago ako makapasok sa pinto, nakatanggap ako ng text galing kay Renzo. Kinalma ko ang sarili ko kahit na medyo nagulat ako. He never texted me since... I don't know.

Good morning. I hope you went home safe. Sinubukan kong mag-set ng appointment sa Daddy mo pero his schedule is too tight. Can you help me?

Daddy met Renzo a few times. Bukod sa pag-amin ko kay Daddy na ex ko si Renzo, pormal silang nagkausap sa isang convention noon. Nalaman din ni Dad na si Renzo ang nakaisip sa content ng isang sumikat na commercial ng iMake years ago. 'Yon ang dahilan kaya nakilala ang iMake.

The commercial went viral nationwide for almost two months because of the humorous concept and the jingle was really catchy. Minsan nakakanta ko pa yung jingle sa shower. Sa soc-med, maraming parody at memes tungkol sa ad na 'yon.

We lost a lot of clients because of that. Pagkatapos kasi ng kontrata nila sa amin, sa iMake na sila nakipag-deal para sa future projects nila. We had a small profit lost and Dad was mad as hell pero naging stable naman ang OC makalipas ang ilang buwan. I'm happy for iMake's success, really.

After that phenomenal advertisement, Dad tried to convince Renzo na magtrabaho sa amin pero of course, hindi 'yon papayag. Alangan namang iwan ni Renzo ang sarili nilang agency para magtrabaho sa amin.

Okay, I'll set you an appointment. Kailan ka pupunta rito?

I'm already here in Manila, sorry for the rush.

Bleeding Love (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon